Revenge is a dish best served cold.
-Anonymous
Chapter 10
Natataranta akong tinatali ang lubid sa bintana. Any minute, papasok na siya sa kwartong ito. Any minute, mahahanap niya na rin ako. Konti na lang. Konti na lang.. ayun! Natali ko na rin yung lubid.
Bang!
Narinig ko yung marahas na pagsara ng pinto. At alam kong sinasadya iyon ni Radimir. Gusto niyang kabahan ako. Gusto niyang matakot ako.
Fine! Nagtatagumpay siya sa plano niya.
Ginulo ko ang buong kwarto para malito siya kung sakaling pumasok man siya dito. At masmaraming chansa na makapagtago ako.
Narinig ko ang mga hakbang niya at ang unti-unting pagbukas ng pinto sa kwarto kung nasaan ako ngayon. Agad agad akong nagtago at humigpit yung hawak ko sa aking kutsilyo.
"I know you're there Eva. Come. Fight me. Don't hide in the shadows." Considering the situation that I was in, I certainly think that his voice is sexy with his British accent. Samahan mo pa ang kulog at malakas na bagyo sa background.
He is like an angel ready to give justice to the mortals. And I was the criminal.
Mukhang baliktad yata.
Inipon ko ang buong lakas ko at hinigpitan ang kapit sa kutsilyo na hawak hawak ko. Nararamdaman ko na ang presensya niya. At sa tunog ng mga yapak niya ay alam kong nakatalikod siya sa akin.
1..2..3..Go!
"Ahhhh!" Lumabas ako sa pinagtataguan ko at akmang susugudin siya pero naistatwa ako nang humarap siya sa akin.
Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Bakit siya nakatopless?
"I'm sorry. You stained my shirt with your coffee. I have no choice but to remove it." He smiled sheepishly.
I turned to look him in the eyes. But I know if I look down, I will see his body with oozing 6 pack abs. Not looking there. Definitely not looking there.
"No one's asking." I told him even if I really asked a question in my mind.
Nagsimula na akong tumakbo papunta sa kaniya at akmang sasaksakin ko na ang binti niya pero nagawa niyang umilag at agawin sa akin ang kustilyo.
"No weapons. Now we're fair." Tinapon niya ang kustilyo sa may bintana. Nanlaki ang mga mata ko at agad tumingin sa labas para makasiguro na walang natamaan ng kutsilyo.
"Paano kapag may dumadaan pala sa labas at matamaan mo sila! What a childish act, dummy!" Sigaw ko sa kaniya nang nakayukom ang palad.
Asad. Lion. Right. He's an animal. He has no mercy. He is transparent to guilt.
Nawala ang mapaglarong ngiti sa mga labi niya at naging seryoso. "Dummy you say? Childish? Let's see."
Sinarado niya ang distansya sa aming dalawa at sinandal ako sa pader. Kumabog ang puso ko at kahit umuulan, naramdaman kong pinagpapawisan ako.
"Call me childish again, and I will prove you wrong." I can feel his breath touched my cheek. He is so close. Na kahit pigilan ko ang aking mga mata ay napadako ito sa 6 pack abs niya. He looks like a model. One that I only saw in magazines. One that is photoshopped to make the picture looked more masculine.
But in front of my eyes is not a picture. Nor it is photoshopped.
It is real. It is Radimir.
"Like the view?" Panunukso niya. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang ginagawa ko. Am I fantasizing the Asad of Tenebrous? No! In his dreams.
Is he doing this on purpose? Isinandal niya ba ko sa pader para ipagmalaki ang kakisigan niya?
"Oh, I like the view." I gave him my sweetest smile. Akala niya magpapalaro ako sa kaniya? Two can play the game. I brushed his chest with my fingers. His skin jumped beneath my touch and my fingertips tingled. "But it would be better if your chest is filled with your own blood and there's a knife stabbed at your stomach."
Mabilisan kong kinuha yung kutsilyo na tinatago ko sa aking damit. Nakalagay ito sa aking likod at sinaksak ko siya.
I was aiming for his stomach ngunit agad siyang nakailag kaya nadaplisan ko lang ang braso niya. Muli ko sana siyang sasaksakin ngunit masyado siyang mabilis at laging nakakailag.
Muli kong inulit-ulit ang aking pag-atake pero ni hindi ko siya masugatan. Pagod na pagod na ako dito pero parang buo pa rin ang lakas niya. Na para bang warm up lang niya ito. Naubos na ang pasensya ko kaya sasaksakin ko na sana siya sa kaniyang puso pero nahawakan niya ang aking pulso. Gamit ang isa niya pang kamay ay kinuha niya ang aking kutsilyo at itinapon ito sa sulok ng kwarto.
"Now we're fair again, Eva." And I gave him credit for throwing my knife in this room instead of outside the window. He's a good listener, huh?
Biglang kumulog nang malakas at mashinigpitan niya ang kapit sa pulso ko. Yung higpit na hindi niya ko hahayaang makawala sa kaniya.
"Enough for the games." Hindi ko namalayan na may handcuffs pala na nakasabit sa pantalon niya. Kinuha niya ito at tumingin sa akin. "You need to go with me. In the Tenebrous palace."
Nanlaki ang mga mata ko. No. No. No. Hindi lang simpleng pagbisita ang ginawa ngayon ni Radimir. Gusto niya kong isama sa lungga ng mga kaaway ko. Gusto niya kong maging bilanggo sa kamay ng mga Tenebrous.
Akmang ilalagay niya na ang posas sa aking kamay nang sinuntok ko siya nang malakas sa mata.
Kapal ng mukha mo! Hindi ako sasama sa'yo!
Tumakbo agad ako patungo sa lubid na tinatali ko kanina sa bintana. Nakatali ang lubid na ito sa timba na nasa taas at kapag kinalas ko ito, mahuhulog yung laman ng timba.
Papalapit sa akin si Radimir at hindi ko magawang kumalma. No. I will never be in a palace of nightamares. No.
Nang nasa tapat na siya ng timba, kinalas ko ang tali at nahulog sa kaniya ang sandamakmak na thumbtacks. Iyon ang laman ng timba.
Sumigaw si Radimir sa sakit at kitang kita ko ang mga maliliit na sugat sa kaniyang katawan.
He outgunned me. But I had fate that I could out-think him.
Ginamit ko ang oras na iyon para tumakas. Agad-agad akong lumabas ng pinto at nilock ito. Mabulok ka diyan kasama ang mga thumbtacks dummy!
"Eva, come back here!" Rinig kong sigaw niya mula sa kwarto habang bumababa ako ng hagdanan. Nakakatakot yung boses niya. It is the I-eat-kids-I-am-a-monster kind of voice.
Sumakay ako sa aking McLaren F1. Even my home is not safe for me. Anong meron kay Radimir Henderson na kaya niyang gawing nakakatakot ang lahat ng mga bagay?
Pinaharurot ko agad ang kotse ko at sabik na sabik na akong makalayo kay Radimir. Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko at tumingin sa aking rear view mirror. Nakita ko ang reflection ng bahay ko at ipinunta ko ang aking paningin sa binatana ng kwarto kung saan ko iniwan ang leon.
Nakatayo siya sa bintana at pinagmamasdan ako. Umuulan pa rin nang malakas at kumikidlat. His arms are crossed at his chest and he is looking directly in my eyes. His stare makes me shiver. Nakalayo na ako sa kaniya ngunit pakiramdam ko katabi ko pa rin ang panganib.
He mouthed something to me. I cannot hear his voice but I read the movement of his lips. I broke my gaze at the rear view mirror and stared at the road.
Natakot ako sa sinabi niya. Nanginig ang buong sistema ko at hinihiling na sana mali lang ang pagkakabasa ko sa bibig niya. Dahil alam ko na hindi siya nananakot. Alam ko na gagawin niya yung sinabi niya ng walang pag-aalinlangan. Pumikit ako saglit at napunta na naman sa isip ko ang galaw ng labi niya. Kahit wala akong narinig na tunog ay malinaw na malinaw ang mensahe na ipinarating niya sa akin..
You cannot escape from me Eva. I'll find you and I'll punish you. Slowly. Brutally.
BINABASA MO ANG
Held Captive
AksiHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
