It is the same life whether we spend it crying or laughing.
-Japanese Proverb
Chapter 53
Kinabukasan, umaga palang ay nandito na ko sa headquarters. Pinag-aaralan ko ang mga papel na binigay sa'kin ni Queen Callisha para sa misyon. May mga mahahalagang dokumento kasi ang mga Lurid. Lurid is one of the rival agencies of Safronov. Gusto ng reyna na makuha ang mga dokumento. Nakalagay sa papel na binabasa ko na sa gubat daw nakatago yung mga dokumento at nakalagay daw ang mga ito sa isang brief case.
Ang weird lang ng setting.
Biglang may nagbato ng mansanas sa aking direksyon at nasapo ko ito agad gamit ang isang kamay.
"Nice catch baby Eve." Nilapitan ako ni Tito Adan sa aking desk at hinalikan ang noo ko.
"I know right Tito Adan." Mayabang kong sagot.
"May misyon ka mamaya? About saan?"
"May mga nanakawin akong dokumento sa ibang agency." Nagtanong pa si Tito tungkol sa misyon ko pero hindi yun ang gusto kong pag-usapan. Gusto kong sabihin sa'kin ni Tito Adan ang pagkamatay ni Mama. Gusto kong malaman ang mga detalye.
"Tito Adan yung nangyari kay Agent Nyah an—"
"Eve I told you. I don't want to talk about it." Ito ang unang beses na hindi pinagbigyan ni Tito Adan ang hiling ko. Lahat ng gusto ko ay binibigay niya sa'kin pero kapag kay Mama na ang usapan, hindi niya na ko pinagbibigyan.
"Tito Adan, hindi ba talaga pwede?" Tumayo ako at niyakap siya. Sinimangutan ko siya para magpaawa. "Sige na, pagbigyan mo na ko. Matitiis mo ba ko?"
Lumambot yung ekspresyon niya nang makita niya ang simangot ko. Sabi ko na nga ba hindi niya rin ako matitiis. "Eve, don't do that."
Napahagikgik ako sa reaksyon niya. I know Tito Adan so well. I am one of his weaknesses.
"Tito Adan, sige na." Hinalikan ko yung kanang pisngi niya. "Kwento ka na please." Tsaka ko hinalikan yung kaliwang pisngi niya.
"Eve, stop acting that way. Baka mapilit mo ako." Nakakaawa na yung mukha ni Tito Adan. Like he wanted to tell me the details but at the same time—didn't.
"Edi magpapilit ka na kasi Tito." Sinimangutan ko ulit siya para bumigay na siya. Napapikit si Tito Adan na para bang nahihirapan siya sa magiging desisyon niya.
"Baby Eve." Nilagay ni Tito Adan yung dalawa niyang kamay sa aking magkabilang pisngi. "I'm sorry. I can't. Please huwag mo nang alamin ang nangyari anak. Masmaganda nang hindi mo alam. Pakiusap, wag mo nang alamin."
Yung simangot na pinepeke ko kanina ay naging totoo na. Ano bang nangyari kay Mama na hindi ko dapat malaman? "Hindi ba talaga pwede Tito?"
"Patawad anak. Patawarin mo ko." Kitang kita ko sa mga mata niya na ayaw niya kong makitang malungkot. Kaya kahit ayaw ko ay pinilit kong ngumiti. Kung ayaw sabihin sa'kin ni Tito Adan ang mga detalye, gagamit ako ng ibang tao para makuha ang mga yun. Determinado akong malaman kung ano ang tinatago ni Tito sa akin. The more he insists that I shouldn't know what happened, the more I crave for the details.
"It's okay Agent Adan. Don't be guilty." Gamit ang forefingers ko ay tinaas ko yung balat ni Agent Adan sa pisngi. "Oh ayan nakasmile ka na."
Tumatawa si Tito na tinabig ang kamay ko. "Pero Tito Adan, may request sana ako eh."
"Sure. Ano yun baby Eve?"
"Gusto ko po sanang makausap ulit si Faith Bautista." Maraming alam si Agent Adan tungkol kay Mama dahil nakasama na niya si Mama dati. Ibig sabihin ang mga bagay na alam niya ay alam din ni Faith Bautista.
BINABASA MO ANG
Held Captive
ActionHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
