A round egg can be made square according to how you cut it; words would be harsh according to how you speak them.
-Japanese Proverb
Chapter 48
I studied his words before I formed my response. I cleared my throat and looked him in the eyes.
"I'm not your girl, Radimir."
He returned my gaze and gave me his boyish smirk. "You don't have a say on that. Whether you like it or not not, you're still my girl."
Huminto siya sa paglalakad nang nasa harap na kami ng aking McLaren F1.
"How did you know where I parked my car?"
"Because I know you. You're a smart girl Eva. Hindi ka magpapark malapit sa storage room at hindi ka rin magpapark nang masyadong malayo. Eto ang pinakamagandang spot para magpark kung gagawa ka ng misyon."
Maingat akong binaba ni Rad. Nakapulupot pa rin ang kaniyang kamay sa aking bewang para suportahan ako sa pagtayo.
"Where's the key?" Tanong niya tsaka niya nilahad yung palad niya sa'kin. Hindi ko siya pinansin. Gamit ang kamay ko na hindi naturukan ng injection, kinuha ko yung susi sa bulsa ko at binuksan ko ang kotse.
"My girl is such a snob." Tinulungan niya kong makaupo sa shotgun seat dahil hindi ko pa rin magalaw yung isang binti ko. Sinarado niya ang pinto at umikot siya sa driver's seat. Pakiramdam ko ay kailangan ko talagang ipagtanggol si Jackson sa kaniya. Walang karapatan si Rad na insultuhin si Jack dahil ginawa lang niya ang dapat niyang gawin.
Inistart na ng leon ang makina at nagsimulang magmaneho.
"You don't have the rights to insult Jackson, dummy. Ako mismo ang nagsabi na umalis na siya. Ayaw niya kong iwan pero pinilit ko siya." Rad gave me a sidelong glance.
"You asked him to leave you?"
"Yes because that's the best thing to do." Unti-unti nang nawawala ang pamamanhid ng kamay at binti ko.
"You're still the same Eva when I first met you." Ngumiti siya na para bang may inaalala siya. "Still brave and.. stupid."
Wala nang nagsalita sa amin. Ilang minuto pa naming tiniis ang katahimikan nang huminto siya sa pagmamaneho. Nandito kami ngayon sa lugar na hindi malapit at hindi rin malayo sa palasyo ng Safronov.
"Nagagalaw mo na ba ang kamay at binti mo? Kaya mo na bang magdrive?" Sinubukan kong igalaw ang kamay ko. Nawawala na yung pamamanhid pero hindi ko pa ito masyadong magalaw.
"Hindi pa masyado."
"Then I'll wait for your hand to function first before I leave." Sumandal siya sa upuan. May kanina pa gumugulo sa isip ko pero hindi ko lang ito mailabas. Do you know that feeling? When you are dying to know something but is afraid to find out.
"What are you thinking right now? Come on, ask me." Hindi ko alam kung paano nabasa ni Rad ang iniisip ko. Nakakatakot na alam niya kong basahin. Nakakainis na maskilala niya pa ko kaysa sa mga taong matagal ko nang nakilala.
"Are you still planning to hold me captive? Ibibilanggo mo pa rin ba ako sa palsyo niyo Radimir?" Hindi siya agad sumagot. Napuno ng katahimikan ang kotse habang naghihintay ako ng isasagot niya.
"Kahit ayaw ko, kailangan pa rin kitang gawing bihag sa Tenebrous." Sabi ko na nga ba. Sinasabi ko na nga ba. Isa na naman ito sa mga pakulo ng leon. Kunwari ililigtas niya ko pero sa huli siya rin pala ang papatay sa'kin. Mapanlinlang talaga.
"Huh. Kunwari ayaw mo. Kunwari may pakialam ka sa'kin. Pero ang totoo ginagamit mo lang ako. Niloloko mo ulit ako para masmadali mo akong mapasunod. Akala mo ganun ako kauto-uto Radimir? Hindi na ako magpapalinlang sa'yo!"
Napapikit nang mariin si Radimir. Ginulo-gulo niya ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang kamay sa inis. Wow. Siya pa ang may ganang mainis? Siya pa ang may ganang mafrustrate? Aba!
"Binigay ko sa'yo ang kwintas na ilang dekada nang hinahanap ng Tenebrous. Niligtas kita ngayon kahit hindi dapat. Kahit hindi pwede. Alam mo bang sinusuway ko na ang mga prinisipyo ng Tenebrous para sa'yo! Pero sa lahat ng mga ginawa ko, yung posibilidad na ikukulong kita sa palasyo lang ang napansin mo!" Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Napuno muli ng katahimikan ang loob ng kotse. Maski ang mga mabibigat na paghinga niya ay naririnig ko rin.
"Listen, Eva. I have no choice. Kahit hindi kita dalin sa palasyo, magpapadala at magpapadala pa rin ang Tenebrous ng ibang tao para hulihin ka. Kaya masmabuti nang ako ang bumihag sa'yo kaysa ibang tao." Sumandal ako sa upuan. Tumitig ako sa bintana, iniiwasang tumingin sa kaniya.
"I understand you Eva. I'm not asking you to trust me. I know you have every reason to doubt my motives. Believe me or not, I've thought of hundreds of ways to stop the Tenebrous from killing you. But none worked out." Hindi ko pa rin siya tinitignan pero naramdaman kong hinalikan niya ang likod ng ulo ko. Nanginig ang buong sistema ko sa ginawa niya. Nung nagsalita siya, hindi niya pa rin tinanggal yung labi niya sa buhok ko.
"But still, I'm not giving up. I'm still planning to save you from the wrath of August 15. When I said I will do everything to protect you Eva, I mean it." Naramdaman kong nawala na ang kaniyang labi sa aking buhok. Narinig ko na ang kaniyang paglabas at ang pagsara ng pinto. Doon ko lang inangat ang aking ulo. Sinundan ko ng tingin ang papaalis na si Radimir hanggang sa hindi ko na siya makita dahil masyado na siyang malayo.
Pasensya na Radimir. Pero hindi na kasi ako katulad ng dati. Hindi mo na ako madaling maloloko. Hindi na ako muling magpapauto.
Lumipat na ko sa driver's seat dahil nagagalaw ko na yung kamay at binti ko. Nagdrive na ako patungo sa Safronov. Pagkapasok ko sa palasyo ay hinihintay na ako doon ni Jackson.
"Sabi ko na nga ba malulusutan mo yung mga kalaban Eve." Masigla niyang bati na tinapatan ko lang ng pagod na ngiti.
"Nabigay mo na ba sa reyna ang mga dokumento?"
"Oo. Punta ka na sa kwarto ni Agent Nyah. Magpahinga ka na."
"Salamat."
Dumiretso na ko sa kwarto ni Mama. Bumungad sa akin ang limang bouquets ng mga bulaklak na nasa sofa. Lumapit ako at binasa yung note na nasa lamesa.
You're beautiful –Jackson
Sa sobrang pagod ko ay hindi na ko masyadong naaliw sa mga rosas. Agad akong humilata sa malambot na kama ni Mama.
And again, before I finally drifted to sleep, the shadow of Radimir in the doorway was the last image that was on my mind.
BINABASA MO ANG
Held Captive
AksiHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
