Chapter 65-Quarrel and Rejection

1.3K 40 35
                                        

Chapter 65

Kinaumagahan ay singkit at pulang pula ang mga mata ko na bumaba sa kusina para mag-agahan. Ang mga tauhan ng Morgan ay nakabantay na agad sa labas para masigurong hindi makakatakas ang leon.

Natira dito sa kusina si Jackson, Agent Damien at ang ilan sa tauhan ng Safronov.

"Nasaan si Queen Callisha?" Tanong ko.

"Bumalik siya sa palasyo. Marami siyang aasikasuhin. Tayo muna raw ang bahala sa bihag." Sagot ni Damien.

Tumango-tango ako. Nakita ko na naman na naglagay si Jackson ng pinaghalu-halong kanin at mga ulam sa mangkok. Naglagay din siya ng inumin doon sa paglagyanan ng tubig ng aso. Nilagay niya ang mga ito sa tray at pinadala kay Agent Lian.

"Dalin mo yan sa bihag. Baka gutom na yun."

Nag-init ang ulo ko. Gusto kong sumabog sa sobrang galit. "NO!"

"What no?" Tanong ni Jackson.

"Are you out of your mind Jackson? Dog food yang ipapakain mo sa kaniya! Anong tingin mo sa kaniya, aso?"

Pinapanood ng mga agents ang sagutan namin pero wala akong pakialam. Kagabi pa siya ah. Sumosobra na siya.

"Eve, anong problema dun? Nakalimutan mo na bang ginawa ka rin niyang bihag? Gusto ko lang ipadama sa kaniya kung paano ka niya trinato!"

Napatawa ako nang pagak. Hinampas ko nang malakas ang lamesa sa sobrang inis ko sa kaniya.

"Kung gusto mong itrato siya kung paano niya ko trinato dati, locked him up in an elegant room! Bigyan mo siya ng mga mamahaling damit. Pakainin mo siya ng mga masasarap na pagkain. Alam mo kasi, ganoon niya ko trinato nung naging bihag niya ko!"

Mabilis ang aking paghinga pagkatapos kong magsalita. Napuno ng katahimikan. Halatang naiinis na si Jackson pero wala akong pakialam.

"Give that to the captive now, Agent Lian." Matigas at maotoridad na utos ni Jackson habang nakatitig siya sa akin.

"DON'T!" Hindi ko rin binitiwan ang titig ko sa kaniya. Anong akala niya? Papatalo ako?

He cupped his chin with his fingers as he squinted his eyes at me. "May nakakalimutan ka yata dito Eve. Ako ang pier agent. Ordinaryong agent ka lang."

Wow. Ang yabang. Mukhang nakakalimutan din yata niya na sinakripisyo ko lang ang posisyon kaya napunta ito sa kaniya. Kumbaga, second choice lang siya. Isa lang siyang option kapag no choice na.

"Hindi ko yun nakakalimutan Agent Jackson. Pero tandaan mo na masmataas pa rin ang posisyon sa'yo ni Agent Damien. Siya pa rin ang masusunod dito."

Sabay-sabay kaming lumingon sa direksyon ni Damien na tahimik lang na nakikinig.

"Damien, the captive is just our pet! Alangan naman pagkaabalahan pa natin ang pagkain niya! Don't tell me we held him captive to treat him like a prince." Pagrereklamo ni Jackson. Tahimik lang ang ibang mga Safronov at papalit-palit ang tingin nila sa aming tatlo.

"Jackson is right." Sabi ko. "We didn't hold him captive to treat him like a prince. But we didn't hold him captive to treat him like a dog either."

"But he is still a prisoner Eve! Ano bang problema mo? Ginugulo mo ang Safronov nang dahil lang sa pagkain!" Kitang kita ko ang mga ugat sa leeg ni Jackson na nangangahulugang galit na galit na siya. Pero wala akong pakialam. Wala akong pakialam kung sumabog na yang ulo niya sa sobrang inis.

"Ikaw ang nanggugulo Jackson! Porket naging pier agent ka lang lumaki na yang ulo mo. Nakakalimutan mo yata na tinanggihan ko lang yang posisyon na yan kaya napunta sa'yo!"

Held CaptiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon