Proof rather than argument.
-Japanese Proverb
Chapter 51
"Here's your new assignment Eve." Tinanggap ko yung folder na inabot sa akin ni Queen Callisha. "I'm sorry if I'm giving you a lot of assignments lately. Tinetest ko kasi kung kaya mo nang maging pier agent."
Sumayaw ang mga tainga ko sa narinig ko. Pier agent. The queen is testing me. And I'm planning to pass her standards no matter what.
"You can give me a dozen of tasks if you want your majesty. I'll prove to you I deserve that position."
"Convince me that you're deserving Eve. Convince me." Paghahamon sa akin ng reyna. Hindi yata niya alam na ako ang tipo ng tao na hindi umaatras sa anumang hamon. "At siya nga pala Eve, I want to give you credits. Until now the Tenebrous is still clueless that you're still alive. Your plan worked."
"T-they still think I'm dead?" Paano nangyari yun? Ilang beses ko na bang nakasama ngayon si Radimir? Imposible namang hindi niya pa binalita sa hari nila na buhay pa ko.
"Yes. They still think you're dead." How come? Bakit hindi pa ko binubuko ni Rad hanggang ngayon? Ano bang binabalak niyang gawin?
"And by the way Eve, nalaman ko na pumunta raw kayo sa bar ni Yvonne kagabi?" Napahawak ako sa upuan ko at napalunok. Biglang nanlamig ang aking mga kamay. May nakakita ba sa'min ni Rad?
"Ah o-opo. Kanino niyo po nalaman?"
"Kay Yvonne din. Gusto ko lang ipaalala sa'yo na mag-ingat ka. Baka may makakita sa'yo na tauhan ng Tenebrous."
"Gusto niyo po bang magdisguise ako everytime na lalabas ako ng palasyo mahal na reyna?"
"No. Okay lang kung makita ka ng Tenebrous pero dapat saglit lang. Aakalain nilang isa kang multo. Pero dapat ay hindi ka nagtatagal sa labas." Sa ganda kong to, pagkakamalan akong multo?
"Masusunod po kamahalan."
Meron pang inabot sa akin na isang folder ang reyna. "Itong isang to naman pakibigay kay Agent Damien. Nasa likod siya ng palasyo at sinasanay niya yung mga bagong recruit na agents at spies."
"Masusunod po kamahalan." Yumuko ako sa harap ni Queen Callisha at lumabas na ng pinto. Hindi ko napigilang tumili. Magiging pier agent na ko. Matutupad ko na rin ang hiling ni Mama.
Pinuntahan ko si Agent Damien sa likod ng palasyo. Malawak ang field kaya malaki ang espasyo sa pagtretraining. Mag-isa siyang nakatayo sa gilid ng puno habang pinapanood niya yung mga agents at spies na nagsasanay. Lumapit ako sa kaniya at kinalabit ko yung braso niya kaya napalingon siya sa'kin.
"Eve, what brings you here?"
"Pinapabigay po ni Queen Callisha." Inabot ko sa kaniya yung isang folder. Tinanggap naman niya ito na parang iritable ang mukha.
"Thank you Eve." Tumingin ulit siya sa mga nagtretraining. Hindi pa rin nawawala yung inis sa mukha niya.
"Is there something wrong Agent Damien?" Tanong ko. Sinundan ko kung saan siya nakatingin. Nakita ko si Agent Lian na mag-isang nagtretraining kasama ang isang dummy.
"Naalala ko lang si Shiela. Siya kasi ang laging kapartner ni Lian kapag may training. Ngayon, mag-isa na lang ni Lian na nagsasanay." Huminga siya nang malalim. "Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagawa yun ni Shiela nang dahil lang sa isang Tenebrous."
"Because she is inlove Agent Damien."
"Very unreasonable." Napatingin ako sa kaniya. Nakatingin pa rin siya sa mga nagsasanay.
BINABASA MO ANG
Held Captive
ActionHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
