Chapter 50-The Jealous Asad

1.7K 53 14
                                        

Chapter 50

Yvonne:
Let's go to the club tonight?

Eve:
So that you can stalk Jung?

Yvonne:
Exactly.

In ordinary days, I will say no to Yvonne. But I want to change. I don't want to be the same Old Eve anymore.

Eve:
Sure. I'll just meet you at the club.

Sinend ko na ang reply ko sa kaniya. Sasamahan ko ngayong gabi si Yvonne dahil gusto kong mapagod na siya. Habol siya nang habol kay Jung. Pero obvious naman na walang pakialam yung lalaki sa kaniya.

Kinuha ko yung jeans at T shirt ko sa closet. Pero muli ko itong binalik.

I want to change. Maybe when I change, my feelings will change too. Maybe I can already forget my attraction towards Radimir. Maybe when I change my practices, there's a possibility that I will overcome Stockholm syndrome.

And I will do just anything to forget him.

So I got a slutty dress from my cabinet and wear it.

Ipinark ko ang aking McLaren F1 sa harap ng club. I felt uncomfortable wearing this black tight dress. I felt like a puppet. Jeez, this is a very bad idea.

Pumasok ako sa club at lahat ng mga mata ay tumingin sa aking direksyon. Kung dati ay yumuyuko ako, ngayon ay taas noo akong nagpunta sa table nina Yvonne.

"E-eve, ikaw ba talaga yan?" Inikot ako ni Yvonne. "Kailan ka pa natutong magdress?"

"OA mo Yvonne."

Umupo na ko katabi ni Yvonne. Kinakausap ko siya pero hindi niya ko pinapansin dahil nakatitig lang siya kay Jung. Nung pumasok si Jung sa isang hallway, sinundan niya ito na hindi man lang nagpapaalam sa'kin.

Kaya pumunta na lang ako sa dance floor at sumayaw. I sway my body to the beat. I enjoy the music like I am a high school teenager. May lalaking sumasayaw sa tabi ko pero wala akong pakialam.

"Hi Miss! You're new here?" Tanong sa akin nung isang lalaki. Lumayo ako sa kaniya dahil ayokong makipag-usap.

"Hey girl, what's your name?" Muli akong dumistansya doon sa isa pang lalaki na nagungulit sa akin dahil hindi ako interesado sa kaniya.

Tinaboy ko lahat ng lalaki na nagtangkang makipag-usap sa akin. Pumikit lang ako at inenjoy ang pagsasayaw. Bakit hindi ko to ginawa dati pa?

"You look familiar Miss. You look like someone." Tanong sa akin ng isang banyagang boses pero nanatili pa rin akong nakapikit at umiindak sa tugtog.

"Really. Who?"

"Aphrodite." He paused. "And Venus." I giggled at his answer. He has a good sense of humor. And I think his voice sounds sexy because of his British accent. Wait—British accent?

Huminto ako sa pagsayaw at agad kong minulat ang aking mga mata. Tumambad sa akin ang nakangising mukha ni Radimir.

"Why did you stop? I love seeing you dance Eva."

"Why are you here Rad?"

"I told you, you cannot escape me. Kahit saan ka pa magpunta, mahahanap at mahahanap kita." That warning again. Always the same warning.

Lumayo ako sa kaniya at sumiksik sa mga katawan na nandito ngayon sa dance floor. Hindi ko siya naramdamang sumunod. Malayo na ko kay Radimir pero nakikita ko pa rin siyang nakatayo lang sa posisyon kung saan ko siya iniwan. Nakatitig lang siya sa akin at nakahalukipkip. Sinubukan kong bumalik sa pagsasayaw pero masyado akong nacoconscious sa titig ng leon. Lumapit na naman sa akin yung lalaking nangungulit sa'kin kanina.

Held CaptiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon