Chapter 49
Bull's eye.
Binato ko pa yung isang dart. Again, bull's eye.
Nandito ako ngayon sa training room para magpalipas ng oras. Matagal na rin nung huli akong nagdarts. Kinuha ko yung isa pang dart at nagconcentrate muna ako bago ko ito ibato.
"Huli ka!" Nagulat ako kay Yvonne kaya agad kong nabato yung dart at tumama ito sa section ng 1.
"Yuck 1 lang? Ew!"
"Kung hindi mo ko ginulat, mabubull's eye ko yun noh!" Nakakainis talaga tong si Yvonne. Laging panira ng concentration.
"Eve, favor nga."
"Ang astig talaga ng timing mo noh? Pagkatapos mo kong insultuhin tsaka ka hihingi ng favor?" Humagikgik lang si Yvonne.
"Sige na please. Samahan mo na ko sa club."
"Hay nako. Si Jung na naman bibisitahin mo? Yvonne naman, hindi ka na nga pinapansin nung lalaki."
"Eve sige na. Pag sinamahan mo ko, bibigyan kita ng monay." Mula sa likuran, nilabas ni Yvonne yung dala niyang mga monay. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Aanhin ko naman yang mga monay mo?"
"Sabagay, aanhin mo nga naman ang mga monay na to kung masmalaki naman ang mga monay ni Radimir mo." Sinamaan ko ng tingin si Yvonne pero nginitian niya lang ako. Nakakainis siya ah. Nakalimutan ko na nga yung monay na yan.
"Bahala ka. Hindi kita sasamahan." Tinalikuran ko na siya at tinuloy ang pagdadarts ko.
"Eve naman! Samahan mo na kasi ako."
"Bahala ka!"
"Eve naman!" Inuubos niya ang pasensya ko. Tumigil ako sa pagdadarts at hinarap ko siya.
"Gumising ka nga Yvonne. Ayaw sa'yo nung lalaki. Wag ka nang maghabol. Ang rami mong manliligaw. Nagkakandarapa sa'yo si Mark. Kulang na nga lang ay lumuhod si Mark sa harapan mo at halikan niya ang paa mo. Bakit hindi na lang siya? Why can't you just love him back?" Inaasahan ko na sasabihin na naman sa'kin ni Yvonne kung gaano niya kamahal si Jung at wala na siyang ibang gusto. Pero hindi ko inaasahan na ibabato niya pabalik sa akin ang sarili kong tanong.
"I will ask you that question Eve. Why can't you just love the person who loves you? Why can't you just return the love? Handang gawin ni Jackson ang lahat para sa'yo. Pero bakit hindi mo pa rin siya magawang mahalin? Bakit Eve?"
Wala akong mahanap na sagot. Hindi ako nakaimik. Naiinis ako sa sarili ko na naiintindihan ko na ngayon si Yvonne. Hindi ko matanggap na parehas lang kami ng sitwasyon.
Nagbubulag-bulagan nga rin ba ako katulad ni Yvonne? Sarado rin ba ang isip ko katulad niya?
"Eve." Tinapik niya ang balikat ko. "I hope you understand now."
Naglakad siya palabas ng training room hanggang sa maiwan akong mag-isa dito. Tulala. Hindi makaimik.
Ayaw pumasok ng mga sinasabi ni Yvonne sa utak ko. Ayaw kong tanggapin. Kasi totoo. Kasi tama siya.
Muling bumukas ang pinto ng training room at naglakad papalapit sa akin si Agent Adan.
"What's with the frown, baby Eve?" Pinisil ni Agent Adan ang baba ko.
"Just thinking of something Tito." Natawa ako sa nakakunot noo na mukha niya. Halatang hindi kumbinsido sa excuse ko.
"Is't about your lovelife?"
"Where did you get that!?" Natatawa kong tanong sa kaniya. Mind reader na rin siya ngayon katulad ni Radimir?
"Usap-usapan ngayon sa headquarters na binalik mo raw yung mga bulaklak na binigay sa'yo ni Jackson. Totoo ba?"
"Opo."
"And why is that?"
"Ayoko siyang paasahin Tito." Nginitian ako ni Agent Adan. Yung ngiti na katulad ng kay Radimir kapag may inaalala siya.
"Parehas na parehas talaga kayo ng Mama mo." Pinisil ni Tito yung pisngi ko.
"Y-you know my mom?" Nagulat si Agent Adan sa tanong ko. Bigla siyang nataranta na para bang hindi dapat lumabas sa bibig niya ang mga salitang yun.
It's like shooting a gun without the shooter's intent. But it's too late. The bullet already shot the target.
"Tito Adan, you know my mom?"
"A-ah. N-no. H-hinulaan ko lang." Kinunotan ko rin siya ng noo. Binigay ko sa kaniya yung ekspresyon na binigay niya sa'kin kanina nung hindi siya naniniwala sa excuse ko.
"You're thinking too much baby Eve." Hinalikan ako ni Tito Adan sa noo. Kinuha niya yung darts. "Maglaro na lang tayo."
Binato niya yung dart at katulad ng inaasahan ko, nakabull's eye na naman siya. Tumira din ako. Nagpapalitan kami ng tira, walang gustong magpatalo.
"My mom once told me that my father loves to play darts."
"Really? I love to play darts too."
"Tito Adan, pwede mo ba kong kwentuhan tungkol kay Agent Nyah?" Nagulat yata siya sa tanong ko kaya tumama lang yung dart na binato niya sa 3.
"What do you want to know about her?"
"Kahit ano po. Basta magkwento ka Tito."
"She's the most amazing woman I've ever met. She's beautiful, brave, and fearless." He paused and looked at me. "Just like you."
"Really? Stupid din ba siya katulad ko?" Tumawa kami sa biro ko.
"Yes. She's stupid. Very stupid." Tinusok ko ng dart ang tiyan niya.
"Huwag mo ngang sinasabihan ng stupid ang idol ko!"
"What totoo naman kasi. I hope you will not be stupid like her."
"Why? What did she do?"
"She got killed because of her daughter's wish." Bigla akong nanigas. Pakiramdam ko ay nanghina ang buo kong katawan. Nanlambot ang mga tuhod ko kaya napahawak ako sa dingding.
"Why? What happened? Paanong naging kasalanan ng anak niya ang pagkamatay niya?"
"Walang ginawang masama ang anak niya. Sadyang mahal na mahal lang talaga siya ni Nyah kaya gagawin niya ang lahat para mapagbigyan ang hiling nito." Hiling? Ano bang hiling ang hiningi ko kay Mama? Wala akong maalala na—
Meron. Naalala ko na yung huling hiling ko sa kaniya. Ginusto ko na makita ang papa ko.
"What happened to her Tito Adan?"
"Let's not talk about it Eve." Hindi pwede! Kailangan kong malaman. Nang gabi na mamatay siya, natagpuan ko na lang siyang duguan sa damuhan. Ni hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya. Nawala siya na hindi ko man lang nalaman kung ano ang tunay na nangyari.
"Please Tito. I need to know. It's her daughter's fault, isn't?" Namumuo na ang luha sa aking mga mata pero pinipigilan ko itong tumulo. "Answer me Tito Adan! It's her daughter's fault, right?" Lumapit sa'kin si Agent Adan at kinubli niya ako sa isang mainit na yakap.
"You're wrong baby Eve. It's not her daughter's fault. It's my fault. I didn't do anything to save her. I failed to protect her." Siniksik ko ang aking ulo sa dibdib ni Tito Adan.
"Hindi ko maintindihan Tito. Ano ba talagang nangyari?"
"Sa tamang panahon anak malalaman mo rin. Siguro hindi pa ngayon pero pangako, sa tamang oras malalaman mo ang lahat."
BINABASA MO ANG
Held Captive
AcciónHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
