Chapter 63
They were waiting eagerly for the lion to be lured in the trap.
Habang nakasilip sila sa bintana ay tulala lang ako na nakatingin sa kawalan. Jackson's eyes are full of excitement. Kulang na lang ay magtatatalon siya sa sobrang tuwa. But the expressions of Queen Callisha and Damien are different. Like they wanted Rad to suffer and at the same time, they pity him. Of course, they are Damien Ozera and Callisha Safronov. Behind their strong facades are soft hearts. They hate to hurt people, but they do for the sake of Safronov.
Nang makarinig kami ng paparating na motorsiklo ay naalerto agad kami. Nanonood kami ng mga nangyayari sa bintana. Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Parang hindi ako makahinga.
I watched helplessly as his black NCR M16 parked beside a tree. He's wearing his usual black clothes. But today, he's not wearing his smirk. His eyes were full of anger. Those eyes again. They can make your knees tremble in just a second.
"WHERE IS EVA?"
Halatang halata ang galit sa boses niya. Nasa harapan niya na ang sangkatutak na mga tauhan ng Morgan. Lumapit siya sa mga ito na hindi pa rin nawawala ang nakakatakot na aura niya.
"Answer me, cowards. Where is Eva?"
Hindi siya sinagot ng mga ito bagkus ay hinanda lang nila ang kanilang mga armas.
"Did you hurt her?" Muling tanong ni Rad.
I am in the verge of crying again. Ni hindi niya naisip na isa lang itong patibong. Ni hindi niya napansin yung malaking kulungan na hinanda para sa kaniya. Ako pa rin ang iniisip niya. Kapakanan ko pa rin ang iniintindi niya.
"Did you cut your tongue?" Pang-iinsulto ni Rad.
Mukhang napikon yung isa sa mga Morgan kaya sumagot ito. "Tama ka Asad, sinaktan namin ang babaeng iyon." Ngumiti pa ito nang nang-aasar. "We punched and kicked her as she screamed at the top of her lungs. She kept on shouting your name. She was begging for your help. Pero nasaan ka Asad nung kailangan ka niya?"
Dumilim ang ekspresyon ni Radimir nang marinig niya yung sinabi nung lalaki. Nagtiim bagang siya at kumuyom ang kaniyang palad. Walang sabi-sabing sinugod niya ito. Taob agad yung lalaki.
Sunod-sunod na ring sinugod si Rad ng mga kalaban. Ngunit wala silang panama sa kaniya. I can almost see that the lion inside him is roaring right now. As I watched him defeat the men, I realized that the rumors are true. He is truly the king of the jungle.
Halos lahat na ng mga kalaban ay napabagsak ng nagwawalang leon. Konti na lang silang natitira. At kitang kita kong natatakot na yung mga lalaki. Akala ko makakatakas din si Rad. Akala ko magiging maayos na.
Akala ko lang pala.
May isang lalaki ng Morgan na pumasok sa loob ng bahay at kinaladkad ako palabas. Hila hila niya ako sa braso.
"Asad!" Tawag pansin niya sa nagwawalang leon. Lumingon si Rad. Nagtama ang aming mga paningin. Kumabog ang aking dibdib. Punong puno ng sugat ang kaniyang katawan. Gusto kong maiyak habang iniisip ko na ako ang dahilan ng mga sugat na iyon.
And I am about to give him a bigger wound. One that is deeper. One that is difficult to heal. Impossible even.
"Eva." He whispered my name. And goodness if my knees didn't tremble upon hearing him murmurs my name. Lahat ng galit niya kanina ay para bang naglaho at napalitan ito nang malambing na ekspresyon. Isang ekspresyon na ginagamit niya lang kapag ako ang kaharap niya.
Lalapit sana siya sa akin ngunit tinutukan ako ng baril nung lalaki na nangaladkad sa akin. Biglang nabalot ng takot ang mukha ni Radimir. I already saw this expression before. That is his face when I was about to jump on the rooftop. When I tricked him that I was dead.
BINABASA MO ANG
Held Captive
ActionHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
