Hayai mono gachi.
The early one wins.
-Japanese Proverb
Chapter 5
Matiyaga akong nagbabantay sa labas ng lighthouse. Sa harap nito ay matatagpuan ang beach habang sa likod naman ay mga puno. Nagtatago ako sa mga puno at gamit ang aking binoculars, sinusubaybayan ko ang mga nangyayari sa paligid.
Seriously, paano ba ko napunta sa ganitong sitwasyon?
Ikamamatay ba ng reyna kung itetext na lang niya ang message sa pagdadalhan niya at wag na siyang gumamit ng messenger?
The answer is.. yes. In our world, technology must not be trusted. Maaaring ihack o kaya itrace ito ng mga kalaban. O kaya malaman nila ang mga impormasyon sa mga messages na natratransfer.
At para masligtas ang transaksyon, hindi lang isang messenger ang ipinapadala. Maraming messengers. Ibibigay ng unang messenger ang mensahe sa pangalawang messenger. Ang pangalawa ay ibibigay ang mensahe sa pangatlo hanggang sa makarating na ito sa pagdadalhan.
Ganun kalinis kumilos ang mga Safronov. At hindi ko makakaya kung papalpak lang kami.. nang dahil sa nagawa kong kapalpakan. Kung binabalak man ni Radimir Henderson na agawin ang kwintas, hindi ko siya hahayaan. That necklace belongs to the Safronov, not Tenebrous.
Matagal nang hinahanap ng mga Safronov ang kwintas na iyon. At ngayong nahanap na nila ito, plano na naming dalin ito sa Palace. Kaso dahil sa kapalpakan ko, baka hindi pa matuloy.
Muli kong sinuri ang paligid. Dumating na ang mga Safronov. They are wearing clothes that reveal their tattoos. Tatlong agents at may kasama pa silang tatlong bodyguards. Pumasok na ang tatlong agents sa loob ng lighthouse at naiwan ang tatlong bodyguards upang magmasid sa paligid. Sigurado akong may mga iba pang bodyguards at agents ang nasa loob ng lighthouse. I should have known this. Kahit hindi pa ako pumunta dito, paniguradong matatalo rin si Radimir kung tatangkain man niyang nakawin ang kwintas. Unless... he brought other Tenebrous agents to accompany him. The thought makes me shiver.
Bigla akong napatago sa puno na pinagtataguan ko nang makarinig ako ng tunog nang mabilis na motorsiklo. Sinilip ko kung saan nanggagaling ang tunog.
A black NCR M16 is driving towards the light house. Ang bilis nang pagpapatakbo ng driver at ni hindi man lang siya gumamit ng helmet. I give him credit for that.
Brave and... stupid.
Nang nasa malapit na siya sa entrance ng lighthouse, hininto na niya ang kaniyang motor. Doon ko lang nakita nang masmalinaw yung mukha niya.
Dangerous eyes. The kind of eyes that can make you shiver in just a stare. Muscular built. Tall man. And a skull is tattooed above his left ankle. A Tenebrous.
Naghintay pa ko ng ilang mga segundo para abangan ang iba pa niyang mga kasama.
Pero wala.
Mag-isa lang niyang dumating para harapin ang mga agents at bodyguards ng Safronov.
In this dangerous place, I laughed. I haven't laugh for a very long time.
Nag-iisip ba ang lalaking ito? Kakalabanin niyang mag-isa ang mga Safronov. Yeah, brave and stupid.
Bumaba ang lalaking iyon at naglakad papasok ng Lieutenant Lighthouse. Nakarinig ako ng mga suntok at sigaw na nanggagaling sa loob. Pati mga putok ng baril at mga bagay na nababasag at nasisira. Pumasok na rin yung mga bodyguards sa loob ng lighthouse at masmalalakas pa na putok ng baril ang narinig ko.
Hindi ko na talaga mapigilang matawa. Ano ka ngayon, Radimir? Akala mo makakaya mong mag-isa ang sangkaterbang agents at bodyguards ng mga Safronov?
BINABASA MO ANG
Held Captive
AksiHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
