Ryooyaku Kuchi ni Nigashi.
Good medicine is bitter to the mouth.
-Japanese Proverb
Chapter 28
Binuksan ni Radimir ang pinto sa shotgun seat ng pulang kotse. Pinasok niya ako doon at sinarado niya ang pinto nang marahas. Gusto kong buksan yung pinto pero hindi ko magawa dahil nakaposas ang aking mga kamay sa aking likuran. Goodness! I cannot accept a defeat just like this! So I kicked the door as hard as I can.
"Hindi yan bubukas kahit sipain mo pa yan nang sipain." Natutuwang sabi ni Radimir na ngayon ay nakaupo na sa driver's seat. I ignored him. I continue kicking the door. I may not escape him. But I'll make sure that I will leave some damages in his beloved car.
Little sweet revenge..
Pinatakbo na ni Radimir ang sasakyan na akala mo hindi kami nagmamadali. He's taking his time. He's driving like we are just enjoying a road trip. Frustrations grew in my system. How could he feel relax while I'm here feeling worried to face my death?
Itinigil ko ang paninipa ko sa pinto at nilingon ko ang lalaking nag-eenjoy pa yata sa pagmamaneho. I never imagined myself to be alone with a Tenebrous inside a car.
"Tired already?" Panunukso niya kaya siya yung sinipa sipa ko. Nawalan siya ng kontrol sa manubela kaya nagpagewang-gewang kami. I don't care if we will die in a car crash. I continue kicking him as hard as I can.
"Eva stop! We will die!" Pero hindi ako nakinig sa kaniya bagkus ay pinagsisisipa ko pa rin siya. Nakita ko na na sasalpok ang kotse sa isang puno pero hindi pa rin ako tumigil ng paninipa sa kaniya.
Nahuli ni Radimir ang aking mga paa gamit ang kaniyang kamay at bigla siyang nagpreno. Napaabante kami nang marahas. Pag-angat ko ng aking tingin ay halos one inch na lang ang pagitan ng puno at ng kotse.
"You're going to get us killed Eva!" Frustrated na sigaw ni Radimir at may kinuha siya sa backseat.
"Mapanganib ka pa rin kahit nakaposas ka na." Dagdag niya pa at nakita kong handcuffs pala yung kinuha niya sa backseat. This time totoong posas na siya at hindi bakal na niyupi.
"What are you going to do?" Tanong ko na hindi niya sinagot. Bagkus ay pinosasan niya ang paa ko at ibinaba na ito. "Radimir, tanggalin mo to!"
"Para saan? Para sipain mo ko ulit at tuluyan na tayong mamatay dito sa sasakyan?" Nagsimula na ulit siyang magmaneho.
"Sino ba kasing nagsabing ilagay mo ko dito? Kung nilubayan mo ko sa bahay ko edi sana hindi to manyayari. You should not come. I hope you don't exist. My life would be better that way." Something about my words make me feel ache in the inside. And I can't determine why.
"Oh really? Hindi ba't ikaw mismo ang nagrequest na sunduin kita?"
"Tsk. Sino ang may matinong pag-iisip na irerequest sa kidnapper niya na kidnapin siya? Stupid." Nakita ko ang bahagyang pagngiti ni Radimir pero nakatitig pa rin siya sa daan.
"Sinabi mo ito sa tauhan ko nang matalo mo siya sa likod ng night club. if I want to get you, I should get you myself. And now here I am." I stared at him and rolled my eyes.
"So kung hindi ko sinabi sa kanila yun hindi ka talaga pupunta sa bahay. Yeah I get it. Kung hindi ko pa yun sinabi ay uutusan mo na lang ang kung sino man sa mga utusan mo sa Tenebrous para sila ang kumuha sa'kin. Right. Gets ko na. Of course, you have more important things to do than wasting your time on a Safronov agent. Yeah. I get it."
Sumandal ako sa upuan at tumingin sa bintana. Ayokong tignan ngayon si Radimir at kailangan kong obserbahahan ang dinadaanan namin. Dapat kong tandaan ang bawat lugar at kalsada para hindi ako maligaw kapag tumakas ako.
BINABASA MO ANG
Held Captive
AcciónHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
