Chapter 35-Eve is Eavesdropping

1.7K 54 49
                                        

Ni usagi wo ou mono wa ichi usagi wo mo ezu
One who chases after two hares won't catch even one.

-Japanese Proverb

Chapter 35

I'm so afraid I'll lose you.

Muli kong inumpog yung ulo ko sa pader.

I've never cared for a woman after my mom's death. In fact, I have never cared for anyone. But then you came, and all my walls came stumbling down.

Inumpog-umpog ko pa yung ulo ko nang masmalakas. Hindi pwede to. Mali ito. Pero bakit ba ang sarap ng bawal? Mali na nga pilit ko pa ring itinatama? Dapat ko itong ayawan pero ginugusto ko pa rin.

Never trust a Tenebrous Eve. Never trust anyone from them.

Mama, pwede bang kahit isang beses lang ay huwag muna akong makinig sa'yo? Just once. Just this one.

Napahinga ako nang malalim at sinandal ko ang likod ko sa dingding. Kinaladkad palabas ni Radimir yung mga lalaki kanina at nagkaroon yata ng emergency sa palasyo kaya hindi na nalinis yung mga kalat.

I wanted to rest and think of my rebellious acts. I wanted to decide if I should choose Radimir over the Safronov. Would my fate be like Faith Bautista? Would Radimir let that happen?

But I don't have the luxury of thinking right now. Naaasiwa ako sa magulong kapaligiran. Gusto ko nang malinis at maayos. Hindi ako makapagpahinga kapag may nakikita akong marumi. Nagsimula akong ayusin lahat ng kalat. Itinayo ko yung nakatumbang lamesa ngunit hindi ko namalayan na may jacket pala na nakaipit sa dating posisyon nito. Eto yung jacket ng isa sa mga lalaking nakalaban ko. Pinulot ko ito at kinapa-kapa. May bagay na tumunog at agad kong kinuha kung anuman ang nasa loob ng bulsa.

Isang maliit na bagay na kulay abo. Isang susi. Kinulong ko ito sa aking palad at sinuntok ang aking kamay sa ere.

Now I'm pretty sure I have a certain chance to escape this jail. Hindi mawala ang ngiti ko hanggang nasa tapat na ko ng pinto. Binuksan ko ang pinto gamit ang susi. Nagclick ito na nangangahulugang na-unlock ito at agad ko ulit itong sinara. Ngayong sigurado na kong kaya kong makalabas, kailangan ko munang gumawa ng plano. Hindi muna dapat ako sasabak sa isang gera ng walang armas. At ang tanging armas ko lang ngayon ay ang aking utak.

Sumilip ako sa peephole ng pinto para malaman kung ilang kawal ang nagbabantay sa'kin. Pero wala akong nakita. Imposible. Alam kong pabaya ang mga Tenebrous pero hindi ganito kapabaya.

Doon ko lang napagtanto na parang ang ingay yata. Pamilyar na pamilyar na ako sa mga ganitong klase ng ingay at tunog kaya sigurado akong mga baril at espada ang naririnig ko.

Agad-agad akong pumasok sa bathroom at dinala ko doon yung upuan. Nilagay ko ito doon sa baba ng bintana at sumalampa ako. Nilabas ko yung ulo ko doon sa butas at sinuri ang kapaligiran.

I gasped at what I saw. In front of my two eyes is a war. Warriors fighting other warriors. Fighters battling with other fighters. Battle cries. Bloodshed. May umaatake ngayon sa palasyo ng Tenebrous. May nangahas makipaglaban sa mga Tenebrous para iligtas ako.

The Safronov came for me. The Safronov is here to save me.

Only they are not Safronovs.

I looked for a tattoo on their upper arms of a dartboard with a dart pierced on the bull's eye. But I found none. So this war is not for me?

Pinag-aralan ko pa ang mga kalaban ng Tenebrous hanggang mapagtanto ko ang tattoo nilang hugis V sa kanilang neckline. Sila ay galing sa Vermilion. Isa sa mga kalabang agencies ng Tenebrous at Safronov. They are stupid enough to fight the Tenebrous, huh? Alam kong malakas lahat ng limang agencies. Pero sa lahat ay ang Tenebrous at Safronov ang nakakaangat. Hindi sapat ang pwersa ng Vermilion para talunin ang Tenebrous pero sapat lang ito para makagawa ng gulo. At iyon ang kailangan ko ngayon. Masyadong distracted ang mga Tenebrous kaya hindi nila mapapansin kung tatakas ako.

Held CaptiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon