Nana korobi ya oki.
Fall down seven times, get up eight.
-Japanese Proverb
Chapter 6
Agad kong pinaharurot ang sasakyan ko para hindi niya ako maabutan.
Kinuha ko yung aking earpiece at tinawagan si Yvonne. May koneksyon ang bawat agent ng Safronov at ginagamit lang namin ang earpiece kung kailangang kailangan talaga.. katulad ngayon.
"Eve, napatawag ka."
"I need you to help me Yvonne. I already have the Safronov necklace. You need to pick it up."
"Paano napunta yan sa'yo?"
"Tsaka na ako magpapaliwanag."
May nakita akong basurahan sa isang tabi. Ibinaba ko ang bintana ko at tinapon ko doon ang kwintas.
"Lieutenant Street. Pangalawang kanto. May basurahan doon. Kunin mo doon ang kwintas. Sabihan mo ko pag nakuha mo na."
Masbinilisan ko pa ang pagpapatakbo sa kotse ko. Alam kong kahit anong gawin ko ay maaabutan ako ni Radimir. At hindi ko alam kung gaano siya kalakas na ultimo kutsilyo at bala ay hindi rason para huminto siya. Kinuha ko yung hinanda kong pekeng duplicate necklace ng Safronov.
Inisip ko na maaari ko itong magamit sa mga gantong sitwasyon. Ipapaharurot ko na sana ang kotse ko nang huminto sa harapan ko ang isang itim na NCR M16. Pumreno ako agad dahil kung hindi, magkakabanggaan kami. Bumaba ang may-ari nito sa motor na parang hindi kami nagpatayan kanina at naghihintay lang siya na para bang nagpapalipas lang ng oras.
"Labas." His voice is so cold, it can even freeze a burning house. His voice reminds me of snow during winter. Cold and very.. threatening. Yet somehow, his voice was also wonderful.
Lumabas ako sa aking kotse na hawak hawak ang pekeng kwintas.
"Give me that necklace, thief." He told me in his British accent. I let out a sarcastic laugh. So I am the thief here, huh?
"Paano ako naging magnanakaw kung sa amin naman talaga ang kwintas na to?" Inilagay ko ang kamay ko na may hawak ng kwintas sa aking likuran. Kailangan ko siyang makumbinsi na ito ang totoong kwintas dahil kung malaman niyang peke ito, baka maunahan niya pa si Yvonne sa paghahanap doon sa totoong kwintas.
"That's mine now." Umiling ako sa sinabi niya.
"This is not yours."
"What's mine then? You?" Ngumiti siya sa akin nang nang-aasar. Agad ko siyang sinugod at nag-ambang susuntok pero nahawakan niya ang kamay ko. Tinulak niya ako gamit ang isa niyang kamay at tumilapon na agad ako sa lupa. Kumirot yung likod ko at nahirapan akong gumalaw.
Lumapit siya sa akin ngunit agad akong nakatayo at sinuntok ko yung braso niyang natamaan ng bala. Napakagat siya ng labi sa sakit.
He cupped my face using his hand. Itinaas niya ako sa ere gamit ang isang kamay habang nagpupumiglas ako sa kapit niya.
"Brave girl. Brave." He murmured as he tightens his grip on my cheeks. Gamit ang isa niyang kamay ay inagaw niya sa akin yung pekeng kwintas.
Bigla niya na lang akong binagsak sa lupa na parang isa lang akong magaan na sako. Hanggang ngayon ay kumikirot pa rin ang likod ko. Naglakad na siya papunta sa kaniyang itim na motorsiklo dala-dala ang pekeng kwintas. Sumakay na siya doon at bago pa siya tuluyang umalis, may sinabi siya habang hindi pa rin siya lumilingon sa direksyon ko.
"But next time, don't be so stupid."
Pinanood ko ang kaniyang itim na NCR M16 na maglaho sa paningin ko habang papalayo. Kasunod noon ay ang pagtawag sa'kin ni Yvonne.
"Eve, nakita ko na yung kwintas. Pero sa susunod, maghanap ka naman ng ibang pagtatapunan at wag basurahan. This is a royal jewelry of the century, just to remind you Eve."
"Sure. I'll take note of that."
Napangiti ako. I win. I succeed. I got the Safronov necklace back.
So who's the stupid one now, Radimir?
BINABASA MO ANG
Held Captive
ActionHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
