Chapter 74
"Ano? Namalat ka na kakasigaw pero hindi ka pa rin pinapansin ng lalaking tinatawag mo?"
Hindi ko magalaw ang aking ulo dahil nakapatong sa aking noo ang mabigat na kamay ng lalaki. Gusto kong makita si Radimir. Gusto ko siyang sulyapan.
Masdiniinan nung lalaki ang kaniyang kamay sa aking noo. Mashindi tuloy ako nakagalaw.
"I'm giving you one last time to shout, traitor. And after that, I'll take your mask off. Come on, little girl, shout all you want." Nagtawanan ulit sila. Alam ko ang ginagawa ng lalaking ito. Gusto niyang mapahiya ako. Pinapasigaw niya ko dahil alam naman niyang hindi ako tutulungan ni Radimir.
At maski ako ay hindi na rin naniniwalang tutulungan niya ko. That's it. He already abandoned me. I have lost my Romeo. I have already lost him along time ago, when I betrayed him.
"Hindi ka sisigaw?" Mapaghamong tanong nung lalaki. Nasisiyahan pa siyang pahiyain ako. Umiling ako. What's the use of shouting his name? Parang sumisigaw lang ako sa kawalan, walang nakakarinig. Walang kwenta.
"Hindi ka talaga sisigaw ah.."
Bigla akong sinuntok nang lalaki sa tiyan at hindi ko na napigilang mapasigaw, "RADIMIIIIIIIRR!!!!"
Nawala agad ang mabigat na kamay sa aking noo. Nakahiga pa rin ako sa lupa at iniinda ang sakit. Pinilit kong dumilat. My vision was spinning. Blurred ang aking paningin. Ngunit kitang kita ko ang pigura na binubugbog ang lalaking nang-iinsulto sa akin kanina.
The lion within him was unleashed. Pulang pula ang kaniyang mukha. Kitang kita ko ang ugat niya sa leeg. His face was masked with anger and hatred. Walang awa niyang sinusuntok ang mukha nung lalaki.
I don't know if my blurry vision was just tricking me. Galit na galit talaga si Rad, halos hindi ko na makilala ang mukha ng lalaki.
"You dare hurt my girl, peasant?" Galit na sabi ni Rad doon sa lalaki tsaka niya ito pinagsususuntok.
Pinilit kong tumayo ngunit nahihilo pa rin ako. Kumikirot din ang buo kong katawan, lalong lalo na yung braso ko.
"Retreat!" Rinig kong sigaw ng isa sa mga Vermilion. Halos magkanda-dapa-dapa silang lahat sa pagtakas.
Tumawa nang nakakatakot si Radimir. Maski ako kinilabutan. "Tatakas kayo?" Mapang-asar niyang tanong tsaka siya ngumiti. His smile was not friendly nor warm. It was the kind of smile that would make you shiver, that would make you scream and run to save your life.
Hinagis niya lang sa lupa ang walang buhay na katawan nung lalaki. By the look on his face, he was enjoying himself as he watched the men run away to save themselves. He was taking pleasure as he inflicted fear in those scared men.
"No one who insulted my girl could escape my wrath!"
Everything was a blur. It happened so fast. Isa-isa niyang sinugod ang mga lalaki. Walang nakatakas. Lahat sila ay natikman ang galit ni Radimir. Kahit ako ay nakaramdam ng kaunting awa para sa kanila.
Sinubukan ko ulit na tumayo ngunit napahiga agad ako sa magaspang na lupa. Napapikit ako habang iniinda ko ang sakit. Rinig na rinig ko ang mga suntok at sipa. I could even hear shouts of pain from the men. Everything was in chaos.. then slowly, the battle cries faded.
Heavy footsteps walked towards me. Nang binuksan ko ang aking mga mata ay sumalubong sa akin ang mukha ni Radimir. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Lahat ay napatumba niya na sa ganung kaiiksing oras. Goodness! It's only been 15 minutes or so!
Nakasquat siya sa aking gilid. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Sinubukan ko ulit tumayo ngunit bumigay ang aking mga kamay kaya napahiga ulit ako.
Only this time, I didn't feel the roughness of the soil. I felt a strong arm catching my back.
BINABASA MO ANG
Held Captive
AzioneHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
