Chapter 16-Real

1.8K 56 11
                                        

Chapter 16

Nandito ako sa desk ko sa headquarters at naghihintay lang na tawagin ako ni Queen Callisha para kausapin. Lumapit si Yvonne sa akin na may mapanuksong ngiti.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Tanong ko.

"Wala. Niyaya kasi ako ni Agent Jake na magdinner mamaya." Here comes Yvonne and his harlem of boys.

"Okay. Congrats." Walang gana kong sabi pero nanatili pa rin ang ngiti niya. Sumandal ako sa upuan ko at tinignan siya nang masama.

"I know you have other things to say. Spill it." Humagikgik lang siya sa pagkainis ko.

"Kwinento sa akin nung mga kasama mong agents yung nangyari sa bachelor's party. Parang bata ka raw kapag nakainom. Hihihi!" Inirapan ko lang siya.

"I needed to do that for the mission. Hindi ako umiinom Yvonne. Bukod sa masama sa katawan, wala pang mabuting naidudulot sa akin." Muli kong tinitigan si Yvonne at nakangiti pa rin siya na abot tainga.

"Yvonne, please. Ano ba talaga yang sasabihin mo? Kasi pakiramdam ko iba talaga yung gusto mong sabihin." Humagikgik ulit si Yvonne. Hagikgik siya nang hagikgik ah. Naiirita na ko.

"Last night Eve, while I'm waiting outside for you and the agents. Nakabukas yung bintana sa kwarto na pinagganapan niyo ng bachelor's party."

"So?" Yun lang ba ang sasabihin niya? Ang iinform ako na nakabukas ang bintana? Wow. Very useful information. Worth my time.

"I saw you."

"You saw me. Natural magkasama kaya tayong tumakas."

"No. Not that one." Kinunotan ko lang siya ng noo.

"Get straight to the point. Ano ba talagang ibig mong sabihin Von?" Humagikgik na naman siya. Kanina pa siya ah.

"You and Radimir.. well, alam mo na." Tsaka niya ako kinindatan. Bigla namang nag-init ang pisngi ko at nag-iwas ako ng tingin.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Yvonne." Tsaka ako nagkaroon ng interes sa cellphone ko. Kinalikot ko yung cellphone ko kahit wala naman talaga akong tinetext.

"Talaga Eve? Hindi mo alam? Guto mo sabihin ko sa'yo para malaman mo?" Lumingon agad ako sa kaniya at nakita ko siyang ngumingiti-ngiti.

"Yvonne." Pagbabanta ko.

"You just kissed the Asad of Tenebrous, Eve!" Tumingin tingin ako sa paligid para makasiguradong walang nakarinig kay Yvonne.

"And so what? I did that for the mission. Kailangan kong ilagay sa bibig niya yung tableta para makakuha ako ng impormasyon sa kaniya. That is all about professionalism."

"Professionalism? I don't think you kissed someone like that just for PROFESSIONALISM Eve."

"That's profe---"

"I'm fond of dating boys. And I know how to distinguish a real kiss from not."

"And our kiss is not a real ki—"

"It is real."

"You're wrong Yvo—"

"It is real." Natahimik ako sa sinabi niya. Naging seryoso na yung mukha niya. Dedepensehan ko pa sana yung sarili ko pero inunahan niya na ako sa pagsasalita.

"He is a Tenebrous Eve. You cannot fall for him. He will not catch you. He will let you fall until your body hit the cold ground. He will leave you lying on that ground and won't even bother to take a glimpse of you."

"You're mista---"

"Eve! Pumunta ka na sa Office of the Queen. Hinihintay ka na nila doon." Biglang sulpot ni Jackson sa headquarters. Tumabi na si Yvonne sa daraanan ko. I still want to defend myself but I have no time. The queen is waiting for me. Sumunod ako kay Jackson papuntang Atrium. Paulit-ulit kong naririnig sa utak ko yung mga sinabi ni Yvonne.

I'll prove her wrong.
The kiss is not real.
I will not fall for the Asad of Tenebrous. Never.

~~

Pagkapasok ko ng Atrium, nandoon na si Queen Callisha, Agent Damien at yung tatlong agents na kasama ko sa misyon. Yumuko ako sa harap ni Queen Callisha at umupo na sa tabi ng mga agents.

Nakaupo si Queen Callisha sa swivel chair niya. May office table sa pagitan namin. Sa left side ay si Agent Damien, sa right side naman ay kaming apat na agents.

"So.." pagsisimula ni Queen Callisha, "I hope you'll give me significant information from the Tenebrous."

If my death is a significant information for you, yeah I can give you that.

"Shiela?" Tanong niya tsaka niya tinignan si Agent Shiela.

"Napag-alaman ko po na may nawawala ding kwintas ang mga Tenebrous at hinahanap po nila ito. Sa pagkakaalam ko ay matagal nang pagmamay-ari ng mga Tenebrous ang kwintas na iyon. Ninakaw po ito sa kanila noong 1800's at ngayon ay ginagawa nila ang lahat para mahanap ito."

Tumango si Queen Callisha at halata ang malawak niyang ngiti. Mukhang nagustuhan niya ang balita ni Shiela. I'm sure she'll try to get that Tenebrous necklace as a revenge when Radimir tried to steal the Safronov necklace.

"Next." Sabi ng reyna at sumunod nang magsalita yung agent na katabi ni Shiela.

"May magaganap po na transaksyon ng mga iligal na armas sa dalampasigan. Kukuha po ng mga bagong armas ang mga Tenebrous bukas ng madaling araw."

Lumingon si Queen Callisha kay Agent Damien.

"As a pier agent, I want you to handle that one. Sabotage the transaction. Siguraduhin mong mabibigo ang mga Tenebrous."

"Yes, Queen Callisha. Makakaasa po kayo." This is the real world. Where the Safronov fights the Tenebrous. Where the Tenebrous fights the Safronov. We're enemies. Hindi ko tuloy mapagtanto kung anong nangyari kay Faith Bautista at nagawa niyang magmahal ng isang Tenebrous. That's foolishness at it's finest.

"Next agent, tell me your report." Utos ni Queen Callisha doon sa agent na katabi ko.

"A fight between the Tenebrous agency and Morgan agency is happening. Mukhang wala pong pag-asang manalo ang mga Morgan pero nagiging distraction po sila sa mga Tenebrous." Of course. They are Tenebrous. They are the most bad ass among the agencies. Tanging mga Safronov lang ang kayang kumalaban sa kanila. Pero kapag ibang agencies na, Morgan is like a David fighting his Goliath.

"How about you my future pier agent," Binaling sa akin ni Queen Callisha yung tingin niya at nginitian ako. "What's your report?"

Sa sobrang kaba ko ay hindi ko na masyadong naenjoy yung pagtawag niya sa akin ng future pier agent. Should I tell her the details? Eh halos mapunit na yung labi niya sa kakangiti sa mga reports ng mga naunang agents. And for sure my report would ruin her mood.

"The Tenebrous is preparing a gift for you on your birthday Queen." Biglang namuo ang tensyon sa loob ng Atrium. Alam nila na ang regalo na binabanggit ko ay masama ang ibig sabihin.

"What is their gift, Eve?" Kinakabahang tanong sa akin ng reyna. Huminga muna ako nang malalim bago sumagot.

"They are planning to kill a Safronov Agent." That agent is talking right now.

"Who is that agent Eve?" Hindi ako makapagsalita. Sa oras na sabihin kong ako ang binabalak nilang patayin ay makakakuha ako ng atensyon. At iyon ang pinakaayoko. I want to be invisible in everyone's eyes as much as possible. Atsaka isa pa baka hindi na nila ako bigyan ng misyon at ikulong na lang nila ako sa Safronov Palace para masigurado ang kaligtasan ko.

"I do not know Queen. I have no idea."

Held CaptiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon