Chapter 84-How to Recharge in a Battle

1.8K 47 30
                                        

Chapter 84

Hindi tinago ni Jung ang malawak niyang ngiti nang makita akong lumabas sa pinagtataguan ko.

Agad akong sinundan ni Radimir pero bago pa siya makalapit sa akin ay sinugod na siya ni Mark kasabay ng sampu pang Tenebrous. Alam nilang hindi kaya ng isang lalaki lang na talunin si Radimir.

"You're stupid just like her." Humigpit ang kapit ko sa mga kutsilyo ko. Wala siyang karapatang insultuhin ang kaibigan ko.

"And you're more stupid for confronting me." Tumawa siya nang mapakla.

"I'm not afraid of you. Women of Safronov are all the same. You're weaklings and easy targets—"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil binato ko na siya ng aking kutsilyo. Natamaan ang kaliwang braso niya at napasigaw siya sa sakit. Walang nag-abalang tumulong sa kaniya dahil may kaniya-kaniyang laban ang mga agents. Nagpapatayan ang mga Tenebrous at Safronov.

Tatanggalin na sana ni Jung ang aking kutsilyo nang ibato ko muli ang isa ko pang kutsilyo sa kaniya. Bumaon ito sa kaniyang kanang braso. Napasigaw muli siya sa sakit.

I watched with a smile as blood poured down from his arms. I ran to him and knocked him down on the floor. I put his stomach in between my thighs. I was sitting on top of him with satisfaction in my eyes. I'm feeling this again. The desire to kill. The desire to hurt people. Bloodlust.

Kahit itanggi ko pa ay may dugo pa rin ng Tenebrous ang nananalantay sa aking mga ugat. May parte pa rin ako na marahas at masama.

Imbes ba magmakaawa ay ngumiti lang sa akin si Jung. Tinitignan niya ko na punong puno ng angas at yabang.

"She was screaming your name. When I shot her, she was calling you, begging you to save her. But you were nowhere to be found.."

"Stop." Muli na namang nagbabadya ang aking mga luha sa pagtulo. Nasa gitna kami ng mga naglalabang Tenebrous at Safronov ngunit wala doon ang utak ko. Lumilipad ang utak ko sa mga masasayang ala-ala namin ni Yvonne. Gusto ko siyang ibalik. Gusto kong nandito pa rin siya sa tabi ko.

"Umiiyak ang kawawa mong kaibigan ng mga panahong yun. Sumisigaw siya at humihingi ng tulong pero walang nakarinig sa kaniya. Naiwan siyang mag-isang duguan habang naghahabol ng hininga—"

Tuluyan nang nagdilim ang aking paningin. Sabay kong dinukot ang dalawang kutsilyo sa magkabilaan niyang braso. Napasigaw siya sa sobrang sakit. Nang malaman niya kung ano ang susunod kong gagawin ay nanlaki ang mga mata niya. Sobra siyang pinagpapawisan habang sinusubukan niyang makawala.

Walang pag-aalinlangang sinaksak ko ang dibdib niya gamit ang dalawang kutsilyong hawak-hawak ko. Binawian agad siya ng buhay. Alam kong mali ito. Alam kong hindi ko ito dapat gawin. Pero kung hindi ko siya papatayin ay ako ang papatayin niya.

After all, we are in a war. I am a Safronov and he is a Tenebrous. This is our destiny from the very start: To kill each other.

Muli kong dinukot ang aking mga kutsilyo at tumayo na para harapin pa ang ibang mga kalaban. The whole building is in chaos. The Safronovs were outnumbered by the Tenebrouses. Radimir was fighting almost twenty men alone. King Azrael was in a fight with Damien Ozera. I was impressed. Damien managed to match the strength of the king. The rumor is true: Damien Ozera is a man to fear. He is like a wild animal when he fights.

I realized this battle is not for me anymore. This battle is now about the long-time feud between Safronov and Tenebous.

Tama si Rad. Nagtawag pa ng reinforcement ang Tenebrous kaya natatalo nila kami sa labanan. Tutulungan ko na sana ang mga Safronov nang biglang lumitaw si Tito Adan sa aking harapan at kinaladkad ako.

Held CaptiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon