We learn little from victory much from defeat.
-Japanese Proverb
Chapter 8
Two days. Dalawang araw na ang nakakalipas pero hindi pa rin nagpaparamdam ang leon na iyon. Siguro nga ay nananakot lang siya. Siguro hindi niya talaga tototohanin yung sinabi niya.
Brave and.. stupid. My kind of combination.
Whatever, dummy! Get out of my head!
"Eve, tulala ka na naman." Napadiretso ako ng upo dahil sa boses ni Agent Damien. Nandito ako ngayon sa headquarters at nakaupo sa desk ko.
A blush climbed my cheeks as I heard his voice, rich and manly. Something about him always affect me. Maybe it was intimidation. He was the type of man that could intimidate anyone. Or maybe it was attraction. He could attract girls without even making an effort. And he was not aware of it.
"Good afternoon Agent Damien. Wala lang po ito. May iniisip lang." Ngumiti ako nang nahihiya.
"Sino bang iniisip mo Eve?" Sino nga bang iniisip ko?
"May ipapagawa po kasi sa'kin si Queen Callisha. Nag-iisip lang po ako ng mga plano at strategies."
"Good. Akala ko kasi ang iniisip mo yung nagugustuhan mong lalaki." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Damien. What?
"Po?"
"Nabanggit kasi sa akin ni Yvonne na may nagugustuhan ka sa Tenebrous. Remember Eve, you cannot love a Tenebrous. You cannot trust them. They'll betray you. They will betray you all the times." Seryosong sabi ni Agent Damien. Halos malaglag ang panga ko. Ano ba tong sinabi ni Yvonne! Nakakahiya kay Damien. Kahit kaage ko lang si Damien na 20 years old, boss ko pa rin siya. Ang taas ng respeto ko sa kaniya. Tapos ano daw itong sinabi ni Yvonne?
"She is mistaken, Agent Damien. I'm not attracted to a Tenebrous. I'm not attracted to anybody. You have nothing to worry about." Kinakabahan akong tumingin sa kaniya. Seryosong seryoso yung mukha. Goodness, he's scary!
"Sigurado kang wala kang gusto sa Tenebrous na iyon?" Seryoso pa rin yung mukha niya. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o ano. Bakit hindi na lang pagplaplano at pakikipaglaban ang pag-usapan namin? That would be easier.
"Hindi po. And I'll never be attracted to a Tenebrous. Galit po ako sa kanila."
"I'm glad to know that Eve. At sana nga tuparin mo." Tinapik ako ni Damien sa balikat bago tuluyang umalis.
Alam kong tama ang sinabi niya. At alam ko rin na gagawin ko ang mga bilin niya. Gahaman at masasahol ang mga Tenebrous. Wala silang sinasanto. Wala silang kinatatakutan.
~~
Nandito ako sa training room ng headquarters. Kailangan kong magfocus. Kailangan kong magpakabusy para mawala ang isip ko sa mga bagay na hindi ko naman dapat isipin.
Nilaro-laro ko yung darts sa kamay ko at tinitigan ang dartboard na nakalagay sa pader. Binato ko yung unang dart.
Bull's eye.
Napangiti ako. Ibabato ko na sana yung susunod na dart nang...
"Wait!!!"
"Ano na naman yun Yvonne?"
"Sisiw na lang ang pagdadarts mo, Eve. Lagyan natin ng thrill." Dinikit ni Yvonne ang topless na picture ni Radimir sa dartboard. 6 pack abs. Paano ako makakafocus nito?
"Yvonne tanggalin mo nga yan! Nagprapractice ako dito. Iba na lang ang guluhin mo please." Humagikgik lang si Yvonne sa reklamo ko.
"Kakadistract ba?"
BINABASA MO ANG
Held Captive
ActionHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
