Chapter 7-Death Threat

2.6K 75 27
                                        

Fuku sui bon ni kaerazu
Split water will not return to the tray.

-Japanese Proverb

Chapter 7

Kinabukasan pagkapasok ko ng headquarters ay bigla silang nagpalakpakan. Napayuko ako at binalot ng hiya.

"Congrats Eve!" Nilahad sa akin ni Agent Damien ang kaniyang kamay at nahihiya ko itong tinanggap. Nag-init ang mga pisngi ko nang maglapat ang aming mga palad. Agent Damien is one of our pier agents. Ang posisyon niya ang matagal ko nang pinapangarap.

"Ang galing mo talaga Eve!"

"Idol!"

"Pacheese burger ka naman diyan Eve!"

Nahihiya akong ngumiti sa lahat ng mga papuri nila sa akin. Kalat na sa headquarters na ako ang nakakuha ng kwintas ngunit pinagluluksa rin namin ang mga sugatang agents ng mga Safronov dahil sa natalo sila ni Radimir. Wala din ngayon ang reyna dahil abala siya sa pag-aalaga ng mga kasamahan namin sa hospital. May sariling hospital ang mga Safronov, ginawa talaga ito para sa mga ganitong pangyayari.

Matapos ko silang ngitian ay dumiretso agad ako sa desk ko na nandoon sa pinakasulok ng headquarters. Yung posisyon na walang makakapansin at invisible ako.

"Death threats day today." Malakas na sambit ni Agent Damien. Damien is a dangerous guy but he is filled with so much control. He knows the limit of his power.

Unlike the other guy I know. Masmasahol pa sa leon ang asal.

Binigay na ni Damien ang mga death threats para sa amin.

Well, this is just normal. Madalas ay death threats ito galing sa mga nakakalaban namin o di kaya'y galing sa lalaki na ninakawan namin ng bisikleta dahil kailangan naming tumakas sa nanghahabol sa amin o di kaya doon sa babaeng na gatecrush ko sa pagbabanyo dahil wala na talaga akong makitang exit kundi yung bintana doon sa CR habang hinahabol ako ng mga kalaban ng Safronov.

Sanay na kami sa mga ganitong bagay but deep down inside me... something is wrong. Pakiramdam ko ay may kung ano sa mga death threats ko na hindi ko magugustuhan.

"Here comes the empty threats!" Busangot ni Yvonne nang matanggap niya ang mga death threats niya.

"Empty threats huh?" Pagbibiro ni Jason sa tabi nya. Binigyan siya ni Yvonne ng ngiti na nagpapacute.

"Eh hanggang ngayon pa rin naman buhay pa ako."

Tama. Those death threats are empty threats.

Nang matanggap ko ang mga death threats ko, parang may kung ano sa akin na kinabahan. Parang nagdadalawang isip ako kung empty threats nga lang ba ang mga ito.

Nilapag ni Damien yung mga death threats sa desk ko at hindi ko namalayang nanginginig na pala ang mga daliri ko. Una kong binasa yung letter na nasa pink envelope.

"You don't in in when someone is out out feces in the toilet. Or else I go flash face of you In the toilet. You understand this writing by me?

-Bar bee Dimaculangan"

EMPTY AND NON SENSE THREAT. Seriously? Bakit nga ba ako kinakabahan? Halos ilang taon na kong nakakatanggap ng mga death threats. And what's new? Lagi naman akong nakakaligtas.

Tinapon ko na yung letter sa basurahan at kinuha ko yung isang death threat. The paper is sealed in a black envelope. It has a skull on the front. Something about that thing makes me scared. Is't because of the skull? Is't because of the color black?

Nanunuyo ang lalamunan ko. Naubusan na rin ng dugo ang mukha ko. Gamit ang nanginginig kong kamay, pinunit ko yung envelope at unti-unti kong binuksan yung note.

Eve, pangit mo.

Muntikan ko nang mapunit ang papel. Yun lang? Yun na yun? Pagkatapos kong kabahan at halos mahimatay na ko yang tatlong salita lang na yan ang mababasa ko? Aba! Akala ko naman galing kay---

Akala mo galing kanino Eve? Sino ba ang ineexpect mo?

Galing kay—whatever. Nevermind.

Binasa ko pa yung mga letters at karamihan, empty threats. May mga iba na galing sa mga kalaban kong agents sa ibang agencies kaya kailangan ko talagang mag-ingat.

Humikab ako at masyadong inantok sa mga death threats na hindi naman nakakathrill.

"Eve, maglalunch na kami. Sabay ka?"

"Hindi na. Mauna na kayo Yvonne."

"Osige. Kasama namin yung bagong agent na si Mark. Yung cute guy. Kyah!"

"Hindi naman cute Yvonne."

"Oits! May muscles kaya siya. 6 pack abs!" Lumabas na si Yvonne ng headquarters habang tumitili. This is me. Isolated. Loner. And I am comfortable this way. Minsan kapag gusto ko ng company ay pinipilit ko si Yvonne na samahan na lang ako sa pag-e-emo ko.

Lalabas na sana ako ng headquarters nang mapansin kong may natitira pa palang isang death threat na hind ko pa nababasa. It is just a note written in a small paper.

Another empty threat, huh?

Kinuha ko yung letter at yung nakasulat palang sa labas ay nakapagpakabog na ng dibdib ko.

To: Eva

Isang tao lang ang tumatawag sa akin ng Eva.

Mali.

Isang leon lang ang tumatawag sa akin ng Eva.

Sa pagkakataong ito, totoong kinabahan na talaga ako. Ito ang kauna-unahang death threat na natanggap ko na alam kong hindi empty threat. Inipon ko na lahat ng katapangan ko para buklatin ang note at basahin ang nilalaman nito kahit ang totoo ay gusto ko na lang itong punitin at itapon sa basurahan.

Eva,

Who are you really, Eva? Anong meron sa'yo na nagagawa mo akong baliwin?
This is my first time to be tricked by a girl. This is my very first defeat.

And you're going to pay for it.

Giving me a fake necklace? Brilliant and brave. And now my interest was shifted from the necklace.. to you.

I will be back Eva. I will punish you. You will be my captive, my prey.

You will regret ever meeting me. You will regret that you fought me. Remember this Eva, I will punish you.

Love,
Radimir

Dalawa bagay lang ang tumakbo sa isip ko. Maaaring sa oras na to ay nagplaplano siya kung paano ako papatayin o di kaya'y nananakot lang siya. Please, sana nananakot lang siya.

If he meant to scare me, then he succeeds! I'm so afraid.

No. Not afraid. I'm frightened. Terrified. Terror-stricken.

Held CaptiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon