Chapter 32-Secrets Revealed

1.7K 56 32
                                        

Be not afraid of going slowly. Be afraid of standing still.

-Japanese Proverbs

Chapter 32

Lalabas na sana ako ng bintana ngunit hindi magkasya ang mga balikat ko sa butas. Sumubok ako ng ibang istratehiya. Inuna kong nilabas yung aking mga kamay tsaka ko sinunod yung ulo ko. Pero wala pa rin. Hindi pa rin ako nagkasya. Nakakaasar!

Palpak.Palpak.Palpak.

Bigo akong lumabas ng banyo at umupo sa kama. Isinandal ko ang aking ulo sa headboard kasabay nang pagbukas ng pinto at niluwa nun si Radimir. May nilapag siyang envelope sa lamesa at ngumisi siya sa'kin. Hindi ko siya pinansin dahil bad trip pa rin ako. Balik na siya sa mapaglarong Radimir. Siguro nga hindi talaga siya seryoso sa sinabi niya kahapon. Baka naglalaro lang siya.

And I was so fool to be played by him.

"When did you cut your hair? It suits you." Muli, hindi ko siya pinansin. Hindi ko alam kung nang-iinis ba siya o ano. My curly blonde hair was ruined! And now he is complimenting me that it suits me? Absurd!

"Here are all the details about Jackson's recovery." Doon sa mga salitang niyang iyon ay napaalis agad ako sa kama at natatarantang tumakbo papunta sa lamesa. Ngunit bago ko pa mahawakan yung envelope ay kinuha niya muli ito at tinago sa kaniyang likuran.

"Kapag tungkol kay Jackson ang bilis mong kumilos ah?" Monotone na sabi niya at tinignan ko lang siya na walang gana.

"Just give that to me dummy."

"I will. But first, I need to check something." Bago pa ako makapagtanong ay mabilis na siyang nagpunta sa bathroom. Ano namang gagawin—Wait! Oh my gosh!

"Radimir don't!" Too late, nakapasok na siya sa bathroom at kitang kita niya na ang mga bubog at ang bintana na binasag ko. But instead of being angry at me, he just smiled like he is amused.

"I knew it. You would not give up until you get your goal. Trying to escape again?" Lumabas na siya sa bathroom at kahit pakiramdam ko ay napahiya talaga ako ay hindi ko ito pinahalata. Nakangiti siya sa akin pero poker face pa rin ako.

"Now can you give me that envelope now?" Nag-aalangan niyang inabot ito sa'kin at agad ko itong inagaw sa kaniya.

"You're really concern for him huh?" Hindi ko siya pinansin bagkus ay bumalik na ako sa mini sala ng kwartong ito at abala na binasa ang mga papel. Nakasulat dito ang mga documents ng recovery ni Jackson. Para bang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang masiguro ko na maayos na ang lagay niya. Sinulyapan ko si Radimir sa gilid ng aking mga mata. Nakatikom ang kaniyang palad at mukhang nagpipigil ng galit.

"Paano ako makakasiguro na hindi mo inimbento ang mga dokumentong ito?" Tumawa si Radimir nang nakakatakot.

"Seriously Eve? Why will I waste my time making fake documents? Makapagsalita ka naman, parang isa akong manloloko." This time ay ako na ang tumawa. Nagpapatawa ba siya?

"Tinatanong pa ba yan Rad? Hilo ka ba? Of course you're a liar! You're a tricker! You lure people!" You even lured me. Almost.

"Really? I'm the liar here?" Humakbang siya papalapit sa akin. "Are you sure? I know your secrets. I know just like me, you're also a liar."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Napahigpit ang kapit ko sa mga dokumento na hinahawakan ko. Kung makapagsalita ang leon na ito ay akala mo alam niya ang mga sikreto ko. Kung makatitig siya ay parang nahanap niya na ang mga bagay na pinakatatago ko.

"I know your deepest secrets." Muli siyang humakbang papalapit sa akin ngunit hindi ako umatras. Mashumigpit pa ang hawak ko sa mga dokumento na nasa palad ko. Our noses are almost touching. I didn't move, didn't flinch, didn't even blink. I must show him that I'm not affected. I must show him I'm not scared. But deep inside, my heart is doing a flipflop. I'm so nervous I think I'm going to faint.

Held CaptiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon