Darkness reigns at the foot of the lighthouse.
-Japanese Proverb
Chapter 58
Lahat ng mga Safronov ay nagpulong-pulong dito sa harap ng palasyo. Ngayon na itatalaga si Jackson bilang bagong pier agent. Aminin ko man o hindi, nakakaramdam ako ng inggit. Sobrang inggit. Ilang taon ko na bang pinangarap ang posisyon na yan? Simula pagkabata pa yata.
Sorry Ma, hindi ko napagbigyan ang hiling mo.
Sa harap ng mga nagkukumpulang Safronov ay nakatayo sina Queen Callisha, Agent Damien at Jackson.
Lumakad si Agent Damien papunta sa podium at nagsalita.
"Today, we will witness the appointing of the new pier agent. Safronov, may I present you, Jackson Ocampo, The new pier agent!"
Nagpalakpakan kaming lahat. Sinuotan ni Queen Callisha ng badge si Jackson. Hindi mawala ang ngiti ni Jackson. Sobrang saya niya. Ganun din kaya ako kasaya kung ako ang nasa posisyon niya?
Marahil hindi.
Marahil masmasaya ako.
"Ikaw dapat ang nandun Eve." Nilingon ko si Yvonne na ngayon ay nasa tabi ko. "Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mo binitawan ang posisyon."
Binigyan ko siya nang malungkot na ngiti. "Change of priorities."
"Priorities? I wonder what it would take you to sacrifice your dream."
"Narealize ko na ayoko palang maging pier agent. Na—"
"Come on. Don't fool me." Sinalubong niya ang titig ko. "Tell me, si Radimir Henderson ba ang dahilan kaya binitawan mo ang pangarap mo?"
Nag-iwas agad ako ng tingin sa kaniya. Tumingin ulit ako sa harapan kung saan kinakamayan at pinupuri na ng mga tao si Jackson.
"I knew it Eve. You don't want to fight him that's why you just threw that position like a trash."
Lumunok ako bago nagsallita. "Hindi naman sa ganun Yvonne. Hin-"
"Cut it!" Umirap siya sa'kin. Halatang naiinis na. "Wag na tayong maglokohan dito. Tandaan mo na kahit hindi mo tinanggap ang posisyon, it doesn't change the fact that Radimir is still your enemy. He is a Tenebrous. Magkalaban pa rin kayo. Kaaway pa rin natin siya. Itatak mo yan sa kokote mo. Kaya kung ako sa'yo, hangga't maaga tigil-tigilan mo na ang pantasya mo. Kasi hanggang pantasya na lang yan."
Alam ko naman yun. Pero pakiramdam ko ay sinampal ako ni Yvonne sa mga salitang binitiwan niya. Nakita niya yatang nasaktan ako kaya niyakap niya ko mula sa gilid.
"I'm sorry if I'm harsh Eve. Pero nagsasabi lang ako ng totoo. Pier agent ka man o hindi, kaaway mo pa rin si Radimir Henderson. Atsaka, sa pagkakaalam ko nakagawa na si Jackson ng patibong para sa leon." Hindi ko natago ang pagkagulat ko. Agad akong humarap sa kaniya.
"W-what do you mean?"
"Nagplaplano na sila kung paano nila matatalo ang Asad ng Tenebrous. And guess what? Alam mo ba kung sino ang gagawin nilang pain para sa leon?"
Tumayo ang mga balahibo ko. Nanginig din ang dulo ng aking mga daliri. Mukhang alam ko na kung sino ang tinutukoy ni Yvonne.
"They will use me as a bait?" I asked with a shaking voice.
"Exactly."
"Pero paano? Yvonne hindi pwede yun."
"Hindi ko rin alam. Binibigyan na kita ng warning. Prepare yourself Eve. This will be a tough road for you."
BINABASA MO ANG
Held Captive
ActionHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
