Chapter 66-Her Choice

1.4K 43 24
                                        

Chapter 66

"Eve, pinapatawag ang lahat ng Safronov sa palasyo. Nauna na yung ibang mga agents. Sorry hindi ka na namin nahintay." Salubong sa'kin ni Lian pagkababa ko ng hapon. Kakagising ko palang kasi at wala akong nadatnan na Safronov kung hindi si Lian lang.

"Bakit? Anong nangyari?"

"May nagaganap yatang labanan sa pagitan ng Safronov at Tenebrous."

"Dapat ginising niyo ko."

"Hindi na kailangan. May ipapagawa raw sa'yo na ibang misyon ang reyna." Inabutan ako ng folder ni Lian na agad kong tinanggap. "Pag-aralan mo na lang daw. Tatawagan ka na lang ng reyna kung may kailangan siyang sabihin sa'yo."

"Sige salamat."

Umalis na rin si Lian. Naiwan akong kasama ang mga Morgan na matiyagang nagbabantay sa labas.

Saglit kong binasa yung files at umakyat ulit ako sa kwarto ko para maglinis ng katawan. I wore my usual attire everytime I have a mission.

I was dressed in my cat suit. I placed a gun in my gun holster and put a knife inside my boot. I tied my curly blonde hair using a pony tail.

Lumabas na ko ng kwarto at bumaba ng hagdan. Patalon-talon pa kong lumabas ng bahay. I know I'm having a lot of troubles lately, but thinking that I will fight again makes my nerves jump in excitement. How I miss to punch faces and kick butts.

Dire-diretso agad akong pumasok sa aking McLaren F1 na hindi nililingon ang lalaking nagmamay-ari ng mga matang nakatitig sa akin. Baka mawala ang konsentrasyon ko kapag tumingin ako sa kaniya pabalik.

I already wore my mask so it's covering my face. Pinaharurot ko kaagad ang aking McLaren papunta sa aking destinasyon. Gosh! I'm dying to fight already. Ngayon na ang tsansa ko para mailabas lahat ng mga dala-dalahin ko nitong nakaraang araw. At ilalabas ko ang mga ito sa mga kalaban ko. Humanda sila.

Hindi pa ko masyadong nakakalayo nang tumawag ang reyna. Inayos ko ang aking earpiece bago ko siya sinagot.

(Eve?)

"Good Afternoon Queen Callisha. Papunta na po ako sa lokasyon."

(Uhm, Eve..) The queen paused as if she's nervous to continue her words. (your mission is cancelled.)

Medyo matagal bago naregister sa utak ko ang sinabi ng reyna. "Po?"

(Eve, there was a problem. I'm sorry. Your mission must be cancelled immediately.)

"Is that the case Queen? Uhm, sige po."

Pinatay na ni Queen Callisha ang tawag. And here I was, stomping like a child who did not get the toy she wants. Ugh! I already set my mind for battle. I already condition my body to fight.

Bagsak ang balikat na pinihit ko ang manubela pabalik sa lugar ng mga Morgan. Nakakainis! So what will I do now? Magmukmok sa kwarto habang nakadungaw kay Radimir sa bintana?

Nang malapit na ako sa Baleria ay hininto ko muna ang sasakyan. Tanaw na tanaw ko ang mga Morgan at ang leon na nasa hawla. Hindi nila ako napapansin dahil medyo malayo ako sa kinaroroonan nila. Lumabas ako at sumandal sa kotse.

The wind was blowing my curly blonde hair. Some of the strands of my hair was caressing my mask.

I wonder why am I secretly staring at him.

I wonder why am I hurt seeing him locked up in a prison cell when in fact I'm the one who put him there.

And the sad truth hits me.

No matter how many times I deny it, I am attracted to him

No. Not just attraction. It was more than that.

Held CaptiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon