Chapter 36
Sumandal agad ako sa dingding na nasa gilid ng pinto nang makita ko si Radimir na humarap sa aking direksyon. I knew I moved too fast for him to see.
With my heart broken into pieces, I willed my feet to move. I started to walk away before I do something stupid like confront Radimir and punch him in the gut.
Dapat ay una palang nakinig na ko sa mga turo ni Mama. Dapat una palang sinunod ko na siya para hindi na humantong sa ganito. Pilit kong inalis si Radimir sa memorya ko. He is just a distraction to my escape. I can think of him as long as I want when I'm out of here. But as for now, I should focus on my escapade.
Lumakad ako palayo hanggang sa may mga makasalubong akong mga Tenebrous na galing yata sa pakikipaglaban dahil sugatan sila pero malakas pa rin.
"Hindi pa tapos ang laban. Lumabas tayo at tulungan natin yung mga iba." Rinig kong sabi nung isang babae. Imbes na iwasan sila, sinundan ko ang tinatahak nila para makalabas na rin ako. Mukhang hindi naman nila ako napapansin at patuloy lang akong nakikinig sa mga plano nila.
Sinundan ko lang sila hanggang sa makita ko na yung hallway na dinaanan namin dati ng walang kwentang leon na iyon. Alam ko na ang daan palabas mula rito. Maliban sa entrance, may exit din doon sa isang dulo ng hallway sa baba. Kailangan ko lang ituloy ang pagdidisguise ko at makakalabas na rin ako sa walang kwentang lugar na to.
Napatigil kami sa paglalakad nang may isang babaeng Tenebrous na tumakbo sa aming direksyon at mukhang nagpapanic.
"Ang bihag, nakatakas!" Yun agad ang bungad sa amin nung babae at bigla akong napayuko.
"Sinong bihag? Maraming bihag ang mga Tenebrous." Tanong nung isang lalaki na kasama namin. Nagsimula na kong pagpawisan at pakiramdam ko nawawala na ang dugo sa aking mukha.
"Yung.. Yung ano po. Yung agent ng Safronov. Nakatakas siya!" Nagpanic ang mga kasama ko kunwari ay nagpanic na rin ako para hindi sila makahalata. Pero ang totoo ay nagpapanic na talaga ako. Alam na nilang nakatakas ako, panigurado hahanapin na nila ako ngayon.
"Tumahimik kayo!" Sigaw nung isang agent. "Maghiwa-hiwalay tayo. Yung iba maghanap sa bihag. Yung mga iba tumulong sa pakikipaglaban. Kumilos na!"
Pumunta yung mga agents sa iba't ibang direksyon. Samantalang pumunta ako doon sa exit. May dalawa rin akong agents na kasama.
"Sa tingin mo, paano kaya nakatakas ang bihag?" Tanong sa akin nung isang agent. I want to laugh. If he knew. If he only knew.
"Hindi ko alam. Baka sadiyang matalino at magaling siya." Sagot ko sa kaniya habang tumatakbo kami.
"Matalino at magaling ba siya?"
"Oo raw. Sobra-sobra at grabe."
Natatanaw ko na yung exit. Kaunti na lang. Istorbo lang talaga tong kausap ko.
"Sandali, bakit ganyan ang tattoo mo?" Napatigil ako sa sinabi niya at napatingin sa taas ng aking ankle. Mali ba ang pagkakadrawing ko?
"Bakit?" Nagtataka kong tanong. Napahigpit ang hawak ko sa baril dahil pakiramdam ko ay magagamit ko na talaga ito.
"Bakit bungo lang? Nasaan ang ekis na gawa sa dalawang buto?" I mentally smacked myself right on the face. How could I forgot the bones!
"Ah kasi ano—" Gagawa palang sana ako ng excuse nang tinanggal niya ang damit na ginawa kong bonet sa aking ulo. Kitang kita na ngayon ang buhok ko at nanlaki ang mga mata niyang pinag-aralan ang aking mukha.
"Nandito ang bihag!" Nakuha niya ang atensyon ng ibang mga agents. Itinutok ko sa kaniya ang baril at pinutok ko ito. Bumagsak ang kaniyang katawan sa sahig kasabay nang pagtakbo ng ibang mga Tenebrous sa akin. Pinaulanan ko sila ng bala. May mga ibang nakailag at may ibang natamaan.
BINABASA MO ANG
Held Captive
AcciónHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
