Chapter 38
Kumatok ako sa pinto ng office ni Queen Callisha bago pumasok. Nakabusiness attire ang reyna at tutok na tutok sa kaniyang laptop. Nang makita niya ako ay agad niyang sinarado ang kaniyang laptop at umupo siya nang matuwid.
"Oh, hi Eve! Have a seat."
Yumuko ako sa kaniyang harapan bago ako umupo sa upuan na nasa harap ng kaniyang office table.
"Did I disturb you, your highness?"
"No. I really want to talk to you. How are you? May masakit pa ba sa'yo?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na magreklamo.
"Queen Callisha, ilang araw na kong bed rest. And swear if I stay in bed any longer, my bed will already marry me." Tumawa si Queen Callisha sa sinabi ko.
"I never thought you would adopt sarcasm from Tenebrous." She rested her elbows on her table and put her chin on the back of her palms. "So what do you want to do my agent?"
"I want to work again your majesty."
"A-Are you sure Eve?" Kabadong tanong ni Queen Callisha.
"I am Queen."
"Napag-usapan na kasi namin ito ni Agent Damien. Hindi ka muna bibigyan ng assignments habang hindi pa natatapos ang August 15. Mainit ka pa sa mga mata ng Tenebrous. Kailangan mo munang maprotektahan Eve." Isinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri at napapikit nang mariin. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kaya ayokong sabihin sa kanilang ako ang binabalak patayin ng Tenebrous sa kaarawan ni Queen Callisha dahil alam kong gagawin nila ito.
"You can't do that Queen. Patawarin niyo po ako sa pagrereklamo ko, kamahalan pero hindi po pwede yun. From the moment I became an agent, danger became my shadow. Natural na po sa akin na may gustong kumitil ng buhay ko. At bilang isang agent, tungkulin kong protektahan ang Safronov, hindi yung Safronov ang proprotekta sa akin. That's a shame, Queen. I cannot accept that." Sumandal si Queen Callisha sa kaniyang office chair at minasahe niya ang kaniyang sentido.
"You should understand Eve. Hindi basta-basta ang pagkakakidnap sa iyo ng Tenebrous. Gaano karami na bang mga agents ng Safronov ang napahamak dahil sa mga lapastangang Tenebrous na yan? Hindi ko hahayaang matulad ka sa kanila. Jackson gave us the details. They pulled out the Asad of Tenebrous from its cage just to lure you. That's not a common situation Eve."
"I get your point Queen Callisha. But please, understand my point too. Hindi pwedeng tutunganga lang ako dito sa palasyo habang nakikipaglaban ang ibang mga agents para sa kapakanan ng Safronov. I am also your warrior, Queen. Please, I don't want to be useless." Huminga nang malalim si Queen Callisha at pinag-aralan ang hiling ko.
"Okay fine. I'll consider your request. But for now, you are not allowed to go out of Safronov palace alone. Is that clear Eve?"
"But Queen I—"
"This meeting is adjourned."
"Queen please—"
"My words are final Eve. You may go." Sa huli ay wala na rin akong nagawa dahil ang reyna pa rin ang masusunod. Tumayo ako at yumuko muli sa harapan ni Queen Callisha. Pinag-aaralan niya ang aking mukha at hindi ko tinago sa kaniya na dismayado ako. Lumabas ako sa Atrium na nakasimangot ang aking mga labi.
"What's with the long face?" Nakangiting tanong sa akin ni Jackson pagkalabas ko. Biglang nawala ang simangot kong mukha at napalitan nang malawak na ngiti.
"You're safe Jack." Hindi ko na napigilang yakapin siya. Sobrang nag-alala rin ako sa mokong na to.
"Hindi ba dapat ako ang nagsasabi niyan sa'yo." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. Slowly, I can feel that Jackson is portraying a role in my life. I can't determine yet what kind of role he is portraying right now.
BINABASA MO ANG
Held Captive
ActionHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...
