Chapter 20
"Chocolates Eve?" Tanong sa akin ni Jackson. Nandito kami ngayon sa headquarters ng mga agents dito sa Safronov Palace.
"Thank you Jackson." Tinanggap ko yung tsokolateng inaalok niya. Mukhang magkakadiabetes yata ako dito ah.
"Pwede mo ba kong samahan magbantay ngayon sa Citadel?" Nahihiya niyang tanong at namumula na naman yung tainga niya. Citadel. No. I'm not going to that place again. Never in a million years.
"I'm sorry Jackson. Ahm, ayoko eh."
"Please Eve. Dahil ba to doon sa babaeng nagwala nung isang araw? Babantayan kita mula sa kaniya." Dahil ba ito kay Faith Bautista? No. Hindi siya ang dahilan. Ever since ay ayoko na talagang pumupunta sa Citadel. Ayokong nakikita yung mga bilanggo na nagmamakaawang palayain sila. Ayokong makita yung mga unmarked. Ayoko sa lugar na yun.
"Marami lang talaga akong gagawin. Maybe we can bond.. some other time and some other... place."
"Like park, malls and cinema?"
"Ayoko doon. Mukha tayong nagdedate." Nagtawanan kaming dalawa sa sinabi ko.
"Pwede naman ah. I mean friendly date." Siningkitan ko sya ng mata. Lagi talaga syang may palusot ano.
"Friendly date, huh?"
"Yup. Friendly date."
Hindi rin naman pala masamang kasama si Jackson. I mean he's funny. Kahit binabusted ko sya ay ginagawa niyang light yung mood. I thank him for that.
Unlike the other guy I know. Makita ko palang ang pigura niya ay nanginginig na ko sa takot. Minsan ay hindi ako makatulog kakaisip sa kaniya. Kakaisip kung ano na ang napili niyang paraan ng pagpatay sa akin. Bibitayin niya ba ko? Ihuhulog sa bangin? Ipapakain sa leon? Nanginig ang buong katawan ko sa mga iniisip ko.
"Eve, mauna na ko sa Citadel. Ayaw mo naman akong samahan eh." Nagpout pa siya na kunwari ay nagpapacute. Fine! He's cute. I gave him credit for that.
"Che! Now go hinihintay ka na ng mga chics mo sa bilanggo."
"Ikaw lang ang gusto kong maging chic noh." Inirapan ko lang siya sa sinabi niya. Tinawanan naman niya ako.
Pagkaalis ni Jackson ay pinuntahan ako ni Yvonne.
"Ui. Girl, kayo na ni Jackson?"
"Huh? Hindi ah. Friends lang kami."
"So.. crush mo pa rin yung Asad ng Tenebrous?" Sinamaan ko lang siya ng tingin. She's back from being the jolly Yvonne. Akala mong hindi siya naging seryoso nung last time kaming nag-usap.
"Hindi ko crush si Rad." Sinapak ni Yvonne yung braso ko. Napangiwi ako. Nandun yung sugat ko na kagagamot lang ni Rad.
"Wow maka-Rad ka naman diyan. Close kayo? Tinatawag mo siya sa nickname niya ganun?" I rolled my eyes at her.
"But I often call him dummy."
"You will call the Asad of Tenebrous a dummy!?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yvonne. "Are you out of your mind Eve!?"
"Perhaps." I said. "Perhaps I am really out of my mind." for thinking of him all day even if I shouldn't. Even if I didn't want to.
~~
"Eve, pinapatawag ka ni Queen Callisha sa Atrium."
"Bakit daw Yvonne?"
"New task siguro. Sige mauna na ko ah. May date pa kami ni Arthur. Kyah!"
Lumabas na ko sa headquarters at pumunta sa Atrium. Kumatok ako bago pumasok. Pagkarating ko ay naghihintay na sa'kin doon ang reyna habang nakaupo siya sa kaniyang swivel chair.
"Good afternoon Eve. Maupo ka."
Yumuko muna ako sa harapan niya bago umupo. I'm sure the nerves in my body right now are jumping in anticipation. New task. New course of action. I'm dying to fight.
Pero sana lang ay hindi na naman pagdedeliver ng note ang ipagawa sa'kin.
"Eve, I want you to do a special task for me. This is a tough one. But I trust in your abilities."
"You can trust me Queen."
"I want you to get the Tenebrous necklace for me."
"Sure Quee—Wait. Ano po ulit? Pakiulit."
"I want you to get the Tenebrous necklace for me." Napalunok ako. Napakadelikado ng misyon na to. At kadalasan kapag ganito kahirap ang task, kay Agent Damien ibinibigay. But right now the queen is asking me to do it.
"Ano? Kaya ba Eve?" Sumandal ang reyna sa kaniyang swivel chair na para bang hinahamon ako. Tinitignan niya kung kakagat ako. She's testing me. Binibigyan niya ko ng isang task na kasing hirap ng tasks ni Agent Damien. And Damien is a pier agent. Ibig sabihin, sinusubukan niya ko kung kaya ko bang maging pier agent. Sinalubong ko ang titig niya na hindi ako nagpapatinag.
"Of course Queen. I can." Ngumiti ang reyna sa naging sagot ko.
"That's the answer that I expected from you, my agent. You really never fail to reach my expectations." Expectations. That is the scariest word for me. Expectations. What if I fail her? What if I disappoint her?
Inilapag ni Queen Callisha ang isang folder sa desk na nasa pagitan naming dalawa. "All the information that you need is here. Pag-aralan mo na lang. Tsaka, nabasa mo na ba yung pinapabasa ko sa'yo? Yung mga files ng Tenebrous."
"Na-scan ko palang po Queen. Pero irereview ko po ulit."
"Thank you Eve. You may go." Yumuko ako sa harapan ng reyna at lumabas na ng Atrium. Wala akong ibang gagawin kaya dumiretso agad ako sa training room. Mayroon doong mga dummies na prinagprapraktisan ko. Dummies ang tawag sa higanteng mga manika na gawa sa kahoy o di kaya sa unan at kung anu ano pa.
Dummy.
These dummies made me think of Rad. And I don't want to think of him. I don't want to remember the mischievous smirk on his face. I don't wanna think the feel of his kiss. I don't want to think anything about him, period.
I punched the face of the dummy. Hindi ko alam kung saan gawa ang dummy na ito, pero mind you, masakit. Sinipa ko yung tyan niya at sinikmura. Kinuha ko yung kutsilyo ko at sinaksak ang dibdib ng dummy na ito. Muli kong kinuha ang kutsilyo ko sa pagkakasaksak at pinuntirya naman ang iba pang dummies. Nilabas ko lahat ng frustrations ko sa kanila. Nilabas ko lahat ng galit at pagod na kinikimkim ko sa mga nakalipas na araw.
Pagkatapos kong magtraining, muli kong tinitigan yung mga dummies. Gutay gutay na yung mga tiyan nila na gawa sa bulak. Pati yung mga kamay nila ay putol na. Napahiga ako sa sahig sa sobrang pagod ko. Tumunog yung cellphone ko na nasa sahig lang at inabot ko ito nang hindi bumabangon.
Jackson:
Good afternoon Eve! Hope you have a great day :)Wala pang isang segundo ay nagtext na naman siya.
Jackson:
Miss you Eve.Jackson:
You're going to my birthday party tomorrow?Sa huli ay hindi ko na lang siya ni-replyan. I want to be friends with Jackson. But I need to show him that I'm not interested on having something intimate with him. He's a good person. I don't want him to waste his time on me.

BINABASA MO ANG
Held Captive
ActionHighest Ranking: #1 in Agency Category THE THIEF SHALL NOT ESCAPE UNPUNISHED. Eve Williams is one of the top agents in Safronov agency. Her goal is simple: To be the best and the greatest premier agent Safronov agency has ever had. But everyth...