Chapter 41-The Tricking Game

1.5K 50 19
                                        

Chapter 41

Bigla kong kinuha ang aking binoculars at nagmasid sa baba ng building. Nakita ko ang mga sasakyan na nagpark sa harap nitong lumang gusali. Isolated ang lugar na to kaya walang masyadong nakakapansin sa amin. Bumaba ang sandamakmak na tauhan ng Tenebrous at may dala silang mga armas. Kumagat din sila sa patibong.

(Safronovs, position.)

Agad naman kaming kumilos sa hudyat ni Agent Damien. Pumasok na rin si Yvonne sa 5th floor. Nagkalat ang mga agents ng Safronov sa loob ng building habang maiiwan akong mag-isa dito sa rooftop. May dala akong attache case na kunwari ay naglalaman ng mga pera at armas.

(Are you in your position now, Agent Eve?)

(Yes, Agent Damien.)

(Good.)

Gamit ang aking binoculars ay sinuri ko pa ang nagaganap sa baba. Pinasok na ng mga Tenebrous ang loob ng building. Hindi nila alam na may mga agents na naghihintay na sa kanila doon at nakahandang atakihin sila. Ngunit napukaw ang aking atensyon nang may itim na motorsiklo ang nagpark sa harap ng lumang gusali. He's riding a black NCR M16. And I don't need to have a clearer view to know that it's him. He's not wearing a helmet, like I expected. He will always be the reckless Radimir Henderson.

Nakasuot siya ng itim na leather jacket at itim na jeans. What's with the color black? Bago siya pumasok ay inilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng gusali. Naririnig ko na ang mga putok ng baril at mga bagay na nababasag sa loob ng building. Nagsisimula na ang bakbakan pero parang wala lang ito kay Rad. He is taking his time. He just stopped roaming his eyes in the building when his eyes were fixed on me. Impossible. Napakadilim na ng gabi kaya sigurado akong hindi niya ko nakikita. Kung may makita man siyang pigura sa lugar ko ay siguradong hindi niya makikilala na ako ito.

He just stared at me like he is looking right into my soul. Then he got something from his pocket and he face it to my direction. It is a small piece of yellow paper.

It's the note. It's my note.

This is insane! Hindi niya ako nakikita panigurado iyon! May binoculars ako kaya nakikita ko siya. Tinago niya muli ang papel sa kaniyang bulsa at pumasok na siya sa loob.

My heart is pounding so hard I think it might jump out of my rib cage. Sweat is dripping from my face even if the night is cold. The shining stars felt dull before my eyes.

Rinig na rinig ko ang sigaw ng mga away pero wala talaga akong ideya sa kung ano ang nangyayari sa loob. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Kinakabahan ba ako dahil baka pumalpak ang plano namin? O kinakabahan lang ako dahil alam kong nandito si Rad?

At bakit naman ako kakabahan kung nandito siya? The Old Eve will be scared. The Old Eve will tremble before him.

But not me. Not anymore.

Ilang minuto na akong naghihintay na may Tenebrous na makakaakyat dito sa rooftop para magawa ko na ang plano. Alam kong sa lahat ng agents ay si Radimir ang pinakamalakas at pinakamatapang. Malaki ang tyansa na siya ang Tenebrous na makakalagpas sa mga agents ng Safronov at makakaakyat dito sa rooftop. Pero umaasa ako na sana huwag siya. Sana iba na lang.

Ngunit mukhang hindi dininig ng langit ang hiling ko.

Bumukas ang pinto at nandoon na nga ang taong hinihiling ko na huwag sanang pumunta dito. The Old Eve will tremble upon seeing him. The Old Eve will have her sweats dripping from her face in front of Rad--

Naistatwa ako nang maramdaman kong may pawis na tumulo mula sa aking noo. Pinunas ko ang aking palad sa noo ko at basang basa ito ng pawis. Hindi rin nakaligtas sa aking mga mata ang panginginig ng tuhod ko pati ang mga daliri ko ay nanginginig rin.

No matter how many times I tell myself that I'm not the Old Eve anymore – Truth is, I'm still the same. I'm still the Eve Williams who will tremble before this man. I am still the same Eve who will be affected by his presence no matter how hard I try not to be.

I swallowed the realization and ignored it. I stared at Rad and gave him my flirty smile.

"Long time no see, dummy. Miss me?"

"A lot." I cannot read his expression. There is so much emotion in there. Anger. Longing. Hatred.

"Too bad. I don't feel the same way." Humakbang papalapit sa akin si Rad at sinarado niya ang pinto gamit ang kaniyang paa. Muntikan na akong mapalundag sa sobrang lakas ng pwersa. Nilock niya ang doorknob na hindi pa rin binibitawan ang titig sa akin. Biglang lumundag ang puso ko sa kaba kahit hindi naman dapat.

"We're alone and no one will disturb us. Care to explain now?" I combed my fingers between my hair acting flirty towards him.

"I have nothing to explain dummy."

"Oh yeah, you have nothing to explain? After you escaped from me. After you tricked me!" This is one of the times when I see true anger in his eyes. His fists were clenched. I'm definitely sure the lion inside him is roaring right now.

"After I TRICKED YOU? Huwag mong baliktarin ang sitwasyon Radimir!"

"Hindi ko binabaliktad ang sitwasyon Eva! You used me to escape! You know that I have feelings for you! You know I will do anything to protect you! You know---"

"I know." He paused, surprised by my words. "I know that you planned all of it. I know that everything is just an order from King Azrael Tenebrous."

Ang kaninang walang emosyon niyang mukha ay gulat na gulat na ngayon. Hindi niya na napigilan ang kaniyang sarili na lumakad papalapit sa'kin habang umaatras naman ako.

"Eva you're wrong. It's just---"

"Stop!" Bigla siyang huminto sa paglalakad. "Move closer and I swear, I will jump from this rooftop."

Natataranta na ngayon si Radimir. At sa unang pagkakataon, nakita ko siyang hindi niya alam kung ano ang gagawin. Para siyang isang leon na biglang sinugod ng isang mangangaso sa kaniyang gubat.

"Eva, mali ang iniisip mo."

"Really, Rad? Alin sa mga iniisip ko ang mali? Yung sinabi mo na madali akong lokohin? Yung sinabi mong nabilog mo ako na hindi ka man lang pinagpawisan? Tell me Rad, saan sa mga iyon ang hindi ko naintindihan?"

"Everything, Eve! Everything!"

"Ikaw ang hindi nakakaintindi Radimir. Bisto ko na ang plano niyo. Buking na kayo."

"It's not like that! Hindi totoo ang sinabi ko sa hari. Inaamin ko inutusan niya ko na paibigin ka. Pero walang kinalaman iyon sa mga pinapakita ko sa'yo Eva. You tamed the lion inside me. You make me feel emotions I never thought I am capable of having." Gusto kong matawa ngayon kay Radimir. Akala niya ba maniniwala ako sa mga kasinungalingan niya?

"So sinasabi mo sa'kin ngayon na nagsisinungaling ka sa hari niyo, at nagsasabi ka ng totoo sa'kin?"

Ilang segundo pa siyang nag-isip bago siya sumagot. "Yes."

Tumawa ako sa sagot niya. Hinawakan ko ang aking tiyan dahil hindi ko na talaga mapigilang matawa.

"Ineexpect mo ba na maniniwala ako sa'yo Rad? Sinasabi mo sa'kin na nagsinungaling ka sa isang hari na pinaglilingkuran mo at kumupkop sa'yo mula nang maging ulila ka, at nagsasabi ka ng totoo sa isang babaeng tinuturing mong kaaway. I know I was stupid to believe you before, but I'm not that stupid to believe you again."

Imbes na ipagtanggol niya ang kaniyang sarili sa akusasyon ko ay ngumiti lang siya sa akin. Yung ngiti na nakakatakot. Yung ngiti ng isang leon kapag nakuha niya na ang kaniyang biktima.

"So you're telling me that you believed me?"

"BEFORE." Matigas kong sagot sa kaniya.

"Pero pinaniwalaan mo pa rin ako. Napaniwala pa rin kita."

"At hindi na muling mangyayari yun."

His gaze travelled all over my face until it paused on my lips. "Then let's make it happen again."

Muli siyang naglakad papalapit sa akin habang paatras ako nang paatras.

"I said stop Radimir!" Ngunit hindi siya nakinig sa akin, patuloy pa rin siya sa paghakbang.

"Sorry Eva, my feet won't let me stop. My arms are asking me to wrap them around your waist. And my lips are begging me to kiss you right now."

Held CaptiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon