Chapter 72-Saving Her Romeo

1.5K 41 10
                                        

Chapter 72

Don't go to Lieutenant Street. It is a trap. –Eve

Nakatitig ako sa note na nasa aking kamay habang nagmamaneho ako ng aking McLaren F1. Kanina ko pa sinusundan ang itim na NCR M16. Sinisiguro kong may tatlong kotse sa pagitan naming dalawa. Kumukuha ako ng tiyempo kung paano ko mabibigay ang note sa reckless driver nito na hindi ako nakikita.

Sa wakas ay nagpark siya sa harap ng isang lumang gusali. Pinark ko rin ang aking kotse sa isang tagong lugar. Doon sa kabilang kalsada, yung hindi niya nakikita. Pumasok siya sa building at iyon na ang naging pagkakataon ko.

I went out of my car and walked towards his motorcyle. Inipit ko doon ang note. Agad akong bumalik sa loob ng aking McLaren. Naghintay lang ako ng ilang minuto sa kotse ko hanggang sa lumabas ang taong iyon sa building.

Even if I was far away from him, I could still detect the danger radiating from him. His eyes promised death and blood. His facial expression was hard as a stone.

Nang makalapit siya sa kaniyang motorsiklo ay napansin niya yung note. Nakahinga ako nang maluwag. Binasa niya ito at bigla na lang niyang nilukot. Nilaglag niya lang iyon sa daan tsaka niya tinapakan.

Pinigilan ko ang sarili ko na lumabas sa aking McLaren at sugudin siya. Don't tell me he will just ignore my warning? Uh-huh. Bumabawi sa akin ang leon na to. Hinihigitan niya ang pride na pinakita ko dati.

Nag-init ang ulo ko nang kaswal lang siya na sumakay sa kaniyang NCR M16 at nagmaneho na. Agad kong inistart ang engine ng aking kotse at sinundan siya. But this time, I didn't manage to hide. Nasa mismong likod na talaga ako ng motor niya kaya agad niya kong napansin. He scowled when he saw my car. Masbinilisan niya pa ang pagmamaneho para makalayo sa akin.

Huh. Fat chance. Hindi kita papakawalan ngayon.

Binilisan ko rin ang aking pagmamaneho. We were having a race on the road. Breaking rules was not my thing, I know, but this man was just destroying all my principles. Alam kong gusto niya kong dalin sa Tenebrous, pero mukhang may iba siyang misyon ngayon kaya siya mismo ang lumalayo sa akin. Of course, he would come to me if his time was free again. Note the bitterness of my inner voice.

Napunta na kami sa isang kalsada na walang masyadong dumadaan. Patuloy siyang tumatakas. Pero kapag binibilisan niya ang paandar niya ay masbinibilisan ko pa. Pinaharurot ko ang aking McLaren hanggang sa mas-abante na ako kaysa sa kaniya. Tsaka ko hinarang ang aking kotse sa dadaanan ng kaniyang motorsiklo kaya napapreno siya. Halata ang pagkairita sa mukha niya.

Huminga ako nang malalim. Naglakas loob akong lumabas ng kotse at harapin siya. Bumaba rin siya sa kaniyang NCR M16.

"You, dummy, I told you not to come."

Tinaasan lang niya ko ng kilay. "Why do you care anyway?"

"It's a trap."

"Coming from a lady who once lured me in a trap." Walang emosyon niyang tugon. Sumakay na ulit siya ng kaniyang motorsiklo.

Naiirita akong naglakad sa direksyon niya. Kwinelyuhan ko siya tsaka ko siya hinila pababa sa kaniyang motorsiklo.

"RAD! IT'S A TRAP! Kailangan mo pa ba talagang ipahamak yang sarili mo? Will you please stop being so stubborn?" Hindi ko namamalayang sobrang higpit na pala ng kapit ko sa kwelyo niya.

He just smirked at me. "Ano naman sa'yo kung mapahamak ako? Why will the captive care for her kidnapper?"

Lumuwag ang kapit ko sa kwelyo niya. Hindi ako nakaimik. Pakiramdam ko ay namula yung pisngi ko. Tuluyan ko na siyang binitawan at humakbang paatras sa kaniya.

Held CaptiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon