Chapter 42-Mission Accomplished

1.5K 53 17
                                        

Chapter 42

Nag-init ang mga pisngi ko sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Radimir. Nakakainis lang dahil hindi ko mapigilang isipin ang mga sinasabi niya.

"I said don't move Rad!" Patuloy pa rin siya sa paghakbang habang patuloy pa rin ako sa pag-atras. Napakabagal naming kumilos, para bang ayaw madaliin ni Radimir ang sandaling to. Kinuha niya ang aking note sa kaniyang bulsa at hinagis ito sa ere.

"Now I have come to get you, baby." Binigyan niya ko nang mapanuksong ngisi.

"Oh so you really want me dead?" I gave him back his smirk. "Your wish is my command."

Tumalikod ako sa kaniya at tumakbo papunta sa gilid ng rooftop. Sumampa ako sa pasamano.

"Eva, don't!" Humarap ako sa kaniya at kitang kita kong nag-aalala siya. Gusto kong matawa sa mukha niya ngayon pero pinigilan ko ang sarili ko. Ano ka ngayon, Rad? Natatakot ka na bago mo pa ko mapatay ay papatayin ko na ang sarili ko? Nag-aalala ka na hindi mo na magagawa ang misyon na inutos sa'yo ng hari niyo?

Itinaas ko ang aking mga kamay, pantay lang sa aking balikat. Natatarantang tumakbo papalapit sa akin si Rad pero pinigilan ko agad siya.

"Sige, lumapit ka Radimir at hindi ako magdadalawang-isip na tumalon sa building na to." Naistatwa siya sa kaniyang posisyon. Isang hakbang na lang ay mahuhulog na ako sa napakataas na gusaling ito.

"Okay, I'm not moving Eva. I'm staying here in my position. So please, step away from there. For goodness sake, you will fall!" Nag-eenjoy akong panoorin ang leon na matakot at pagpawisan.

"Why are you afraid now, Asad of Tenebrous?" Nang-aasar yung tono ko at tuwang tuwa ako na siya naman ngayon ang pinaglalaruan ko.

"How many times should I tell you Eva!? I'm afraid of losing you!"

"Or afraid of disappointing King Azrael?"

"Eva—"

"Good bye dummy." Humakbang ako paatras at wala nang natapakan ang mga paa ko. Bago pa ako tuluyang mahulog sa rooftop, ay kitang kita ko ang mukha ni Radimir na punong puno ng takot.

Habang nararamdaman ko ang hangin na sumasampal sa aking katawan ay naririnig ko ang pagtawag ni Rad sa pangalan ko. Halos mamalat na siya sa kakatawag sa akin.

Is your fear still part of your stupid plan, Rad?

Naramdaman ko na ang katawan kong tumama sa malamig na tubig. Hinanda na namin kanina ang malaking drum na ito na punong puno ng tubig. Ito yung sasalo sa akin sa pagtalon ko. Hindi ko inangat ang ulo ko pero tinignan ko si Radimir na nakalublob pa rin ang buo kong katawan. Tanging ang buhok ko lang ang lumulutang sa tubig.

Hindi ko siya marinig pero sa paggalaw ng kaniyang bibig ay alam kong sinisigaw niya ang pangalan ko.

Eva!

Marahil ay hinihintay niya na iangat ko ang ulo ko para malaman niyang buhay pa ko. Huh, Manigas ka diyan Rad!

Kinuha ko ang supot ng dugo na nakatago dito sa drum. Nakatali ito sa isang bato para hindi lumutang. Kinuha ko ang kutsilyo na nakatago sa aking boots at hiniwa ang supot. Kumalat ang dugo hanggang sa maging pula ang tubig. Ngayon iisipin niyang dugo ko ito at aakalain niyang patay na ko.

Muli kong sinilip si Rad ngunit malabo na ang aking paningin dahil sa pula na ang tubig. Nakita ko inuumpog niya ang kaniyang ulo sa semento. Sinasabunutan niya ang kaniyang sarili habang tinatawag ang pangalan ko. Eto ang unang pagkakataon na nakita kong nawala ang angas ng leon. Malayo na siya mula sa akin kaya hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko o dinadaya lang ako ng aking paningin.

Held CaptiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon