Chapter 1- Promise

9.2K 149 50
                                        

LOVE LETTER

"Ayoko niyan mga korni nakasulat diyan!"

CHOCOLATES

"Ayoko niyan baka may lason yan!"

ROSES

"Ayoko niyan baka matinik ako!"

HARANA

"Ayoko ko din hindi na uso yan!"

REGALO

"Mas ayoko niyan baka may bomba pa yan sa loob!"

"Eh.. Anong gusto mo?"

"Ang gusto ko ay pagsilbihan mo ako.

    This is work of fiction. Any characters, events, names, place, works, living and non-living are just created from an author's imagination. The same place, things and personalities that are mentioned are coincidental.

Plagiarism is a crime! All rights reversed. No part of this story may reproduce in any manners without prior notice from the author.

Book 1 -Falling for Heartless

Book 2 -Courting the Heartless

Book 3 -Chasing the Heartless


¤¤¤¤ TEEN DRAMA NOVEL ¤¤¤¤




RAINE'S POV

Papasok na ako sa gate ng school nang may biglang sumulpot na matangkad na lalaki at tahasang hinarangan ang dinadaanan ko.

Ang aga-aga ay may nangugulo na naman sa akin. Bagot akong itinaas ang paningin ko sa mukha ng lalaking humarang sa akin.

"Hi Raine." bati niya.

"What?"

"Gusto ko sanang ibigay ang Love letter na ito sayo." sabay abot sa akin.

Hindi na bago sa akin ang makatanggap ng Love letter kaya tinanggap ko narin ito. Mismo sa harap niya ay binasa ko ang alay niyang liham. Namangha ako sa galing niyang sa paglahad ng damdamin at pagpuri sa akin. Matapos kong basahin ay kinuha ko ang pentel pen na nasa bulsa ko at may sinulat sa likod ng Love letter niya.

Ang sinulat ko ay "FAILED."

Sabay balik sa kanya.Gulat siyang napatingin sa akin.

"Bakit failed ang nakalagay dito?" malungkot niyang tanong.

"Ang ibig sabihin niyan ay basted na kita!"

"Bakit may mali ba sa Love letter ko?"

"Wala."

"Pero bakit?"

"Ayoko ko kasi sa lalaking bukas pa ang zipper eh."

Nataranta siyang tumalikod sa akin at naging abala sa pag-aayus ng zipper niya. Hindi na nahiya! manliligaw na ngalang bukas pa ang zipper. Sino ba naman ang babaeng sasagot sa kanya? Napailing ako at matapos ay iniwan ko siya.

"Hoy teka hindi pa tayo tapos!"

Nagpatuloy ako sa paglakad at hindi ko siya pinansin. Wala akong oras sa mga manliligaw lalo na sa mga walang kwentang lalaki. Nang malayo na ako sa lalaking iyon ay natigilan ako sandali nang bigla kong maalala ang usapan namin ng bestfriend kong si Denise.

Panay ang tingin ko sa relo upang malaman ang oras dahil medyo mataas na ang araw hanggang ngayon hindi parin siya dumadating. Nasaan na ba ang babaeng yon? Sa paghihintay ko sa labas ng gate ay malayo palang ang nasilayan ko na ang mortal kong kaaway napapalapit na si Margarette.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon