Chapter 37- Hacked

1.5K 36 2
                                        

MARCO'S POV

Sa sala, pinagmamasdan ko si Ryan na abalang hila ang malaking maleta niya na mula sa kwarto ko.

"Wala na akong kasama sa kwarto."

Napakamot siya sa ulo. "Eh.. Si Erpat kasi minsan madaling magalit sa akin, tapos mga ilang araw makikipagbati na ulit."

"Sila pa talaga ang makikipagbati sayo huh..."

"Alam mo na kaisa-isang anak eh..." natatawang wika.

"Spoiled ka rin!" singal ko.

"Sayang, hindi ko naabutan ang daddy mo."

"Busy 'yon sa pagpapayaman, baka sa isang lingo pa 'yon uuwi."

"Ganun ba sige Boss, Maraming salamat sa pag-aalaga sa akin... hinding-hindi kita malilimutan."

"Tangina mo, cheesy mo!"

Dumating ang mommy at daddy ni Ryan.
"Hello po." mukhang mababait naman ang mga parents ni Ryan.

Ramdam ko tuloy na si Ryan ang may problema, hindi ang parents niya.

"Iho, Maraming salamat sa pag-aalaga sa aming anak na makulit." mommy ni Ryan.

"Wala po 'yon tita, masaya rin po akong tumira siya dito.. kahit paano may nakakausap din ako."

"Hindi ba siya nakaperwesyo dito?" tanong ng daddy ni Ryan.

"Ah.. mabait po si Ryan dito, inalagaan nga niya ako noong may sakit ako."

Napangiti si Ryan sa mga parents niya. "Sinabi ko sa inyo Daddy, Mabait ako dito." pagmamayabang niya.

Natawa ako. 

"Sige Marco.. kailangan na naming umalis, maraming salamat sa lahat." daddy ni Ryan.

"Walang anuman po tito."

Nginitian ako ng mga mag-asawa.
"Salamat Boss. Alis na kami." nakangiting paalam niya.

"Sige ingat."

Habang pinagmamasdan ko si Ryan kasama ang mga parents niya. Hindi ko maiwasang maingit kitang-kita na mahal na mahal siya ng parents niya.

Mabuti pa si Ryan kompleto pa ang pamilya niya. Samantalang ako, impossible nang magkaroon ng buong pamilya.

Pumunta muna ako sa kwarto para mag open ng facebook account kasi medyo matagal-tagal narin hindi ko nabubuksan iyon.

"Meron pala akong friend request."

Margarette Jane Villamor

Accept I Decline

Napangiti ako bigla. "Isang school bully... nagfriend request sa akin." natatawa ako.

Tinignan ko muna ang profile niya at binasa. Napansin ko na halos lahat ng picture niya ay kasama ang mga bestfriends na katulad rin niyang bully din.

Napabuntong hininga ako. I-accept ko nalang. Baka isipin niyang maarte ako.

"Friends lang naman sa facebook, hindi naman sa real life."

Hinanap ko narin ang facebook ni Raine para may idea ako kung ano ba siya sa social media. Nahirapan akong makita ang facebook account niya kasi ang profile name niya ay Raine Alexandra Plamonte.

"Ang kompletong name pala niya ang ginamit niyang profile name."

Napansin kong walang nakalagay na ADD FRIEND sa profile niya. Pina-privacy niya para walang mag-add ng friend request sa kanya.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon