Chapter 6- My revenge

2.7K 62 12
                                        

MARCO'S POV

Rinig na rinig ko ang usapan nilang dalawa ni Denise. Nakakaasar bakit sa lugar pa ulit kami nagkita. Minanalas nga naman. Nakakabadtrip siya, sobrang yabang niya kung makaasta. Kung makatingin siya sa akin parang siya ang reyna dito. Graveh sobrang sakit para akong nanghina at napasandig sa locker.

Mabuti may isang lalaking lumapit na tumulong para ipatayo ako. Medyo nakakatayo na ako kasi unti-unti ng nawawala ang sakit. Paglingon ko sa mukha ng tumulong sa akin pamilyar siya sa akin.

"Ganyan lang talaga 'yan Raine. Masasanay ka rin."

"Teka! diba ikaw yung lalaking pinagtutulongan noong isang araw?" tanong ko.

"Oo ako 'yon, ikaw din yung tumulong sa akin."

Napatayo na ako nang maayos nang nilibot ko ang paningin ko sa paligid pinagtitignan pa rin ako ng mga studyante.

"Ano'ng pinagtitingin ninyo dito? kung hindi ako makapagpigil bugbugin ko kayo!" bulyaw ko sa kanilang lahat.

"Umalis nga kayo dito mga usyoso kayo!" sigaw din ng lalaking tumulong sa akin.

Mabuti naman natakot din sila at nag-alisan. Unti-unti ng naging normal ang palibot. Ilang sandali naming pag-uusap ng tumulong sa akin napag-alaman kong classmate ko pala siya.

"Umabsent lang ako kahapon. Salamat pala pre nadamay ka pa."

"Wala 'yon." napaisip ako. "Walang hiya yung Raine na 'yon huh!"

"Si Raine? Wag kang mag-alala mas lalo mo pa siyang makikilala kapag nagtagal ka dito," humalakhak siya.

"What do you mean?"

"Mas makilala mo pa ang pagiging walang hiya niya."

"What?"

"Marahil ay bago ka pa lang kaya hindi mo alam kung sino siya dito. Si Raine Alexandra Plamonte ay kilala bilang The Heartless Girl ng school na ito."

"Ano naman kung ano siya dito?" nababadtrip pa rin ako sa babaeng yon.

"Siya lang naman kasi ang babaeng walang puso pagdating sa mga lalaking nanliligaw sa kanya."

"Wala akong pakialam kong sino ang babaeng yan!"

"Bahala ka brad." nakangiting sabi niya. Ilang saglit ay nagkipit balikat siya. "Ako pala si Ryan," pakilala niya.

Dahil tinulungan niya ako ay magpapakilala na rin ako sa kanya.

"Marco Ruiz Montellier."

Simula noon ay may kaibigan na ako dito sa bagong school at mukhang magkakasundo kaming dalawa. Nang marinig naming nagbell sabay kaming pumasok sa classroom ni Ryan.

Pagpasok pa lang namin sa classroom ni Ryan nakita agad namin ang mga nagkwe-kwentuhan naming mga classmate at nagtatawanang Raine at Denise sa bandang upuan ko. Lumapit kami ni Ryan sa  upuan ko.

Sa paglapit ko palang doon natigil sila sa kakatawa at nag-iba na ang talas ng mga mata ni Raine na nakatitig sa akin. Siya pa ang may ganang makatingin ng masama sa akin kung tutuosin inuupuan niya ang table ng upuan ko.

"Why are you here?" stricta niyang tanong.

"Upuan ko kasi yang inu-upuan mo." kalma kong sagot.

Napakunot-noo siya. "Ano'ng upuan? upuan kaya 'to ni Ryan."

Hinawakan ni Denise ang  tuhod ni Raine.

"I'm sorry Raine, akala ko kasi di na papasok si Ryan kaya sinabi kong may vacante sa tabi ko." wika ni Denise na naka-upo sa upuan niya. "Sorry rin, Ryan akala ko dika kana papasok kasi isang linggo kana absent. Nabigay ko tuloy ang upuan mo kay Marco." baling ni Denise kay Ryan.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon