Chapter 11- Margarette blackmail

2K 53 1
                                        

RAINE'S POV

Matapos ang whole day class ay tumayo na ako para lapitan si Denise

"Magaan na pakiramdam mo?" tanong ko.

"Okay na ako, salamat kanina." mahinhin niyang tinig.

"Dapat nga ako ang magpasalamat sayo. Sinangga mo yung trash can na dapat sa akin tatama."

"Ikaw lang kasi laging nagproprotekta sa akin. Kahit sa unang pagkakataon may nagawa rin ako para sa'yo." wika niya.

Kinurot ko ang pisngi niya at napangiti. "Ikaw lang kaya ang bestfriend ko dito sa mundo. Tungkulin ko ang protectahan ka. Kung wala ka, wala na rin akong bestfriend."

"Ang sweet naman ang bestfriend ko." sabay kurot niya sa pisngi ko rin.

Sabay kaming natawa dalawa sa pinagagawa namin. Inakbayan niya ako.

"Dahil sa ginawa mo kanina. Pumunta tayo ng park at mag merienda. Libre kita." yaya ko.

"Wag na hindi naman ako nagugutom."

"Duh... Eh nagugutom ako eh." singal ko.

Nang tuluyan ko na siyang hinila habang inaakbayan ako wala na siyang magawa kasi magagalit ako kung magrereklamo pa siya.

SA PARK... Habang naglalakad, kumakain ng bananaque at umiinom ng softdrinks naghanap kami ng mauupuan ni Denise. Hanggang nakakita rin kami na matatambayan at doon kami naupo.

"Naisip mo na ba ang magkaroon ng boyfriend Denise?" tanong ko.

"Bakit mo naman na tanong yan?"

"Wala lang... tignan mo nga paligid natin halos lahat may kasintahan. Eh tayo wala pa."

"Ano ka ba Raine! Hindi naman marathon ang pagkakaroon ng boyfriend."

"Kung sa bagay tama ka naman." sabay kain ko ng bananaque. "Ikaw Denise, ano bang ideal type mo? kasi ang akin matalino, mabait, masipag, malinis ang record sa school at higit sa lahat gwapo tulad ni Edward." sabi ko. Matagal siya bago nakapagsalita. Parang natutulala pa siya at tila malalim ang iniisip. "Hoy Denise!" tapik ko sa balikat niya.

Ang weird ng babaeng ito. Sa ginawa kong iyon ay tila natauhan siya.

"Ang ideal type ko, siguro kabalitaran ng ideal type mo." sagot niya.

Isang tao lang ang biglang pumasok sa isip ko. Walang iba ang lalaking loser na yon!

"Si Marco ba ang ideal type mo?!" mataray kong tanong. Sa tanong kong iyon ay bigla siyang nabulunan dahil timing niya ng pagnguya niya nang sa kinagat na bananaque. "Baliw talaga 'to! Inumin mo 'to!" inabot ko ang softdrinks na hawak ko.

Mabilis niya iyong inunom. Nang makahinga na siya saka pa nagsalita.

"Ang galing mong mag-isip huh! Si Marco agad ang na-isip mo."

"Eh syempre siya lang naman talaga ang lalaking alam kong kabaliktaran ni Edward. Yung Loser na 'yon!"

Napabuntong hininga si Denise. Well totoo naman ang sinabi ko. Si Marco lang naman ang kabaliktaran ni Edward. That's why I hate him!

Three days later... Nang tawagin ni Ma'am Valdez ang pangalan ni Marco sa attendance at may sumagot na absent. Napansin kong malungkot na napatingin si Denise sa umpuan ng loser na si Marco.

"Na-mimiss mo ba ang sitmate mo Denise?" tanong ko.

Napalingon siya. "Hindi huh. Bakit ko naman siya mami-miss?" mukhang nagmama-angan pa siya.

"Bakit ang lungkot ng mukha mo?"

"Wala 'to... nagugutom lang ako, kaunti lang nakain ko kaninang umaga." malungkot niyang tinig.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon