Chapter 4- Troublemaker

2.9K 70 9
                                        

MARCO'S POV

Labag sa kalooban ko ang mag aral dito sa Elite Central High, wala akong choice dahil sa blackmail na ginawa ng dad ko, napilitan akong pumasok dito. Ilang sandali sa paglalakad ko ay nakarinig ako ng boses na tila nag-aaway. Hinanap ko ang ingay hanggang napapad ako sa likod ng building. Nakita ko ang isang lalaking binubugbug ng tatlong lalaki.

Hindi na sana ako makikialam pero naisip ko na magandang chance na ito na maghanap ng gulo sa school para ma expel ako at hindi na makapasok. Lumapit ako sa kanila pero nang makita ko ang mukha ng lalaking binugbug nila naawa na ako at nakaramdam ng galit sa mga tatlong bully nato. Inaamin ko nambubully ako noon pero nagbago rin ako.

"Itigil ninyo yan!" pigil ko sa kanila.

Natigil sila sa pagdating ko at nang napunta na sa akin ang atensyon nila. Sininyasan ko ang binubully nila na tumakas na at mabuti ay ginawa niya at tumakbo.

"Ang lakas ng loob mong pigilan kami huh! Bakit sino kaba?" papalapit na wika ng lider nila.

Nasa likod niya ang dalawa pa niyang kasamahan. Hinagis ko ang bag ko kilid dahil alam kong mapapa-away ako sa oras nato. Simula noon nag-umpisa na akong makipag-away sa kanila.

Maraming suntok at sipa ang natamo ko. Nakuha ko pang lumaban ng una pero pinabayaan ko nalang na bugbugin ako para ma-admit ako sa hospital at di na makapasok sa school.

Ngunit nagbago ang isip ko ng may dumating na isang babae. Nakakabadtrip talaga bakit ba kapag may dumarating na babae sa buhay ko lagi nalang nauudlot ang mga plano ko.

Nang binato niya ng bato si Jeric doon sa likod ay doon na nagsimula nabaling ang atensyon ng tatlo sa kanya. Nalaman ko pangalan ng lider nila ng minsan na napatingin ako sa ID niya.

"Aray! Sinong namato?"

Hindi talaga nag-iisip itong babae na ito. Ano ba naman ang laban ng bato niya sa tatlong lalaking ito. Graveh na acting ko na nasasaktan mukhang masisira na ngayon. Hindi kinaya ng konsensya ko na madamay ang mukhang mabait din na babae kaya tumayo na ako at tunay ng nakipag laban sa kanila.

Sa dami ng mga sapak, suntok at tadyak na binitawan nila sa akin kanina, ngayon binalik ko na sa pagkakataong ito wala palang isang minuto nakabulagta na ang dalawang kaaway ko. Nangagalaiting lumapit sa akin si Jeric para suntokin ako pero nailagan ko at tinadyakan ko siya sa likod. Hindi pa na kontento ang gago at gusto pa ulit gumanti pero sa pagkakataong ito sunutok ko na siya sa mukha sabay bulagta sa lupa. Hinihingal na ako sa pagod at randam ang dumadaloy na dugo sa mukha ko.

Ilang saglit ay ang mga talunan at duwag na kalaban ko mabilis tumakbo na papalayo. Wala pala silang binatbat.

"Okay ka lang? gusto mong dalhin kita sa clinic?" lumapit sa akin ang babae.

"Pabayaan mo ko!" sabi ko para hindi siya lumapit sa akin.

Pilit akong naglalakad kahit masakit ang balikat ko. Gusto ko pang makatakas tulad ng mga kaaway ko pero bigla na lang ako nakaramdam ng paghihina at unti-unti na nagitim na ang paningin ko.


PAGDILAT ng mata ko ang una ko ng nakita ang mukha ng isang babae. Napaisip ako sandali kung sino siya hanggang naalala kong siya pala ang babaeng sumugod na tulungan ako sa mga nangbubogbog sa akin.

"Nasaan ako?" tanong ko.

"Nandito ka sa Clinic ng school." nakangiti niyang sagot.

"Okay na ako. Pwede kanang umalis." sabi ko habang nakatingin sa kabila.

"Ayoko nga! kapag bumalik ako sa room i-bubully lang ako ni Margarette lalo na absent si Raine." wika niya.

Nakakabadtrip siya. Naku matigas din pala ulo ng babaeng to.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon