Chapter 8- Baseball

2.2K 54 9
                                        

RAINE’S POV

Tumatakbong lumapit sa akin si Denise.

“Raine, anong pinag-usapan ninyo ni Marco?” tanong niya.

“We have a competition, pag nanalo siya papayag akong lumapit siya sayo pero kapag nanalo ako, lalayuan na niya tayo,” sagot ko.

Ibang ang sinabi ko kay Denise sa napagkasunduan namin ni Marco dahil ayokong malaman niya na may gusto ang Loser na iyon sa kanya.

“Ano ba iyon lang ba? Pwede naman akong lumayo sa kanya para hindi na kayo mag-away.”

“No Denise, para sa akin mukha siyang hindi mapagkakatiwalaan kaya mabuting may kasunduan kami. And I will make it sure he’s going to lose.”

Napabuntong hininga siya.
“Talaga lang huh… baka matalo ka.”

“I’m the best player sa baseball team at papatunayan ko sa kanya.” I said confidently.

“Bahala ka,” matapos ay umalis na siya at bumalik sa pwesto niya kanina.

Wala nang nagawa si Denise dahil once I decided, wala nang urongan ito. I smirked bago ako tumungo sa ground.

I picked the best player of the women baseball team at ganoon din ang ginawa niya. Marco looked serious habang naghahanap na makakasama. Marahil ay ayaw niya rin magpatalo sa akin. Ramdam kung maganda ang labanan naming ito.

Ilang saglit ay nag-umpisa na ang game at habang tumatagal ay paganda nang paganda ang labanan namin. Pareho na kami ng score na nakuha with eight points.

I thought na madali lang matatapos ang larong. I was wrong mahirap din pa lang talunin ang group nila Marco. Nagkataong kasama nila si Ryan na isa din sa pinakamagaling batter sa men’s baseball team. Nakakaasar baka matalo ang team naming sa kanila.

Dumating na rin ang pagkakataun na ang kabilang team na papalo. Si Marco ang on bat at dahil akong pitcher ay dapat ay galingan ko.

"Kapag na homerun ko tapos na ako sa'yo Raine." He smirked.

"I won’t let that happened." sabi ko.

Wag mo akong maliitin loser! Hindi ko ugali ang magpatalo nang basta-basta.
Umunat na ang balikat ko at malakas na hinagis ang bolang hawak ko sa direksyon niya.

Malakas niyang natamaan ang bola at masaya siyang nagawa iyon. Ngunit sa hindi inaasahan, ang bolang tinamaan niya ay saktong natamaan sa ulo ni Denise.

Nang makita kong natamaan  si Denise at nawalan na siya ng malay. Biglang namanhid ang kamay ko at hindi ko napansin na tumatakbo na si Marco papunta kay Denise.

Nataranta din akong tumakbo kay Denise pero bago pa ako makarating doon naunahan na ako ni Marco. Hawak na ni Marco si Denise na walang malay. Hindi ko alam ang gagawin ko at that time.

Napapaligiran na kami ng maraming tao na nakakita sa pangyayari.

“Sorry Denise!” tapik niya sa pisngi nito.

"Loser! do something this is your fault!" sigaw ko.

Habang pinagmamasdan ko si Denise ay kinakabahan ako. Is she dead?

"Dadalhin ko siya sa Clinic!" nag-alalang wika niya.

“Bilisan mo!”

Without a second binuhat na siya ni Marco at dali-dali itong tinakbo sa Clinic kasama ko na nakasunod sa din sa kanya. Dahil sa nangyari ay nakalimutan na namin ang competition naming dalawa.

Nabuwag na ang grupo at ang grupo niya.

SA CLINIC. Nang malaman ko nang malaman kong ayos na ang kalagayan ni Denise ay napanatag na ako. Salamat kay Miss Kathy ay naasikaso agad siya ng maayos.  Mabuti nalang ay walang nangyari sa kanya na masama.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon