RAINE'S POV
Bell rings... Kaya kanya-kanya ng tayuan ang mga classmates ko para makauwi at isa na roon si Marco. Bago pa siya mawala sa paningin ko ay nilapitan ko na siya.
"Loser." tawag ko sa kanya.
Seryoso siyang napalingon sa akin. "Don't call me like that!"
"Whatever..." binago ko ang topic. "Regarding sa nangyari kanina, help me to find that girl na kumuha ng picture natin."
"Picture lang 'yon, bakit pa aalamin kung sino 'yon?"
"Hindi basta-basta ang picture na yon. Sometimes, culture dito sa Elite Central High na ginagamit yon na pang-black mail." paliwanag ko sa kanya.
"Blackmail?"
Hay naku! Wala talaga siyang alam kung sabagay bago pa lang siya dito.
"Tulungan mo kong makilala ang babaeng yon, since ikaw naman nag-umpisa nun." I crossed my hand.
"Ayoko nga!" bigla siyang umalis sa harap ko dala ang bag niya.
Hay naku. Napapagod na akong makipag-away sa kanya. Bakit pa kasi nakipag-usap pa ako sa loser na yon kung from the first place ay wala naman akong mapapala sa kanya.
Napa-iling ako. Sinabit ko ang bag ko sa likod at dinala na rin ang bag ni Denise. Hindi nakapasok si Denise kanina sa last period dahil sa nangyari kaya dadalhin ko na ito papuntang clinic.
Papaliko ko pa lang ay nakabungo ko ang isang lalaki na mukhang namamadali galing clinic. Nauntog ang noo ko sa dibdib niya kaya papikit ako sandali. Medyo masakit iyon kaya napahahawak ako sa noo.
"Ouchh." daing ko.
"I'm sorry Raine." napahawak agad sa siya balikat ko.
Pagtingala ko ay si Edward pala iyon. "Edward..."
"Sorry hindi ko sinasadya." napansin kong sobrang namumula ang mukha niya.
"Are you sick?" I asked since mukhang galing din siyang clinic.
"No... naiinitan kasi ako. Are you okay now?" tanong niya.
"I'm fine... di naman masyadong masakit." sagot ko.
"Sige, pasensya na... alis na ako." namamadaling paalam nito.
Ang weird naman ni Edward. Bakit ganun na lang siya namamadaling umalis sa harap ko?
"Raine..." boses ng babae mula sa likod ko.
Paglingon ko ay si Denise na mukhang namumula rin.
"Okay ka lang Denise?" tanong ko. She looked sick too.
"Bakit?" tuluyan siyang lumapit sa akin.
"Sobrang pula ng mukha mo... may sakit ba kayong dalawa ni Edward?"
"W-wala kakagising ko lang kasi... nakita mo si Edward?" tanong niya.
Napatango ako. "Oo... nakabungo ko siya kanina, ano'ng ginawa niya dyan sa clinic?"
"Ahh.. Humingi siya ng gamot kay Ma'am Kathy. Masakit daw kasi ulo niya."
Napakagat labi siya at hindi makatingin sa akin ng diretso.
"Are you sure?" tanong ko.
"Oo... bakit?" sa mukha niya ay parang bumalik ito sa normal.
"Wala," hindi na ako nagtanong pa dahil parang ayos na siya.
"Akala ko umuwi kana?"
Binigay ko sa kanya ang bag niya. "Dinala ko para sabay na tayong umuwi."
"Thanks... Raine, Bestfriend nga kita," sabay ngiti nito.
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Novela JuvenilMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)