MARCO'S POV
Sabay kaming lumabas ni Raine ng gate para pumunta na sa school. Hanggang ngayon kahit sa breakfast namin kanina ay hindi parin siya nagsasalita o imik. Nagtataka ako ano bang nangyari sa kanya.
Pumunta kami sa kanto para pumara ng jeep. Sa pagsakay naming dalawa ay hindi na naman siya tumabi sa akin sa pag-upo. Nakarating kami sa school at ganoon parin siya walang imik dahil hindi ko na kinaya, nagtanong na ako.
"Malditang pangit! Bakit parang napipi ka ngayon?" tanong habang papasok ng gate.
"Ano'ng pipi?"
"Kahapon kapa hindi nagsasalita."
"Hindi sa lahat ng oras kailangan kong magsalita okay!" binilisan niya ang paglakad.
Hinabol ko siya para sabayan sa paglakad.
"Iniiwasan mo ba ako?" tanong ko.
Hinarap niya ako. "Bakit naman kita iiwasan?"
"Hindi ako sanay na ganito ka! Gusto mo ako na magdala ng bag mo?"
"Wag na! kaya ko na ang sarili ko." matapos ay nagpatuloy siya sa paglakad na parang walang pakialam.
Naguguluhan ako sa kinikilos niya. Palagi nalang ako napapatanong may nagawa ba akong kasalanan sa kanya.
Lunch time sa cafeteria, naghanap na kami ng lamesang mauupuan namin ni Raine. Wala si Denise dahil absent kaya kami lang dalawa ang magkasamang kumain ngayon. Nang makakita kami ng mauupuan sa corner ay doon na kami pumwesto para kumain.
"Anong o-orderin mo?" tanong ko kay Raine.
Nasanay akong magtanong sa kanya tuwing lunch para ibili siya ng tanghalian. Ako ang pumipila para sa kanya dahil yon palaging utos niya sa akin.
"Ako na ang o-order para sa akin, ikaw muna ang magbantay dito." sabi niya tapos ay umalis.
"Teka, dito ka nalang ako na ang bibili para sayo!" pahabol ko.
Lumingon siya sa akin.
"Ako na! kaya ko.. okay!" sabay talikod.
Bakit hindi na niya ako inutusan tulad ng dati? Nililito ako ng malditang pangit nato. Pagdating niya galing sa pagbili ng lunch ay ako naman ang sumunod na bumili. Sa pagbalik ko ay sabay kaming kumain. Para mawala ang katahimikan na ito ay nagtanong nalang ako.
"Bakit absent si Denise?" tanong ko.
"Nagtext siya sa akin na masama daw ang pakiramdam niya."
"Anong nangyari sa kanya?"
"Hindi ko rin alam, pero sabi niya papasok daw siya ngayong tanghali."
"Okay."
Matapos nang pag-uusap namin ay wala naman siyang imik. Nagsimula ang pagiging weirdo niya ng sinaktan siya ni Edward. Si Edward ang may kasalanan nito. Kung hindi niya sinaktan si Raine hindi sana siya nagkakaganito.
Kagagaling ko lang para mag-CR ng bumalik ako sa classroom kung saan iniwan ko muna ang Malditang pangit na nagbabasa. Pagdating ko doon ay wala na siya sa upuan ni Denise. Nasaan na naman ba nag-susuot ang babaeng yon?
Hinanap ko siya sa cafeteria, school ground at nagtanong-tanong na ako sa lahat ng classmate naming pero hindi daw nila nakita.
Napapagod na ako sa kakahanap sa kanya. Sinubukan kong pumunta sa library baka sakaling doon ko siya makita. Hindi ako nagkamali dahil naroon nga siya at nagbabasa.
Nagtago ako para hindi niya ako makita baka maudlot ang pagbabasa niya. Bakit kaya dito na siya nagbabasa sa library at hindi doon sa classroom? Napansin ko habang tumatagal ay na magkasama kami ay iniwasan na niya ako. Ayokong nagkakaganito siya.
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Teen FictionMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)