MARCO’S POV
Pagkatapos ng lunch break ay tumakas muna ako kay Raine para maka-usap si Denise. Mas gusto kong kasama si Denise kaysa kay Raine, dahil kung ang babaeng iyon ang kaharap ko ay puro utos sa akin. Gusto ko munang magpahinga.
Nakasalubong ko si Margarette kasama ang mga kaibigan niyang sina Clare at Trisha na nakasunod sa kanya na lumabas sa elevator. Hindi nila ako pinansin sa pagdaan nila.
"Teka, Margarette!" tawag ko sa kanya bago siya lumayo. Ngunit hindi niya ako pinakinggan. "Queen bully!" muling tawag ko.
Napalingon siya. “Wag mo nga akong tawagin sa ganyang palayaw!” galit na wika niya.
“Yan naman ang bagay na tawag sa'yo, queen bully.” asar ko.
Hinarap niya ako at lumapit sa akin. “Then ikaw? Loser.”
Ayoko na makipag-asaran sa kanya. Binago ko ang topic namin. “Nakita mo ba si Denise? Kanina pa ako lumilibot dito, hindi ko makita.” tanong ko.
"Pasensya na! pero hindi ako tagahanap ng mga nawawalang bata." pilosopo niyang sagot.
Lumapit ako sa kanya. "Maayos akong nagtatanong. Sagutin mo naman ako nang maayos!" mataas na tinig ko.
"Pasensya na kasi lumaki akong masama ang ugali kaya don't expect me na sasagutin kita ng maayos," sabay talikod niya.
Asarin ko kayang babaeng ito. Pabalang sumagot, parehas kayo ni Raine mga masusungit! Hinila ko ang braso niya papasok sa elevator.
"Bitiwan mo nga ako!" piglas niya sa’kin.
"Kung masama ugali mo pwes… mas lalo ako!" malakas ako sa kanya kaya madali lang sa’kin ang hilahin si Margarette sa mga kaibigan niya.
"Margarette!" gulat na dalawang kasama niya na gusto siyang tulungan.
Gusto nilang sumama kay Margarette pero pinigilan ko sila. "Makuha kayo sa tingin! Sige tumulong kayo, aabangan ko kayo sa labas!" pagbabanta ko sa mga kaibigan niya.
Lumayo sila sa elevator at tila sa natakot sa banta ko. Takot pala! Pinidot ko na ang five botton. Sa pagkakataong ito ay tuluyang sumara na ang elevator at naglakbay patungo sa 5th floor.
"Bakit ba dinala mo ko dito?!" inis na tanong niya.
"Sagutin mo ako ng maayos Queen bully. Nakita mo ba si Denise? Oo o Hindi?"
“Sa dami ng studyante dito, bakit ako pa ang tatanungin mo?”
“Diba binubully mo si Denise, baka binully mo na naman siya kaya hindi ko makita.”
Pumiglas siya sa kamay ko at tinulak ako. Napa-atras ako sa ginawa niya. Ang tapang din ng babaeng ito!
“Hindi ko siya nakita! kaya tigilan mo ko!"
“Yung lang ang gusto kong malaman, kung sinagot mo ako ng maayos kanina hindi sana ito nangyari."
"Tama nga si Raine, Loser ka nga!" inirapan niya ako.
Narinig kong tumunog na ang elevator ay bumukas na ang pintuan nito. Si Edward ang una kong nakita na nakaabang sa labas.
"Welcome back Margarette." sabi ni Edward.
Nagulat ako nang marahas na hinahin bigla ni Edward si Margarette. Palabas sa elevator.
"Hey brad! Don’t treat her like that! alam kong queen bully yan pero babae pa rin yan!" awat ko.
"Queen bully? Wag mong sabihin Marco na alam mo na binu-bully si Denise ng babaeng ito?" sabay duro ni Edward kay Margarette.
"Oo.. Bakit?" mabilis na sagot ko.

BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...