RAINE'S POV
Tanghali na ako ng lumabas ng bahay. Ang kotse na nagamit ko pagpunta ng school ay gamit ni Daddy dahil nasa out of town siya ngayon. Nagpasya nalang akong magcomute since ilang beses ko narin yun ginagawa at sanay narin ako. Paglabas na paglabas ko palang ng gate ay sinalubong na agad ako ni Marco.
"Bakit ngayon ka lang lumabas?" tanong niya.
"What are you doing here?" stricta kong tanong.
"Sabay na tayong pumasok sa school."
"Ayoko!" walang emosyon kong wika matapos ay naglakad na ako papalayo sa kanya.
Pumunta ako sa kanto at naghanap ng jeep na sasakyan. Bigla na namang sumulpot si Marco sa harap ko sakay sa motor niya.
"Ano ba! Sakay na dito, mas lalo tayong mala-late kong hindi kapa sasakay dito."
"Eh sa mas gusto kong magcommute, ano bang pakialam mo!"
"Galit ka parin ba?"
"Hindi ba obvious?" inirapan ko siya.
Nang makakita ako ng jeep na masasakyan ay dali akong pumara. Kahit medyo puno na ang jeep ay sumakay parin ako para lang makaiwas mon a kay Marco dahil hindi pa nawawala ang inis ko sa kanya.
Habang umaandar ang jeep ay napansin kong nakasunod lang din si Marco sa jeep na sinasakyan ko. Mabilis naman siyang magpaandar bakit sumusunod pa siya sa jeep ng sinasakyan ko.
Kapag hihinto ang jeep, hihinto din siya. Baliw talaga ang Loser! Ilang saglit ay nakarating din ako sa school. Papasok na nga ako sa gate ng may humablot sa shoulder bag ko. Nagulat ako kung sino ang humablot. Paglingon ko si Marco na naman.
"Ano ba bakit bigla ka na lang naghahablot ng bag?!" inis na tanong ko.
"Ako na ang magdadala nito!"
Inagaw ko ulit sa kanya ang bag ko. "Ako na ang magdadala, ako ang may-ari nito."
Kinuha ulit sa akin. Nababaliw na talaga ang Loser nato. Pinilit kong kunin pero mas malakas siya kaya hindi ko nagawa.
"Habulin mo muna ako." nakangiting aso sabi niya tapos biglang tumakbo
"Ano ako elementary para habulin ka!" sigaw ko. wala akong nagawa kundi ang tignan siyang tumakbo palayo.
Gusto ko lang naman ng space para mawala ang galit ko pero nangugulit naman siya. Napabuntong hininga nalang ako. Naglakad nalang ulit ako papunta sa classroom.
AFTER LUNCH. Nasa labas ako ng classroom at nakaupo sa bench para magbasa ng wattpad book. Mas gusto ko dito nalang umupo kaysa sa loob kasi nandoon na naman si Marco para kulitin ako.
Nasa kalignaan ako ng pagbabasa ng biglang humila sa buhok ko sa kilid. Pagdungo ko, si Marco the Loser na naman.
"Hi. Malditang pangit." nakangiting aso na naman.
Pinalo ko ang kamay niya at inirapan. Nagpatuloy ako sa binabasa ko. Bigla siyang tumabi sa akin.
"Hindi mo parin ako kakausapin?"
Hindi ako umimik. Bigla niyang inagaw ang librong binasa ko. Napapikit ako sandali at pilit na pinipigilan ang sariling makasakit ng tao. Pinilit kong pigilan pero hindi ko kinaya kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Inagaw ko ang libro at hinampas sa ulo niya.
"ARAY!!!" bigla siyang namilipit sa sakit.
"Bastos ka eh, nagbabasa ako dito masyado kang papansin!" inis na wika ko.
"Hindi mo kasi ako pinapansin."
Hindi ako nagsalita. Binigyan ko lang siya ng masamang tingin tapos nagbasa ulit. May bigla siyang nilagay na isang litrato sa harap ng binabasa ko. Picture naming dalawa na nakahandcuff kami sa school ground.
![](https://img.wattpad.com/cover/94455175-288-k70354.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Teen FictionMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...