MARCO'S POV
Natapos narin ang araw na ito at panahon ko na rin para makapagpahinga habang nakahiga sa kama. Umuwi na lahat ng bisita sina Dad at pati na rin ang kuya ni Raine na bumisita lamang.
Bumukas ang pinto ng kwarto ko at ang ulo ni Raine ang una kong nakita. Lumapit siya sa akin at tumayo sa harap ko na nakakrus ang mga braso.
"Hey Loser, parang alam ko na kung bakit ka lumayas sa inyo."
"Yun lang ba ang pinunta mo dito?"
"Lumayas ka ba sa inyo dahil may bago ng babae ang Dad mo?"
Kung kanina ay nakahiga ako, ngayon ay umupo ako sa kilid ng kama ko.
"Ano naman sayo?"
"I can say na napaka-immature mo at selfish."
Napakunot noo ako."Hindi ikaw ang nasa katayuan ko para husgahan mo ako."
"Tama ka, madali lang sa akin sabihin ito pero kung ako sayo patawarin mo na ang daddy mo."
"Pagkatapos ng ginawa niyang panloloko niya sa Mommy ko, papatawarin ko na agad. No way!"
"Ikaw narin nagsabi na nasa langit na ang Mommy mo diba?"
"Oo, nasa langit na siya."
"Sa tingin mo makakapasok ba sa langit ang kaluluwang hindi marunong magpatawad?" seryoso niyang wika.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" napakunot noo kong tanong.
"Kung nasa langit na ang Mommy mo ibig sabihin ay napatawad na niya ang daddy mo."
"Meron ka bang ebidensya na kaya kitang paniwalaan?"
"Oo, tulad ng pagpapatawad ko sayo sa mga kagagahan mo, Kung tutuosin sobrang dami ng naging kasalanan mo sa akin. Pero bakit pinapatawad parin kita, alam mo kung bakit?"
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Raine.
"Bakit?"
"Dahil ganoon kami ginawa ng Diyos, Ang mga babae ang pinaka kakaibang nilalang na nilikha ng diyos sa mundo dahil kaya naming magpatawad ng paulit-ulit kahit sobrang masakit na."
Sa binitawan salita ni Raine, hindi ko namamalayan na tumutulo na ang mga luha ko sa mata. Naalala ko lahat ng kasalan ko sa kanya simula noong una kaming nagkakilala pero hanggang ngayon nasa harap ko parin siya. Ako parin ang iniisip niya.
Nakakahiya akong na umiiyak mismo sa harap niya. Wala akong magawa kundi ang mapadungo nalang ng ulo para matago na naluluha ako sa sinabi niya.
"Kahit ano pang kasalan ng daddy mo sayo, Daddy mo parin siya. Gusto ko lang sabihin na walang perpektong parents sa mundo. Kaya patawarin mo na siya."
Bawat sinsabi sa akin laging tagos sa puso. Bakit ganito siya kabait sa akin ngayon?
"Aalis nalang ako kasi napaiyak na kita." Sabay talikod.
Hindi pa siya nalalayo ay hinawakan ko ang kamay niya. Nanatiling tikom ang bibig ko dahil hindi ko masabing kailangan ko siya. Nabigla ako nang tinabihan niya akong umupo sa kama at niyakap.
"Wag kanang umiyak pabebe boy. Nandito na si Jeje girl."
Pumiglas ako sa yakap niya. "Inaasar mo ko eh!" nakakainis na siya imbes naluluha ako bigla nalang akong nainis.
Tinawanan niya lang ako.
"Masyado kasing madrama, pinapatawa lang kita."
"Hindi ka nakakatawa! nakakaasar ka!"
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Teen FictionMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)