Chapter 64- Tears

1.1K 35 2
                                        

RAINE'S POV

Sa Hapag kainan. Nagsabay-sabay kaming kumain nila Daddy, Mommy at Marco.

"Ito na ang kape mo." wika ni Marco.

Nilapag ni Marco ang maliit na baso na pinagtimpla kong kape sa kanya mismo sa harap ko.

"Thanks." mabait kong wika.

Matapos ay tinabihan niya ako sa pag-upo at sumabay na rin na nag-almusal kasama ako.

"Diba matagal mo nang nililigawan si Raine, Marco?" tanong ni Dad.

"Opo tito."

Natigilan ako sa pag-inom ng kape. Biglang pumasok sa isip ko na tatlong araw nalang pala ay matatapos na ang CMI30 ko kay Marco.

"So ano Raine? May pag-asa ba si Marco para sa bestfriend mo?" tanong ni Mommy.

Sa tanong ni Mommy ay hindi ko maintindihan pero bigla nalang ako nakaramdam ng lungkot. Napalunok ako.

"Well, ako na ang bahala kay Marco." Wika ko sabay baling kay Marco na nakatingin din sa akin.

Umiwas agad ako ng tingin sa kanya dahil bigla nalang ako nailang sa mga titig niyang para bang nang-aakit sa akin.

"Kung ano man ang maging desisyon mo.. maghihintay ako." wika niya.

"Dapat lang na maghintay ka." patuloy akong uminom ng kape.

"Sana hindi masayang ang pagod ko sayo."

Nakaramdam nalang ako nang lungkot sa dibdib sa tono ng pananalita niya ay parang konsyensya ko na kung hindi ko siya sasagutin.

"Kung ano man ang desisyon mo Raine anak, sana ay gawing mong maayos." Wika ni Dad.

"Tama, kung karapat-dapat ba si Marco para kay Denise." Si Mommy.

Parang gusto ko nang umalis sa usapan na ito dahil para akong napre-pressure sa mga salita nila.

"Wag po kayong mag-alala Tito at Tita, matalino si Raine kong ano ang tama. Diba?" tanong ni Marco.

"Alam ko ang ginagawa ko." sabat ko.

Matapos kong ubusin ang kape na iniinom ko ay tumayo na agad ako. Kinuha ang bag ko sa katabing upuan.

"Dad, Mom at Marco.. mauna na ako." Sabay alis.

"Teka sabay tayo Raine!"

Lumingon muna ako sandali. "Mauna na ako kasi hindi kapa naliligo may pag-uusapan pa kami ni Edward sa school." sabi ko sabay alis.

Sa paglabas ko ng pinto ay nagpasya na akong kailangan ko ng unti-unting lumayo kay Marco para dahan-dahan din akong masanay na wala siya sa tabi ko since kung tutuosin deserve niya ang bestfriend ko na maging girlfriend niya. Ayoko ko rin na magkaroon ng feelings kay Marco dahil ang gusto niya naman talaga ay si Denise at hindi ako.


SA SCHOOL. Kakarating ko lang sa classroom nang dumating si Edward na pumasok galing sa pintuan. Nasa upuan ako nakaupo nang lumapit siya sa akin.

"Good morning." nakangiting bati niya sa akin.

"Good morning din."

"Nareceive mo ba ang message ko?"

"Yes, kaya maaga ako dito." Sagot ko.

"Pasensya na kung hindi ko nasabi sayo kahapon na meron tayong meeting tomorrow."

"Okay lang, ngayon alam ko na." mabait kong wika.

Tumabi siya sa katabing upuan ko. "Sorry talaga kahapon." malungkot niyang wika.

"Kalimutan mo na 'yon, ganoon talaga ang buhay.. hindi lahat ng bagay sa mundo ay para sa akin."

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon