Chapter 44- Visit

1.1K 28 0
                                        

MARCO'S POV

Sa night club. Kung saan maingay ang paligid at maraming taong nag-iinuman. Mabuti nakagawa ng peke id para makapasok siya dito kahit minor pa siya.

"Cheers!" wika namin dalawa ni Ryan.

Tinaas namin ang baso bago ininom. Dahil sa pinatawad na ako ni Raine ay nagpasya kaming magcelebrate at libre ko ang gastos.

"Ang galing mo boss, kung ako 'yun hindi ko gagawin yon." si Ryan.

Napangisi ako. "Maski ako hindi ko akalain na magagawa ko iyon. Nilakasan ko nalang loob ko." sabay inom ng drinks ko.

"Graveh talaga si Raine, hindi ko akalain na maiisip niya ang lahat ng 'yon."

Huminga ako nang malalim. "Siguro gano'n talaga siya. Hindi Raine ang isang Raine kapag hindi magaling magisip."

"Paano na 'yung mission na paibigin siya, mangyayari pa ba yon?" tanong niya.

Napakamot ako sa ulo. "Ewan ko pre, habang unti-unti ko siyang nakikilala ay parang ako na ang nahuhulog sa kanya."

"Wag kang magsalita ng ganyan Boss!"

"Bakit?"

"Kapag nalaman niyang unti-unti ka ng nagkakagusto sa kanya, lalaki ang ulo nun at dadating ang araw na baka ikaw! isa kana rin sa listahan ng mga lalaking sinaktan niya."

Ewan ko ba kung anong magiging pakiramdam ko sa sinabi ni Ryan. Matutuwa ba ako o masasaktan. Nakakalito.

"Parang lang naman, hindi ko sinabing gusto ko na siya... Iba pa rin si Denise sa kanya. Si Denise wife material, si Raine bully material ang masaklap nga lang, ako pa ang naging target."

"Binibigyan lang kita ng warning.. marami na kasing nanligaw sa babaeng yon, ni isa walang pinatulan."

"Okay.. naiintindihan na kita," sabay inum namin ng drinks.

Ilang sandali tumunog ang cellphone ko. Dinukot ko muna sandali ang phone ko sa bulsa.

Malditang pangit is calling... Bakit kaya siya tumawag? Sinagot ko na lang.

Me : "Hello?"

Her : "Nasaan kaba ngayon?"

Me : "Nandito sa bahay namin." pagsisinungaling ko.

Her : "Wag mo akong lokohin Marco! Nasa bar ka noh? Magsabi ka ng totoo?"

Me : "Na miss ko lang kasi ang lugar na ito hehehe."

Her : "Umuwi ka na! Maaga pa tayo bukas."

Me : "Huh? Bakit saan ba tayo bukas?"

Her : "Bibisitahin natin si Denise sa bahay nila bukas. Nagkasakit daw siya kaya hindi nakapasok kanina."

Kaya pala absent si Denise ay dahil nagkasakit pala siya. Mabuti narin na absent siya kasi hindi niya nakita an ginawa ko. Nakakahiya.

Me : "Okay, uuwi na ako."

Her : "Siguruhin mo huh? Ayokong malate ka bukas dapat mga 8:00 am nandito ka na."

Me : "Okay, Okay... Yes ma'am."

Her : "Duh. Ba-bye."

Sabay putol sa linya.

End call...

Binababaan agad ako ng phone, hindi manlang akong nakapag-goodbye. May pagkamasama talaga ang ugali niya. Bumaling nalang ulit ako kay Ryan.

"Sino 'yon?" tanong niya.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon