Chapter 18- Plate number

1.8K 42 3
                                        

MARCO'S POV

Sobrang bilis tumakbo ni Raine kaya mas binilisan ko rin ang paghabol sa kanya. Akala mo makakawala ka sa akin babae ka huh! Nang malapit ko na siyang maabutan ay hinawakan ko ang agad ang kamay niya.

"Huli ka!" gulat ko sa kanya.

"Bitiwan mo nga ako!" mahigpit kong hinawakan kamay para di na makapiglas pa.

"Ano'ng bitiwan? Sabi mo ihatid kita sa bahay ninyo."

"Nagbago na ang isip ko! simula nang pina-ulan mo ko!" sabay inis na pumiglas  sa akin.

Ngayon ko lang nalaman na pikunin pala ang babaeng ito, parang 'yon lang ay nagalit agad. Inagaw ko sa kanya ang payong ko.

"Ihahatid kita." sabay hila ko sa kanya habang pinapayungan ko siya. Kailan kong mabait sa kanya dahil para hindi na ulit kami magkagulo pa.

Pumiglas siya sa kamay ko. "Pwede mo kong payungan, pero di mo na kailangang na hawakan ang kamay ko."

Ang arte naman ng babaeng ito.

"Hinawakan ko kamay mo, kasi baka tumakbo ka na naman!"

“Hindi na ako tatakbo. Okay, 'wag mo lang hawakan ang kamay ko.”

Ang arte talaga ng babaeng ito! Ano'ng tingin niya sa kamay ko may germs? Napa-iling na lang ako.

Pinayungan ko na siya. “Yes, ma’am.” sabi ko at dinala ko na ang ma-arteng babaeng ito sa garage kong saan nakaparada ang motor ko.

Pinasok ko ang pinilo kong payong sa loob ng motor. Pagbaling ko kay Raine ay nakita ko siyang seryosong pinagmamasdan ang plate number ko. Tang-ina bigla akong kinabahan!

“Ano'ng tinitignan mo dyan Raine?” tanong ko.

“Parang pamilyar itong plate number mo.” napatabingi pa siya ng mukha na tila may iniisip.

“Ano?” napalunok ako.

Tinignan pa niya ang helmet ko. Ilang saglit nagsimula nang manlisik ang mata niya sa akin. Sinasabi ko na nga ba, ma-aalala na niya!

"Ano galit ka na naman sa akin?" tanong ko.

"Ikaw 'yong lalaking bumasa ng uniform ko tapos inuntog ang noo ko habang nakahelmet?"

"Ano'ng pinagsasabi mo?" pagma-maangan ko.

Napatingin ulit siya sa kulay blue ko na helmet.

“Kulay blue din ang helmet nun eh.”

“Maraming ganyang kulay na helmet.” dahilan ko pa.

"Umamin kana... habang mabait pa ako ngayon." pananakot niya.

Tangina naman oh! Bakit ba kasi sa lahat ng babae ang unang liligawan ko, siya pa tong nabasa ko ng ulan noon. Naalala na niya ang atraso ko noon! Ang malas ko naman!

"Oo na… Inaamin ko, Ako ang nagtalsik ng tubig ulan sa'yo pero hindi ko naman sinasadya 'yon." sinabi ko na ang totoo para hindi na magkagulo pa. "Sorry Raine."

Kahit na magsinungaling pa ako. Alam kong gagawa pa 'yan ng paraan para mapa-amin ako. Pinagsisihan ko naman 'yon.

Matagal siya bago nakapagsalita. "O sige.. Pinapatawad na kita. Basta wag mo nang gagawin ulit 'yon! Pinaka ayaw ko sa lahat ay nadudumihan ako."

Unti-unting lumaki ang ngiti ko. Himala naging mabait ang malditang pangit.

"Salamat, sinasabi ko na nga ba na may mabuting ka pa ring kalooban Raine... I love you."

Loko ko lang ang I love you para malaman ko ang magiging reaksyon niya. Natigilan siya at nagkatitigan kaming dalawa sa mata.

"Di mo ko maluluko ng ganyan Loser! I love you mo mukha mo!"

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon