MARCO’S POV
Habang nasa upuan ako at pinagmamasdan si Denise na hawak ang phone. Hindi ko maiwasan na pangarapin siyang maging girlfriend. Napakasimple niya babae, bukod sa maganda, mahinhin, matalino ay ubod pa ng bait.
Kanina binigyan pa niya ako ng puto, sobrang sarap pala niyang magluto nun. She’s a wife material. Sayang lang kasi balakid ang beshie niyang palagi akong pinagtri-tripan.
Napalingon ako kay Raine sa likod na tahimik na nagbabasa ng libro. Pinagmasdan ko siya hanggang sa natigil siya sa pagbabasa at lumingon sa akin.
“Anong tinitingin mo dyan?” stricta niyang tanong.
Titignan lang nagagalit na. Tumalikod na ako at kakalimutan na tumingin ako sa kanya.
Sino ba naman ang magkakagusto sa babaeng ganyan? Sobrang sungit, parang tumingin lang sandali akala niya may balak na akong masama sa kanya.
"Raine, pupunta muna ako sa Clinic." paalam ni Denise.
"Papasyal ka naman doon?" tanong ni Raine.
“Oo, Raine.”
"O sige ingat. Matutulog din ako dito."
"Ba-bye.. Gigisingin lang kita mamaya." dabay alis ni Denise.
“Okay.” paalam ni Raine.
Aalis si Denise, gusto kong sumama. Tumayo ako para makahabol sa kanya.
"Saan ka pupunta?" boses ni Raine.
"Pwedeng sumama kay Denise."
"No.. dito ka lang sa tabi ko."
"Matutulog ka naman huh.. " reklamo ko.
"Bantayan mo kong matulog tapos kapag may maingay patahimikin mo." utos niya.
"Ano ako katol? Tagabugaw ng mga lamok na maiingay."
"Bakit may problema?" binigyan niya ako nang masamang tingin.
Kahit kailan hadlang talaga si Raines a lovelife ko.
"Okay.. hindi ko ba nasabi sayo na pinaglihi ako sa aso taga bantay."
"Duh…Your joke is not funny." tapos fake smile at dumungo na para matulog sandali.
Wala akong nagawa kung hindi ang bantayan siyang matulog. Bakit ba ginagawa to! Lahat ng utos niya kailangan kong sumunod. Kahit naiinis ako sa kanya napapasunod naman ako.
Ano bang meron sa babaeng ito? Kung hindi lang dahil kay Denise hindi ko siya susundin. Sana ay matapos na ang natitirang 23 days para maging girlfriend ko na ang beshie niya.
Habang pinagmamasdan ko si Raine na natutulog para siyang anghel, sobrang amo ng mukha niya. Para siyang Barbie na hindi makabasag pinggan pero magising naman ay parang laging may topak.
Kakaiba talaga ang babaeng ito, hindi ko maintindihan.
“Edward…” sabi ni Raine habang tulog.
Nanaginip ba siya? Napa-panaginipan niya ba si Edward? Wala naman si Edward dito sa loob. Hindi kaya may gusto siya sa lalaking yon.
"Raine! Raine!" natatarantang dumating si Ryan.
Nagising si malditang pangit. "Ano ba!"
"Raine, gumising ka."
"Bakit ba?" ginising siya ni Ryan.
"Si Denise, pinatid nila Margarette sa Hallway."
"Ano?! Sina Margarette?"
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Teen FictionMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)