RAINE'S POV
Napakrus ako ng mga braso matapos kong maibigay ang teddy bear na napalonan ko.
"Ano to?" gulat na tanong ni Marco.
"Since binigay ko na yan sayo, Ikaw narin ang magdala n’yan."
"Ayoko nito!" balik niya sa akin.
Hindi ko kinuha at nanatiling nakakrus parin ang mga braso ko.
"Tanggapin mo yan kundi basted kana sa akin!" pananakot ko.
"Huh! Basted?" napakunot-noo siya.
"Oo, Basted! Sasabihin ko sa maganda kong bestfriend na hindi ka nakapasa standard na gusto ko."
Napa-awang ang bibig niya at mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Hindi ko lang tatanggapin ang teddy bear na binigay mo basted agad!"
"Oo." matipid kong sagot.
"Kaya naman pala walang nagtatagal sayo kasi napaka sensitive mo!"
"Ako kasi ang tipong hindi nagpa-paasa. Kapag gusto? Gusto. Kapag ayoko? Ayoko! Hindi ako yung pakipot kaya kong ayaw mong umayos kalimutan mo nalang na niligawan mo ako." mariin kong wika.
Huminga siya nang malalim at matagal bago nagsalita.
"Tatanggapin ko na lang to para tumigil kana." sabay yakap sa teddy bear, gamit ang isang kanang braso niya.
Sa tuwing nakikita ko si Marco na bitbit ang malaking teddy bear na binigay ko ay hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Bagay kasi sa kanya ang magdala ng teddy bear.
“Para kayong mag-ama ng teddy bear Marco.” sabi ko.
“Ginagawa mo naman akong babae sa date na to.”
“Hala! Ikaw lang naman nag-iisip n'yan.”
“Wala ka talagang puso!” tapos ay umalis sa harap ko.
Hay. Mukhang nagtatampo ang loser. Napa-iling na lang ako.
Sa isang sikat na kainan ako dinala ni Marco. Nakaupo ako sa kanan ng lamesa at sa kabila naman siya.
"Kumain ka ng Halo-halo para lumamig ulo mo." sabi ko.
“Bakit ba ang sama ng ugali mo?” nagsimula na siyang sumubo ng halo-halo.
"Wala kang pakialam, bakit boyfriend ba kita?" sabay isang subo ko ng halo-halo.
"Tss.. ibang-iba ka talaga sa bestfriend mo. Si Denise ang bait at ikaw Maldita, Paano kayong naging magbestfriend?"
"Bakit hindi ba pwede? Yung iba nga dyan lalaki at babae nagiging magbestfriend kami pa kaya na ugali lang ipinagkaiba." depensa ko.
Mukhang napa-isip siya. "Kung sabagay." sang-ayon niya.
"Duh." napailing ako.
Malapit na naming maubos ang halo-halo na kinakain namin.
"Raine, diba si Ma'am Acaso yun?" tanong ni Marco, sabay turo sa bandang entrance ng pinagkakainan namin.
Lumingon ako sa likod ko. Si Ma'am Acaso nga at tila naghahanap ng vacanteng upuan. My god! ayokong makita kami ni Ma'am Acaso na nag-dadate kami ni Marco, mahirap na baka ano pang isipin niya tungkol sa amin.
"Marco, umalis na tayo dito!" bulong ko.
"Huh. Hindi pa ubos ang halo-halo ko."
"Ano ka ba? Sa susunod na tayo kumain ulit..." pilit ko.
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Ficção AdolescenteMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)