RAINE'S POV
Pagdating ko sa Locker area. Nakita ko na si Denise na nagbubukas ng locker niya. Lumapit ako sa kanya. Nang bubukas na niya ang locker ay bigla ko iyong sinara ulit. Gulat siyang napalingon sa akin.
"Raine. Bakit mo 'yon ginawa?" gulat na tanong niya.
"I want to talk to you," seryoso kong wika. Hinarap niya akong mukhang kinakabahan. "Bakit ka nagsinungaling?" tanong ko.
"Sa alin?" hindi siya makatingin sa aking mga mata.
"Sabihin mo, binully ka ba nila Margarette noong umabsent ako?" napakrus ang mga braso ko. "Gusto ko 'yung totoo ang isasagot mo!"
Napabuntong hininga siya. "So alam mo na?"
"So... totoo nga!" hindi agad siya nagsalita. "Bakit hindi mo sinabi Denise?"
"Ayoko kasing mag-away kayo ni Margarette ng dahil sa akin!"
"So... May utang na loob pala ako kay Marco sa pagtulong sa'yo?"
Hindi ako makapaniwalang naglihim si Denise sa akin ng ganito.
"Bakit ka ba nag-iisip ng ganyan?" hinawakan niya kanang kamay ko. "Wala kang utang na loob kay Marco. Ako meron," sa tuwing tinitignan ko siya sa mukha. Ang sarap niyang kurotin sa inis ko. "Wag kanang magalit Raine. Please..." suyo niya.
Nilayo ko mukha ko sa mukha niya at napabuntong hininga. Kahit ano'ng gawing kong magalit sa kanya basta sinusuyo na niya ako bigla nalang nawawala ang galit ko.
"Okay! okay! pero sa susunod kapag binully ka ulit ni Margarette sabihin mo na sa akin. Kung hindi! Hindi na kita talaga papansinin," paliwanag ko.
"Yes Ma'am," masaya niyang sagot.
Kung hindi lang bestfriend eh. Binatukan ko na 'to.
"Hi Denise," boses ng lalaki na mula sa likod ko.
Paglingon ko si Marco na masiglang naka-ngiti sa amin. Binitiwan ako ni Denise. Hay naku nagkita na naman kami ng lalaking hindi nawawalan ng pasa sa mukha at may pagka pervert din. Napataas na ang kilay ko.
"Bakit ka pa bumalik dito?"
"Bakit hindi mo tanongin ang bestfriend mo?" napatingin ako kay Denise.
"Raine... pumunta ako sa bahay niya kagabi. Nakokonsensya kasi ako na hindi na siya pumapasok ng dahil sa akin, dahil sa nangyaring gulo noong nakaraan," paliwanag niya.
Hay Naku. Akala ko ay mamuhay na kami ng payapa dahil wala na ang loser pero ngayong bumalik na siya. I expect na magkakagulo na naman. This guy is a troublemaker. Marahil may sumpa siguro nakadikit sa lalaking ito.
"May magagawa ba ako? Nandito na siya."
"Ano? nagsisinungaling ba ako?" tanong ni Marco.
"Okay naniniwala na ako pero dapat hindi kana bumalik!"
"Namiss ko kasi ang pang-aaway mo sa akin."
Duh! ang agaaga na naaalidbadbaran na ako sa puro pasa niyang pagmumukha.
"Raine. Wag kanang magalit kay Marco," sabay hawak sa braso ko. "Please. Hindi ka ba napapagod na palagi ka na lang nagagalit?" Huminga ako nang malalim. Ang totoo napapagod na rin akong laging nagagalit. "We're good friends ni Marco. Sana maging magfriends din kayo. Para na lang sa akin," suyo niya.
Nagpapacute pa talaga siya sa akin. Matagal pa bago ako nagsalita.
"Okay. Susubokan kong makipagfriends sa kanya," baling ko kay Marco na walang emosyon. "For the sake of Denise at pagtulong mo sa kanya. Let's be friends," nilapit ko ang kamay sa kanya para makapagshakehands.
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Teen FictionMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...