Chapter 62- I love Rain

1.1K 30 3
                                        

RAINE'S POV

Maaga akong dumating sa school at ngayon nakaupo ako sa upuan ko ng dumating ng maaga ang bestfriend kong si Denise. Nakangiti siyang lumapit sa akin.

"Good morning, twin." bati niya.

Napangiti ako. "Mabuti nandito kana kasi may gusto sana akong sabihin sa'yo." sabay tayo ko.

"Ano yun?" tanong niya.

Napatingin muna ako sa paligid bago nagsalita. Nang pansin kong walang tao ay tsaka pa ako nagsalita.

"Alam na ni Marco ang sekreto ko."

"Ano'ng sekreto?"

"Tungkol kay Edward."

Bakas sa mukha niya ang pagkabigla sa sinabi ko. "Paanong nangyaring nalaman niya?"

"Hindi ko alam kung paano niya nakuha sa ang picture ni Edward sa phone, may kutob ko na nalaman niya ang password kaya nalaman niya ang sekreto ko."

"Ano'ng sabi niya ng malaman niya ang sekreto mo?"

"Ipagkakalat daw niya ang na crush ko si Edward."

"Baliw ba si Marco! Bakit niya gagawin yun?"

"Hindi ko alam basta lately, nahuli ko siyang pinapakiaalaman phone ko, para tinangka niyang talaga malaman kung ano ang meron sa phone ko. Pero I'm sure na hindi niya agad ipagkakalat ang sekreto ko.. kilala niya ako at masama akong magalit."

"Anong gagawin mo ngayon?" tanong niya.

Sa totoo lang meron na akong naisip na gagawin. Ito lang tangi kong alam na paraan para maunahan ko si Marco bago kumalat ang tungkol sa sekreto ko.

"Denise, gusto ko ng magconfess kay Edward."

"Sure ka Raine magco-confess kana?"

"Dadating naman din ako doon kung matapos man o hindi ang CMI30 ko, atsaka gusto ko na talagang magconfess since matatapos narin ang 30 days na panliligaw sa akin ni Marco."

"Teka paano mo gagawin ang pagcoconfess mo?" usisa niyang tanong sa akin.

"Gagawa ako ng Love letter, nahihiya akong sabihin ng harapan.. siguro naman pwede na iyon diba?"

"Ikaw kung anong gusto mo, hindi ko pa alam kung paano kita matutulungan kasi hindi ko pa yan nagawa ko sa buhay ko." mabait niyang wika.

Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin kaya nangiti lang ako. Kung sabagay NBSB din siya katulad ko.

"Gagagawa ako ng Love letter mamayang gabi Denise, ang gusto ko sana ay ikaw ang magbigay kay Edward."

"Pwedeng hindi ako Raine, nahihiya ako."

"Please Denise, kahit ngayon lang... Tulungan mo ko." pagmamakaawa ko sa kanya.

Matagal siya bago magsalita.

"Okay, ibibigay lang diba? Susubukan ko."

"Salamat Twin." nakangiting sabi ko.

Medyo gumaan na ang loob ko ng malaman kong handa akong tulungan ni Denise sa pagco-confess ko kay Edward kahit papaano unti-unting nawala ang kaba sa dibdib ko.



NAKAUPO ako sa study table at abala sa pagsusulat ng loveletter na ibibigay ko kay Edward para bukas. Natigilan lamang ako sa ginagawa ng biglang narinig kong parang may nagbukas sa pinto ng kwarto na galing mula sa likuran ko.

Paglingon ko, ang Loser kong manliligaw na si Marco ang dahan-dahang pumasok.  Napabuntong hininga ako ng makita siya. Pasimple siyang umupo sa kilid ng kama ko ngunit hindi ko siya pinansin. Ayos lang naman sa akin ang pumasok siya basta ang mahalaga ay hindi lang siya magkakalat at hindi makikialam ng gamit ko dito sa loob.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon