RAINE'S POV
Pumunta muna ako sa Hallway sa tapat ng classroom para magpahangin. Wala si Sir Reyes ang teacher naming kaya kanya-kanya nang daldalan ang mga kaklase ko.
Napabuntong hininga ako. Sa mga pangyayaring nangyari ngayon. Hindi ako mapakili. Hindi mawala sa akin ang nakita ko sa litrato kanina. Sa tuwing naiisip ko iyon. Bigla nalang akong nakakaramdam nang lungkot.
Sa di kalayuan nakita ko si Margarette na papalapit at masama na ang tingin sa akin.
"Anong na naman bang pasabog to Raine?!" Galit niyang tanong.
Hinagis niya sa akin ang picture nilang dalawa ni Marco. Nabigla ako sa tanong niyang iyon.
"Wait! Are you accusing me?"
"Don't play victim here Raine... I know you're good in this."
Ano bang pinagsasabi ng Margerette na ito? Iniisip guro niya ako ang may gawa nito.
"I admit na mahilig akong magblack-mail pero hindi ako ang gumawa nito... Atsaka anong dahilan ko para gawin to?"
"Malay ko baka ginawa mo to para ipamuka sa akin malandi ako!"
Natawa ako ng bahagya sa pinagsasabi niya. Siguro effecto na ito ng sampal at sinabi ko kahapon kaya kung anu-ano nalang ang iniisip niya.
"For your information Margarette, Wala akong pakialam kong malandi ka o hindi. May relasyon kayo ni Marco o wala... Dapat nga ako ang nagtatanong sayo niyan eh.. di ba bina-blackmail mo na ako noon ng picture namin ni Marco, baka naman nagpla-play victim ka lang para mag-mukha kang innocente."
"Teka... mabuti nandito kana Margarette." dumating si Marco.
Perfect timing kompleto na kami.
"Bakit ko naman gagawin yon Raine... Niligtas na nga ako ng tao sisiraan ko pa!"
"So hindi ikaw ang gumawa nun Margarette?" tanong ni Marco.
"How could I do that! eh ngayon pa nga lang ako dumating.. Hindi nga dapat ako papasok ngayon pero napilitan ako dahil sa skandalong ito! Atsaka bakit kayong dalawa parang ako ang sinisisi ninyo?"
"Dahil ikaw lang alam namin na kontrabida dito." wika ko.
Natawa siya. "Are you sure na ako lang? bakit ikaw Marco.. diba maraming galit sayo dahil sa pagiging troublemaker mo at Ikaw Raine... Sa tingin mo walang galit sayo sa pagiging malapit mo kay Edward? Wag naman ninyo isisi sa akin lahat, innocente ako!"
Sa sinabi ni Margarette ngayon ko pa naramdaman ang maawa sa kanya.
Inaamin ko palagi kaming nagkaaway ni Margarette dahil sa pangbubully niya kay Denise pero sa pagkakataong ito parang ayokong makipag-away sa kanya ngayon.
"So sinong may gumawa nito?" tanong ko.
"Hindi ko alam... pupunta muna ako ng clinic kasi masama talaga ang pakiramdam ko.. gusto kong magpahinga.. Marco paki-tanggal ng mga picture natin dalawa.. nakakahiya! Sa pagpasok ko dito ako ang tinitignan ng mga tao." utos niya kay Marco.
"O sige, magpahinga kana.. Ako na ang bahala sa mga picture.." wika ni Marco.
Ngayon ko pang nakitang naging mabait si Marco kay Margarette. Hindi ako comportable o baka hindi lang siguro ako nasanay.
"Salamat." wika ni Margarette matapos ay umalis na.
Hindi ko lubos maisip na pati ako nadadamay sa nangyayari. Sana matapos na ang issue na ito. Papasok muna ako sa loob para makaupo. Nakakangalay ang palaging nakatayo palagi lalo na katabi ko na naman si Marco.
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Novela JuvenilMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)