RAINE'S POV
Matapos nang nangyari sa amin ni Marco ay bumalik na ako sa room. Simula na makarating kami rito ay hindi na kami nagpansinan.
Habang nasa upuan ako ay naiinis akong nakatingin sa likod niya. Lumingon pa siya sa akin. Bakas sa mukha niya ang bakat ng kamay ko sa pisngi niya dahil sa sampal na natanggap niya sa akin.
"Grave ka talagang babae ka! Ang sakit ng sampal mo!" reklamo niya.
"Yan naman kasi ang bagay sayo!"
Napasandal ako sa upuan at pinilit na kalimutan ang nangyari. Gusto ko nang maka-graduate para hindi ko na makita ang lalaking ito. Isang taon pa ako magdudusa na makasama ito.
"Anong nangyari sa mukha mo Marco?" tanong ni Denise na kakarating lang sa practice nila ni Edward.
"Bakit hindi mo tanungin ang bestfriend mo!" galit na sagot nito.
Napalingon si Denise sa akin. "Twin. Ano'ng ginawa mo kay Marco?"
Sinipa ko nang malakas ang upuan ni Marco sa likod. "Tumahimik kana kasi!"
"Ano ba? nasampal na nga ako kulang pa ba yon?" inis na Marco na napalingon sa akin.
"Eh. Sa Naasar ako eh!" napipikon talaga ako sa pagmumukha ni Marco.
Napabuntong hininga si Denise. Kahit ano'ng gawin na ipagkasundo kaming dalawa ni Denise ay parang malabo na dahil sa katigasan ng ulo ng loser na ito.
He's always gave me an headache since the first day we met. This guy is like a curse to me.
Sinuot ko na ang bag sa likod para tumayo. Dali-dali akong umalis sa room para malamigan ang ulo ko sa nangyari.
"Hoy Raine, uuwi kana?" tanong ni Denise.
Nagpatuloy ako sa pag-alis. Sa gate na lang ako maghihintay kay Denise.
Habang naghihintay ay malayo pa lang ay nasilayan ko na si Denise na kasama si Marco. Hinila ko agad si Denise nang minsan nagtago ako sa poste.
"Kanina pa kita hinihintay ang tagal mo!" sabi ko. Tinignan ko naman si Marco from head to foot. "Kaya naman pala ang tagal mo. Kasama mo pala ang pervert na 'to."
"I'm not a pervert!" sigaw ni Marco.
"Naku!" ayoko ko na siyang patulan.
"Akala ko ba umalis kana?"
"Pwes.. Akala mo lang 'yon!" inagaw ko ang bag ni Denise kay Marco at malakas na ibinalik iyon sa bestfriend ko. "Tara na Denise."
Tahimik na sumama si Denise sa akin. Sa totoo lang kong hindi lang talaga ako inaasar ni Marco ay hindi ko sana siya ginaganito pero mahirap talaga siyang kaibiganin sa ugali niya. Nang malayo na kami kay Marco ay hinarap ko si Denise.
"Tell me Denise, may gusto ka ba kay Marco?" tanong ko.
"Wala akong gusto sa kanya." sagot niya.
"Eh.. Bakit magkasama kayo kanina?"
"Kasi ihahatid niya ako."
"So pumayag ka rin, 'no?"
"Ilang beses na rin niya ako hinatid... wala namang nangyayaring masama."
"So marami na pala kayong beses na nagkakasama! Huh."
"Ano ba Raine! Mabait naman si Marco hindi mo lang nakikita. Kanina pino-protektahan na naman niya ako kina Margarette."
"Ano? Sina Margarette na naman?" nagsimula na namang manggulo ang bully na 'yon. Napahawak na lang ako sa noo. "Mababaliw na ako."
"Raine.. Puso mo." suyo niya.
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Novela JuvenilMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...