MARCO'S POV
Malalim na ang gabi ng marating namin ang bahay nila Raine kasama ang parents niya. Dahil kaya ko ng lumabas ng ospital ay nagpasya kaming umuwi na dito. Pagdating ko loob ay ang una kong hinanap ay si Raine.
Alam kong nakarating na siya dito dahil bago ko lang siya kausap sa phone ng papauwi na kami galing sa ospital. Nakatayo ako ngayon sa harap ng pinto niya pinapalangin na sana ay lumabas siya ngayon. Hindi ako nagkamali dahil bumukas ang pinto at ang magandang mukha niya ang nakita ko.
"Hi." bati ko.
"Mabuti dumating na kayo." mabait niyang wika.
"Oo ngayon lang."
Nginitian niya ako. Ang ngiting iyon 'yon ang gusto kong makita sa kanya araw-araw. Napansin kong may luha pa rin sa kanyang mga mata.
"Umiiyak ka parin ba ngayon?" tanong ko.
"Ah ito wala to.. hindi pa kasi ako naka-move on kanina."
"Kalimutan mo na iyon."
"Pahinga ko lang siguro ito para mawala sa isip ko."
"Kumain ka na?" tanong ko.
"Oo.. ikaw kumain ka na?"
"Oo.. Tapos na."
Ngumiti siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako sa loob ng kwarto niya. Marahang sinara ang pinto. Kinabahan ako sa ginawa niyang iyon.
"Pwede ba kitang mayakap ulit." wika niya.
Hindi ko alam anong umiikot sa isip niya. Hindi ko maintindihan kong bakit niya hiniling iyon. Ngunit gusto kong pagbigyan siya.
"Oo naman."
Ngumiti ulit siya ngunit bakit ang ngiting iyon ay parang may kalakip na lungkot. Niyakap niya ako ng mahigpit. Sa mainit na haplos ng palad niya sa mula likod ko ay yun din ang nagtulak sa akin na yakapin siya papabalik. Sasabihin ko na ba sa kanya ang nararamdaman ko? Ito na ba ang tamang panahon? Ilang saglit ay lumayo na siya sa yakap ko.
"Bukas matatapos na ang CMI30 ko, gusto ko sanang pag-usapan natin yon bukas sa school ground 5:00 ng hapon kong okay lang sayo."
Nakalimutan ko last day ko na sa panliligaw sa kanya.
"Sure."
Marahil doon ko na sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko sa kanya.
"Hindi muna ako papasok bukas pero pupunta ako doon tulad ng napag-usapan."
"Bakit hindi ka papasok?" tanong ko.
"May pupuntahan kami ni Denise bukas.."
"Saan kayo pupunta?"
"Pwedeng kami nalang.. please."
Bakas sa mukha niya na may mabigat siyang dahilan kaya ayaw niyang sabihin. Hindi ko na siya kinulit pa.
"Okay.."
"Goodnight." nakangiti niyang wika.
Bago ako lumabas ay niyakap ko muna siya.
"Goodnight din."
Matapos ay binuksan niya ang pinto para sa akin. Nang makalabas na ako sa kwarto ay pinagmasdan ko pa ang mukha niya bago tuluyang masara ang pinto. Ilang minuto lang na hindi ko siya makita ay hinahanap ko na siya. Panalangin ko lang sa Diyos na sana ay sagutin niya ako bukas.
Next day... Sabik ngunit kinakabahan habang inayos ko ang sarili ko upang harapin ang babaeng mahal ko walang iba kundi si Raine. Ito na marahil ang hinihitay kong oras para sabihin ang nararamdaman ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Teen FictionMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)