Chapter 61- Password

1.1K 29 8
                                        

 RAINE'S POV

Dinala ako ni Marco dito sa park kung saan matagal-tagal na rin hindi kami nakakapasyal dito.

"Akala kong saan mo ko dadalhin, dito lang pala." sabi ko.

"Dito kasi kita gustong turuan."

"Bakit ba gusto mo kong turuan magbike?"

"Kasi gusto ko lang."

"Duh.. papansin ka talaga."

"Pumayag kana na turuan kita para hindi rin sayang ang bike na ibibigay ko, kakalawangin lang ito kapag hindi mo gagamitin."

"Bakit kasi yan bike ang binili mo, libro pa yan di sana sobrang saya ko na ngayon!"

"Ayaw mo nun kapag magaling ka ng magbike di madali lang sayo ang makapasyal kina Denise. Kahit wala kang kasama sa pag-uwi madali kang makakarating sa bahay."

Napaisip ako. Sa sinabi niya mukhang may punto rin siya. Seryoso akong napatingin sa kanya na matagalan. Titignan ko anong magiging reaksyon niya kapag tinitigan ko siya ng nakakamatay kong tingin.

"Wag mo nga akong tignan ng ganyan, ang weirdo mo!"

Napangiti ako kasi naiilang pala siya sa tingin ko. Napagtripan ko na naman siya.

"Okay, papayag na akong magpaturo ng bike pero may kondisyon."

"Anong kondisyon?"

"Kapag nasugatan ako, ilibre mo ko ng hamburger, fries, milktea with drinks. Ipagluto mo ulit ako ng paborito kong sinigang mamaya at masahiin mo ang likod ko habang nagbabasa ako. Ano okay lang ba yon sayo?"

"Grave ka naman! Sobrang dami mo naman kondisyon, kung ganyan man rin lang hindi nalang kita tuturuan." napanguso siya.

Natawa ako sa reaksyon niya. "Joke lang, pabebe boy... sige turuan mo na ako."

"Papayag ka rin pala."

Pumunta na kaming dalawa sa gitna. Sumakay ako sa bike.

"Sumawak ka nang mahigpit dyan sa dito." sabi niya.

"Okay."

Sinunod ko naman ang sinabi niya.

"Tapos ipadyak mong mabuti yang manubela sa ibaba."

Medyo kinakabahan ako dahil first time ko tong gawin sa buhay ko.

"Okay." pinadyak kong unti-unti. Nakakatakot pala Pakiramdam ko matutumba ako. "Hoy Loser wag mo muna akong bibitawan!"

"Wag kang mag-alala hindi hahawakan kita."

Pinadyak kong ibaba ng bike para umandar ako pero sa kilid ko nariyan si Marco para hindi ako matumba. Isang oras naming ginawa hanggang nasanay ako kung paano patatakbuhin.

"Medyo marunong kana, ngayon bibitawan na kita." sabi ni Marco.

"Sure ka kaya ko na?" tanong ko.

"Balance mo lang ang katawan mo tapos wag kang matakot na matumba."

"Sinabi mo yan." hinawakan ko  mabuti ang bike pero na sa kilid lang niya ako. Sa pagkakataun na ito bibitawan na niya ako.

"Ready set go!" wika niya tapos pinaandar ko na ang bike. Napaandar ko na siya ng maayos at ramdam ko na ang hangin na sa mukha ko.

Sa pagpapaandar ko hindi ko namalayan na hindi na pala ako hawak ni Marco. Mataas-taas na ang napaandar ko na bike. Huminto ako sandali. Para akong nabunotan ng tinik ng maayos kong napahinto ang bike ng hindi na bubungo. Tumakbo si Marco sa akin.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon