Chapter 29- Music Room

1.5K 37 8
                                        

MARCO'S POV

Mabuti naman ay nakauwi pa ako ng buhay matapos kasamang ka-date ang walang pusong babaeng yon. Pagpasok ko pa lang sa pinto, nadatnan ko naman si Ryan na nanood ulit ng TV.

"Uh Boss... musta na ang first date ninyo ni Raine?"

"Ganoon parin unexpected." sabay upo sa sofa.

"Ang cute naman ng Teddy bear mo saan to galing Boss?" masaya niyang kinuha ang teddy bear sa akin.

"Binigay sa akin ni Raine."

"Si Raine? Wow! Ang sweet niya."

"Sweet kasi ginawa niya akong parang babae sa date namin at nagsuot pa siya ng maid dress kanina mabuti na nga lang na solusyunan ko ang topak niya."

"Nagmaid dress siya? Minsan may pagkabaliw din pala si Raine."

"Sinabi mo pa! sinabuyan ko ng lemonade mabuti nalang nakapagbihis din."

Mukhang napaisip siya. "Teka boss, Meron ka na bang idea kong anong weakness niya?"

Napabuntong hininga ako.

"Ewan ko sa malditang babaeng yon, maliban sa matalino at magaling siya sa baseball... Nalaman ko din na magaling din siya sa bowling.Hindi siya natatakot manood ng horror movie at higit sa lahat wala din siyang fear of heights."

"Woah..She's almost perfect ang cool naman ang maging girlfriend siguro niya."

"Cool nga pero sobrang sama naman ng ugali pagdating sa pagpapahirap sa mga lalaki. Ewan ko kung ganoon palagi siya impossibleng magkaroon ng boyfriend ang malditang yun."

"Ang dami-dami ng lalaking nanligaw sa kanya...pero lahat hindi nagtagal sa kanya."

"Babalik nalang ako sa dating gawi ang paibigin siya siguro kasi kahit papaano sa paraaang ganoon may pag-asa pa akong makaganti sa kanya... gusto kong durugin ang puso ng Maldita yon hanggang hindi na siya makahinga."

Nagkipit balikat siya sa akin.

"Ikaw na lang ang pag-asa naming mga kakalalakihan.... ipaghiganti mo ang lahat ng mga lalaking pinahirapan at pina-iyak niya."

Natawa ako sa sinabi ni Ryan.

Sa pagkakataon na ito. Despirado na akong sa gagawin kong pagpapaibig sa malditang babaeng yon.

=s=s=s=s=s=s=s=s=s=s=s=s=

Nadatnan ko si Raine na abala sa pagbabasa ng tila mga liham sa locker area.

"Good morning Raine. Dumating ka na pala." bati ko kanya.

"Good morning din." sabi niya pero hindi siya tumingin sa akin.

Hindi niya ako binigyan pansin at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Ano yang binabasa mo?" tanong ko.

Napabuntong hininga siya. "Mga Love letter na naman." bagot niyang sagot.

"Love letter?"

Hindi ko akalain na uso pa ang love letter sa panahon ngayon.

"Nakita mo ba itong mga love letter sa locker ko sa paglagay mo ng rose kanina?" tanong niya.

Dahil ayaw ni malditang pangit ng nalalate ako. Kailangan kong mauna dito sa kanya sa pagpasok at syempre gawain ko na bigyan siya ng rose araw-araw sa locker para mag pa-impress sa kanya.

"Sa locker mo galing? kanina wala pang love letter dyan." sagot ko.

"Ang ibig sabihin kakalagay lang nito kanina." matapos niyang magbasa ang ilang mga love letter. Inabot niya lahat iyon sa akin.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon