RAINE'S POV
Sa Locker area. Pumunta ako doon para kunin ang ibang libro na iniwan ko. Pagbukas ko ng locker ay may lalaking lumapit sa akin.
"Good morning Raine," bati ng isang lalaking hindi ko kilala.
Nahinto ako sa ginagawa ko at walang emosyon ko siyang hinarap."What?"
Tinanong ko na agad siya dahil alam kong hindi siya lalapit kung walang dahilan.
"Love letter para sa iyo." sabay abot sa akin.
Tinignan ko siya from head to foot. Mukhang mabait naman siya at simple lang. Napataas ang isang kilay ko at bagot na kinuha ang liham na hawak niya.
Binasa ko nang tahimik. Napansin kong maganda ang sulat kamay niya at malinis rin ang papel tulad ng pagkagawa niya. Ramdam mo ang bawat linyang ginamit upang ipahayag ang pagpuri niya sa akin.
"Gusto ko sanang manligaw sayo Raine." wika niya.
Hindi ako kumibo. Kinuha ko ang pentel pen sa locker ko at may sinulat sa likod ng papel.
Ang sinulat ko ay,
"FAILED"
Binalik ko ulit ang sulat sa kanya at pinabasa.
"Ano 'to?" tanong niya.
"Ang ibig sabihin nyan, Basted na kita."
Nagsimula ng maging malungkot ang mukha niya. "Bakit? may hindi ka ba nagustuhan sa sulat ko?"
"Wala." matipid kong sagot.
"Eh bakit?"
"Ayoko ko kasi ng manliligaw na may muta pa sa mata!"
Mabilis siyang napapunas agad sa mata. Hay, naku! Mangliligaw na nga lang nakalimutan pang manghilamos. Sino ba namang babae ang sasagot sa kanya? Hindi na talaga nahiya.
"Ayan, wala na akong muta.. pwede na ba akong manligaw sayo?" tanong niya.
Magsasalita na sana ako pero may biglang humawak na kamay mula sa likod ko.
"Hindi parin pwede!" isang malaking boses mula sa likod ko.
Parang isang siga na pumagitna si Marco sa aming dalawa. Hindi ko na makita ang manliligaw ko dahil tinabunan na ng likod ni Marco. Pasimple akong napasilip sa kilid.
"Bakit hindi pwede?" tanong ng lalaki.
"Gustong mabugbog!" pananakot niya.
Mukhang lalaban pa ang lalaki kay Marco. Patay kang bata ka! Marahas na hinawakan ni Marco ang kwelyo ng lalaki.
"Magbibilang ako ng tatlo kapag hindi ka pa tumakbo, basag yang bungo mo!"
Biglang tinulak niya si Marco at kumaripas ng takbo ang lalaking nanliligaw sa akin. Napailing nalang ako. Kawawang bata.
Humarap sa akin si Marco. "Ano sa tingin mo? Magaling ba ang acting ko?" nakangising tanong.
Umiwas ako ng tingin sandali at binalinangan siya ulit. "Pwede na, pwede ka ng pang horror movie."
"Ang aga-aga inaasar mo na naman ako."
Bigyang ko lang siya ng fake smile at pinagpatuloy ang ginagawa ko kanina sa locker ko. Tumayo siya sa kabila at inabutan ako ng isang rosas.
Nakangiti siyang nakatingin sa akin. Hay naku, akala ko tapos na ang kakornihan niya.
"Ano to?"
"For you."
"Ayoko na nyan!"
"Bakit?"
"Baka matinik ako nyan."
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Novela JuvenilMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)